"Tanggapin mo na, Ate, please. Ito lang naman ang naisip naming paraan." Si Senyorita Venice.

"T-thank you, ma'am. Pero—"

"You can't say no now. We already paid your tuition fee." Masungit na sabat ni Cross na ikinagulat ko.

Fuck!

Hindi pa rin mai-proseso ng utak ko ang mga pinag-usapan namin nina ma'am Alena. Paano na ito ngayon? Hindi na ako pwedeng humindi dahil ayon sa sinabi ni Cross, bayad na ang tuition fee ko hanggang sa mag-fourth year ako. Wala na akong mapagpipilian. Sila na ang nagbigay saakin ng magandang pasya.

"Hindi ito Maynila, Miss Sereno. At hindi ka na rin high school. Imagine? Two weeks kang hindi pumasok at ito pa ang aasahan kong score mo? Wala kang sagot. This is our first quiz and yet—" Pasok sa kabilang tenga at labas sa kabila. 'Yan ang ginawa ko pagpasok na pagpasok ko.

Letse! Umagang-umaga, sinisira na agad ng matandang dalagang propesor na ito ang araw ko. Malay ko ba na magbibigay pala siya ng exam ngayon? Ngayong wala pa ako sa mood mag-aral? Langya naman oh!

"Talaga, Sofia? Sabagay, matalino ka naman talagang bata kaya kahit anong exam pa 'yan, alam kong map-perfect mo." Boses ni Don Idefolso.

"You're really smart, hija. Bakit hindi ka mag-aral sa Maynila? For sure, kayang-kaya mo doon." Si Donya Victoria.

"Naku, Donya Victoria, hindi na po. Ayos lang naman po dito sa probinsya, saka, nandito po si Cross." Nahihiyang sabi naman ni Sofia.

Natigil ako sa paglalakad.

Sabado ngayon pero nandito si Nanay sa Hacienda dahil sa ilang araw na hindi pagpasok. Naisipan kong sumama sa kanya para tumulong na rin. Wala naman akong gagawin sa bahay. Saka, napag-isip-isip ko din na tumulong o kaya magtrabaho na rin dito bilang kapalit sa tulong na binigay nila.

Sumilip ako sa sala at nakitang tumutulong si Sofia kay Donya Victoria at Senyorita Venice sa pag-aayos ng mga bulaklak sa plorera habang si Don Idefolso naman ay nakaupo sa rocking chair, nagbabasa ng dyaryo.

Close na close na siya sa pamilyang Sullivan, huh?

"Kumusta 'yong birthday mo, hija? Hindi kami nakapunta dahil may inasikaso kami." Si Don Idefolso.

"Ayos lang po, Don. Salamat nga po pala doon sa regalo niyo. Hindi naman ho kailangan pero magagamit ko po 'yon sa pag-aaral." Nahihiyang sabi ni Sofia at ngumiti pa.

"Balita ko, ate, sinorpresa ka daw ni Kuya?" Natigilan ako dahil sa sinabi ni Senyorita Venice. Nakita kong namula ang pisngi ni Sofia na siyang ikinakunot ng aking noo.

"Ano bang binigay na regalo sayo ni Cross, hija?" Si Donya Victoria.

Tumigil si Sofia matapos maibaba ang mga bulaklak na hawak at humalukipkip. Hindi maitago ang ngiti sa kanyang labi na para bang may naalala.

"Kasi po..."

I raised my brow. Syempre, memorable ang regalo ni Cross sa kanya. Tiyak na hinding-hindi niya iyon makakalimutan na maski sa pagtulog niya ay napapanaginipan niya pa.

Nanikip ang dibdib ko matapos may rumehistro sa utak ko.

Tumitirik ang mga mata ni Sofia habang sinasabubutan niya si Cross sa sarap,pinapaulanan ng matatamis at agresibong halik, pawisan ang parehong katawan dahil sa mahabang oras na ginugol nila sa pagpaparamdam kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Sofia under Cross...while giving her a head!

Fuck! Why am I thinking this way? Wala naman akong pakialam sa kung ano man ang gawin nila. After all, they are in a relationship so there's no reason not to do something like that!

Hindi ko nais na marinig pa ang bawat detalye na mukhang balak niya pa atang ikwento ang lahat ng nangyari sa kanila no'ng gabing iyon, kaya tumalikod na ako.

Ngunit natigil lang ako dahil sa sumunod niyang sinabi.

"Sinorpresa lang naman po ako ni Cross ng Cake saka bulaklak. Hindi ko naman po inaasahan na may ganoon pala siyang gagawin. Ang sweet nga po eh."

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa narinig. Nilamon ako ng kahihiyan sa katawan.

Hindi sinunod ni Cross ang suhestyon ko sa kanya bagkus cake at bulaklak ang binigay nito sa kasintahan?

But... but Cross told me that: "It was fun!" Sinabi pa niya saakin na nagustuhan iyon ni Sofia. Tanda ko pa iyon eh! Hindi ako pwedeng magkamali!

Tumingin ulit ako kay Sofia na nagpatuloy na sa ginagawa nang hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi.

Parang may tumusok na kung ano sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanang kung ano iyon. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?

Knowing that Cross prepared something so special and surprised Sofia that way, I felt something really raw and strange and something unexplainable na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.

Hindi ko mawari kung dapat ba akong masiyahan na hindi nga sinunod ni Cross ang sinabi ko o dahil sinorpresa niya si Sofia ng cake at bulaklak.

What the hell am I thinking?

Nahihibang ka na, Rielle!

"Hindi ko alam na tsismosa ka rin pala." Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat pero napigilan ko ang aking sarili.

Itinaas ko ang aking kamao at handa na itong dumapo sa mukha ng kung sino man ang gumulat saakin ngunit mabilis na nahawakan iyon ni Cross. Agad ko namang binawi ang kamay ko sa kanya at lumayo ng kaonti.

Kanina pa ba siya sa likod ko?

"Alam mo bang masama ang nakikinig sa usapan ng iba?" Madiin na sambit niya. Marahas ko siyang nilingon at pinandilatan ng mata.

Magsasalita na sana ako nang biglang tumambad sa harap namin si Sofia, na nakangiti.

"Hi, Rielle! Kanina ka pa?" Masayang bati ni Sofia. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa inasta niya. Plastic!

Hindi ako sumagot.

Dumating si ma'am Alena at inaya kami sa sala, kasama sina Don Idefolso. Binati nila ako, maging si Venice ay masaya akong sinalubong ng yakap.

"Hi, ate Rielle! Mabuti naman at bumisita ka ngayon. Hindi sinabi ni nanay Wilma pero masaya ako na nandito ka." Masayang sabi ni Venice at bumalik sa ginagawa.

"Nga pala hijo, nagkkwentuhan kami kanina at nabanggit nitong si Sofia nakakuha siya ng mataas na marka sa unang pagsusulit nila sa eskwela." Kwento ni Donya Victoria.

Kailangan pa ba talagang i-kwento iyan? Tss. Ang babaw.

"Naku, Donya...nakakahiya po." Si Sofia na ngayon ay sinisikop ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga habang nakangiting nakatingin kay Cross.

"Hindi na ako magtataka, Lola. She's smart at walang dahilan para hindi mangyari iyan." Si Cross.

Mas lalo namang namula ang mukha ni Sofia dahil sa sinabi ng kanyang kasintahan.

"How about you, Rielle? Balita ko, magkklase kayo nitong si Sofia?" Ngayon ay saakin naman nabaling ang kanilang atensyon. Si Don Idefolso ay tinigil ang kanyang binabasa at tumingin saakin.

"Oo nga, Rielle. Ilan ang nakuha mong score?—" Natigil siya at bahagyang lumaki ang mga mata at nagtakip pa ng bibig. "Oh my! Pasensya na, Rielle. Wala ka palang naisagot dahil hindi ka pumasok sa buong linggo. Pasensya na talaga!" Hindi sinasadya, huh?

Lahat sila ay natigilan. Hindi inaasahan ang narinig na sagot mula kay Sofia. Kung tingnan nila ako, mukha akong kaawa-awa.

Hindi ako makasagot. Nanlamig ang aking buong katawan. Nanliliit ako sa aking sarili.

I felt...ashamed.

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя