Hanggang tuhod ko naman iyong shirt ni Sandro kaya hindi na ako nailang na walang suot- suot na shorts. It looks more better than wearing my jeans kanina. Pagkatapos ligpitin ang mga damit ko at inilagay sa isang plastic bag ay lumabas na ako.

Nakaupo si Sandro sa dulo ng kama niya habang nagtitipa sa kanyang cellphone nang lumabas ako. Ipinatong ko sa malapit na lamesa ang paper bag at plastic bago lumapit sa kanya.

"May pupuntahan ka pala bukas.." wika ko na abala sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pinasadahan ng palad ang buhok habang pinaglalandas ang titig niya sa damit ko. Gumalaw ang panga niya nang tumigil ang tingin sa mga binti ko.

"Hindi ba masyadong maiksi ang damit mo?"

"Damit mo toh d'ba?"

"And you're not wearing any shorts?"

Kaagad akong namula sa tanong niya. Kailangan ba na pati iyan ay itatanong niya? Hindi naman kita ang underwear ko dahil makapal ang damit.

"Komportable naman ako, Sands."

"Come here.." tinapik niya ang space sa tabi niya.

Itinigil ko ang ginagawang pagpapatuyo sa buhok at tumabi sa kanya. Kaagad niyang kinuha mula sa akin ang towel nang makaupo ako sa tabi niya. I flinched when he started rubbing the towel on my hair, ginaya ang ginagawa ko kanina.

"I'm going to Leyte tomorrow. I'm gonna be busy but I'll message you when I can"

Tumango ako. Hinayaan siya sa ginagawa. He is very gentle in drying my hair.

Sandro has this charisma na matapang and strong on the outside. He always shows dominance and strength. Pero kapag nagmahal siya, ipaparamdam niya sayo na ikaw ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Hindi siya 'yong tipo ng tao na puro salita. His actions shows what he truly felt.

Kaya siguro madali para sa akin ang mahulog sa mga matatamis niyang salita.

"Sandro.." I called him after a long defeaning silence between us.

"Hm?"

"Hindi ba kayo magkasundo ni Simon?"

Itinigil niya ang ginagawang pagpapatuyo sa buhok ko. Ang towel ay itinabi sa gilid bago ako niyakap patalikod.

"We're fine. Hindi lang gaanong malapit sa isa't-isa."

"Magkapatid kayo pero hindi malapit sa isa't-isa?" That's weird.

"Iniisip niya na isa akong kompetisyon sa lahat ng bagay. I'm far too preoccupied with his issues kaya hindi ko pinapansin. He's just being childish."

"Then try talking to him to sort out his issues with you. Ang magkapatid dapat nagkakampihan at hindi nagbabangayan"

Wala siyang naisagot sa akin. Mas lalo lang niya akong hinapit palapit sa kanya. Ang isang kamay niya ay kinuha ang palad kong nakapatong sa sariling hita. I tilted my head a bit when he crouched down to put his chin on my shoulder.

"Sige na, Sand. Try talking to Simon."

He sighed heavily. "Can we stop talking about him?"

Kinagat ko ang labi. Hinayaan siyang pinaglalaruan na naman ang mga daliri ko. He really likes to play with my finger huh? Especially my ring finger. Napansin ko noong isang linggo pa niya ito pinaglalaruan.

Mukhang ayaw niya talaga na pag-usapan si Simon. I know its their personal issues and I don't want to interfere anymore. Pero ayoko lang na patuloy na ganyan ang tratuhan nila sa isa't- isa.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now