kabanata 2

254 29 24
                                    

2024 Version.

Chasing The Moon

Iritang pinasada ko ang kamay sa 'king buhok. The night is quiet, the moon is shining brightly above while I'm here, in misery. Ang tagal ng grab ko! Hirap na nga akong makatakas kanina, hirap din sumakay ngayon! I can't bring the car since masiyadong agaw sa atensyon, mahuhuli ako.

What a life, ugh.

Wala din dumadaang sasakyan dahil alas dyes na ng gabi. Ang tanging ilaw lamang ang ang mga streetlight at ang tanging gumagawa ng ingay ay ang hampas ng mga puno't munting huni ng mga ibon. I waited for another minutes. Sabog na ang notification ko dahil sa text nila Lui, tinatanong kung saan ako, dahil nga late na 'ko.

Nang makita ang kislap ng ilaw ng isang itim na kotse sa 'di kalayuan ay nabuhayan ako ng pag-asa. Patungo ito sa 'king direksyon at sa harap ko pa mismo tumigil. Grabeng grab na 'to, halos dalawang oras ako pinaghintay!

"Sa Sweet And Dips po, Manong," may guhit ng iritasyon ang aking boses nang makapasok. Inilagay ko sa ibabaw ng aking hita ang dalawang shoulder bag at nag-type sa 'king cellphone. I didn't bother looking at the driver, it's the least of my concern right now.

"Sweet and Dips po." Nangunot ang aking nuo habang binibigkas ang pangalan ng bar dahil hindi pa rin umuusad ang kotse. My eyes are glue to my phone dahil puro text at missed calls na ang mga kaibigan. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang pag-andar ng makina.

I sighed deeply when I answered Lui's call.

"Bruha ka, asan ka na?! It's almost eleven, nine ang call time natin!" Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tenga. Napangiwi pa dahil sa tinis ng boses niya na humahalo sa maingay na hiyawan at sigawan sa bar. "Hinihintay ka ng mga lalaki mo dito!" At narinig ko ang halakhak niya.

Umirap ako kahit 'di niya naman nakikita. "I'm on my way. Mag-enjoy ka na lang diyan dahil malapit naman na 'ko," huling kong sabi bago patayin ang tawag.

I put my phone inside my purse. Pinahid ko ang mga tumatakas na buhok sa likod ng aking tenga. I'm only wearing a black spaghetti strap dress that hug my body perfectly, it has a small slit on each side that exposed my legs. Hinubad ko ang blazer na suot at ipinatong ito sa hita ko.

Inilipat ko ang tingin sa labas ng bintana. I watched as we passed by the buildings hanggang makarating kami sa bukana ng Bar. Kumuha ako ng isang libo sa bag at iniabot 'yon sa driver.

"Bayad po." My brows knitted when he didn't take it. Nanatiling nakalutang sa ere ang braso kong may hawak ng pera. I caught his eyes on the rear mirror, staring at me directly. Ilang segundo pa kaming nagtinginan hanggang ako mismo ang nagputol dahil sa pag-vibrate ng aking cellphone. Nakita ko ang pag-sulpot ng notification ng messages sa itaas.

Grab driver:

Ma'am, pasensya na po. Nasiraan po kasi ako sa gitna ng daan kaya hindi ko na po kayo mahahatid, Ma'am. Sorry po talaga.

What the...

Nanlalaki ang mata kong binalik ang paningin sa rear mirror. Nagkasalubong ang aming titig. His eyes is staring at me through the mirror with a hint of seriousness and curiousness while my eyes is widen from shock. Halos malaglag din ang panga ko habang prinoproseso ang kahihiyang ginawa.

Tangina, edi sino 'to?!

"Can you get off now?" Ang baritonong boses niya habang nakatingin ng mapanghusga sa 'kin. I'm still in amidst of shock lalo na nang bumaling siya sa 'kin, tuluyang nalaglag ang aking panga. His perfectly graven brows are knitted, malalim ang titig.

Napakurap-kurap ako nang makabalik sa reyalidad. I immediately tightened my grip on my purse at nahihiyang isinilid ang tumatakas na buhok sa likod ng aking tenga. My heart is pounding loudly due to the embarrassment.

Chasing The MoonWhere stories live. Discover now