Love poem

4 0 0
                                        

This day is really a bad day for me, well, I just missed my important exam. Damn, it's my finals, I'm dead to my parents. Okay lang siguro kay mommy but kay dad? Oh no, I'm doomed.

Nang makalabas ako ng UST ay nakita ko kaagad ang kapatid ko na hinihintay ako. Sa Ateneo kasi siya nag aaral gusto raw niya doon, ayaw pa nga ni mommy nung una kasi magkahiwalay pa raw kami pero wala siyang nagawa nung pumayag na si daddy.

"What happened, ate? Mukha kang binagsakan ng langit at lupa" sabi nito sa akin na ikina simangot ko

"Shut up, Creed." I told him.

Alam kong pagkarating ng bahay ay lolokohin niya ako ng malala. Habang nasa byahe ay naisipan namin mag drive-thru sa mcdo dahil pareho na rin kaming gutom, our mom will kill us if she found about this.

Nang makarating kami sa bahay ay naabutan namin sina daddy sa sala at parang nilalambing si mommy. Well, that's our dad, he really can't sleep kapag may away sila ni mommy.

"Hey, dad" bati ng kapatid ko

"Love, the kids are here, don't be mad na please..." pakiusap niya kay mommy pero hindi siya pinansin nito at lumapit lang sa amin at hinalikan kami sa pisngi.

"So, what's happening? Why are you nagtatampo kay dad?" I asked her

"Pinag-tritripan ko lang tatay niyo, hayaan niyo siya" bulong niya sa akin sabay tawa.

Napailing na lamang ako dahil sa sinabi ni mommy, aakyat na sana ako ng biglang nagsalita si daddy.

"How's your finals, Aly?" he asked me.

Napatingin naman ako sa kanya at sa kapatid ko pero nakangisi lang siya sa akin. "Dad...about that..." putol putol ko na sabi hanggang sa napatawa naman siya,

"Don't worry, I know that you didn't take your finals but please Celine don't do that again next time ha?" sabi niya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag, I'm lucky that my dad is understanding.

"How did you know pala dad?" I asked him but he just pointed at my brother.

Sinamaan ko ng tingin si Creed pero hindi niya ako pinansin, patay ka talaga sa akin na lalaki ka. Nang hahabulin ko na sana siya ay biglang may kumatok sa pinto kaya napahinto ako at binuksan na lamang ang pinto.

Bumungad sa akin ang ngiti ni Tita Violet kaagad niya akong niyakap ng nakita niya ako, kasama rin niya si Tito William kaya binati ko rin siya. Nang makapasok sila ay nag batian sila nina mommy.

"I thought kasama ninyo si Winter or si Autumn? Where are the kids, William?" my dad asked him

"You know them, those kids don't want to leave our house. They are busy studying..." Tito William explained.

Napatango na lamang si daddy sa kanya, nagpaalam na rin ako sa kanila na pupunta muna ako sa kwarto dahil may mga tatapusin rin akong mga plates.

"Just like you, Ayah. Plates here, plates there, plates everywhere..." biro ni Tita Violet kay Mommy kaya napatawa naman si Mommy

"Ikaw rin naman, nagmana rin sayo ang mga anak mo. Hala, sige aral here, aral there, aral everywhere" paggaya niya kay Tita Violet pero imbis na mainis si Tita ay napatawa na rin siya.

Nagpalit na lang muna ako ng damit saka sinimulan mag drawing, mukhang aabutin ako ng madaling araw dito kasi mahirap ang pinapagawa sa amin. Kumatok lang si Mommy dahil dinner na raw pagtingin sa orasan ay nakita ko na 7:30 pm na.

Kasabay ko pa sa paglabas ng kwarto ang kapatid ko kaya binatukan ko siya. "I'm just saying the truth, Ate" depensa naman nito

"Ewan ko talaga sayo, Creed" nakasimangot ko na sabi

Love poemHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora