Simula

119 10 1
                                    

Simula


"Pout your lips," utos sa akin ng isang bading, ngumisi lang ako. "Ang ganda ng mga labing iyan. How I wish I were like you.

Ngumisi ako sabay ayos sa aking buhok. Dumako ang paningin ko sa harapan ng salamin. What the fuck is wrong with my eyes? The mascara should not be thick and even my eyebrows. God, the nerve of making me like this.

"I hate the shade," bulalas ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin. "Ano 'ka mo? A-ayaw mo sa shade na nilagay ko?"

Kagyat akong tumango sabay tayo. "I hate the shade. Hindi ko alam kung witch ba ako o modelo."

"Aba! At sumasagot ka na ngayon?" patanong niya iyong sinabi.

Nagtaas ako ng tingin sa kaniya. Ayaw ko mang sumagot-sagot ay hindi ko na kaya ang pinaggagawa niya sa mukha ko. Saka bakit pa ako nananatili rito? I have many options to choose, una na rito ang unang hiring for Adang fashion model. Kung tutuusin ay mas malaki ang bayad doon, pero pinili ko pa ring manatali rito. Fuck!

"Eh, ano sa 'yo ngayon?"

"Aba... nagmamagaling," sabay tingin niya sa mga kasamahan ko, nangangalaiti na ang panga niya at balik sa akin. "Akala mo siguro tatanggapin ka pa ng mga ibang kaalyado ng pamilya mo? Ha! Kawawa ka. Palibhasa hindi mo ginagamit ang utak mo, puro suso at pagpa-party lang ang inaatupag mo-"

"Kailan mo ako nakitang nag-party?" Lumapit ako sa gawi niya. "When?"

"Yes-terday? I don't know," sabay hinga niya. "Basta ang punto rito ay wala ka nang mapuntahan kaya kailangan mo ako... kami. Para sa pang araw-araw mo."

Lumupagi ako sabay hubad sa platform. Nalaglag ang panga ng mga kasamahan ko. Ayaw ko nang manatali rito. Puro na lang pasakit at pagmamanipula ang ginagawa sa akin.

"W-what are you doing?" biglang tanong niya, naguguluhan.

"Ayoko na!" sabay sipa ko sa sapatos patungo sa kaniya. "I'm done with this bullshit agreement. So what kung maghirap ako? Hindi mo na kargo 'yon."

"Aba nga naman..." naglaho ang boses niya sa dulo nang kunin ko ang mga gamit ko. "Aalis ka talaga? Hindi mo ba iniisip na baka ma pa'no ka sa labas?"

"Kargo ko na 'yon," balik ko sa kaniya sabay wagayway sa buhok ko. "Saka, 'wag ka nang umasang aasenso pa 'tong ahensiya mo. Dahil wala na ako. Babagsak ka na. Hihintayin ko."

"How dare..." hindi niya natapos nang agad akong lumabas ng pintuan.

Tumakbo ako palabas ng building. Where the fuck I am going? Habang patuloy sa pagtakbo ay bigla akong napahinto nang may sasakyang bumundol sa akin. Damn.

Umikot ang paningin ko, hindi ko alam kung masusuka ba ako o maaantok. Is this the end of my journey? Per se the ball that I'm going to attend will never happen.

Darkness. Black hued enveloped my sight until I heard the last voice before my eyes resigned.

"Damn it!"

"Yes, she's here. I didn't have any idea that she'd be bumping into my car. Wait, I'll call you later. She's moving now..."

Marahan kong naaninag ang isang lalaki. He has a droopy nose, lips parted in awe of defeat. Teka, bakit ako nandito?

"Hey," agad niya akong inalalayan pabalik sa kama. "Stop moving. Hindi ka pa magaling. Saka na 'pag maayos ka na."

I sighed. "I'm fine..."

"No, you're not!"

Naitikom ko na lang ang bibig ko. Fine, hindi na ako maayos. I licked my lips and studied his eyes. He gained a turquoise hue to his pupils and a downturned eye shape. Who is this man? Have we met before? I shook the queries in my head.

DrippedWhere stories live. Discover now