"Can you please shut up?"iritadong sabi niya ,"Wala ka ng pakialam kung gusto kong utusan yung manager para siya na mag ayos nito."

Tinikom ko na lang ang bibig ko dahil kanina pa talaga siya naiinis sa akin.

"Manahimik ka na lang okay? ang dami dami mo pang sinasabi."

I sighed heavily ,"Sorry."

Di niya akong sinagot bagkus ay pinagpatuloy niya ang ginagawa niya.

Tinignan ko siya ng marahan at seryoso talaga siya nagsusulat dahil halos kumukunot na ang noo niya.

Masyadong masungit talaga!

Nagulat na lang ako na bigla niyang nilapag ang papel sa tapat ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Paglabas mo ibigay mo yan sa manager."Garret started talking to me ,"Di ko maaasikaso yan ngayon dahil aalis din ako maya maya."

Saan siya pupunta?

"Saan ka pupunta?"di ko mapigilan na tanungin siya kaya napalingon siya sa akin.

"Why do you ask?"

Napalunok ako ,"Nothing."

"Mabuti naman. Alam ko naman Claudette na ayaw mo rin na nandito ako kaya ito na pagkakataon mo para di mo ako makita ngayon."he glared to me.

Hater pa rin talaga niya ako!

"Nag aalala lang ako sayo kaya tinanong kita."napakagat ako ng labi dahil sa sinabi ko sa kanya at saglit siyang natigilan.

"Don't worry too much Claudette. Di pa ako pwedeng mamatay dahil di pa ako nakakaganti sayo."his voice coldly.

"Ikaw---"

"Kaaway pa rin kita sa lahat ng bagay Claudette."he smirked to me.

"Bullshit!"mahinang bulong ko.

Sana habang buhay ka na lang nasa ospital mas mabait ka pa dun kaysa ngayon na halos nakikita ko na naman ang demonyo mong sungay!

Nakita kong tumayo na siya sa swivel chair niya at saka dahan dahan lumapit sa akin.

"I'll go ahead Claudette."binasa niya ang labi niya ,"Ibigay mo yan sa manager ,nandiyan na lahat ang pwedeng kakailanganin."

Nakita kong tumalikod na siya sa akin at hahawakan na sana niya ang pintuan na bigla akong nagsalita.

"Sana mag ingat ka sa anong lakad mo! sana di ka pa kunin ng mga kampon mo!"sigaw ko sa kanya kaya sandali siyang napatingin at nakita ko lang na ngumisi lang siya.

"Wag mo ako masyadong mamiss Claudette. Babalik din ako."pagkasabi niya ay saka na siya lumabas ng office niya.

Ang kapal naman ng mukha niya!

Saan niya kaya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya?

****

The next day ay palagi lang ako nasa coffee shop at palagi kong hinihintay si Garrett kung dadating siya. But unfortunately ,di pa siya nakakabalik.

Saan kaya yung kumag na yun?

This past few weeks ay palagi ko talaga siyang naiisip. Ewan ko ba kung bakit ganito nararamdaman ko or baka ganito lang talaga yung feeling ko kasi di pa ako nakakabawi sa kanya dahil sa pagligtas ko?

Natauhan na lang ako na may tao pala nasa harap ko kaya bumalik ako sa wisyo.

"Ikaw pala ,Bullet."I said ,smiling.

He chuckled ,"Yes ,of course. bakit ka ba nakatulala diyan?"

Umiling ako ,"Nothing."

Nakita ko naman na tumango siya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now