"Huwag kang sasama."

Napatingin ako kay Ay-Ay na nakakunot ang noo habang nakatingin sa'kin. Napanguso naman ako sa sinabi niya.

"E gusto kong sumama, miss ko na ang dagat 'e."

Tiningnan niya lang ako ng mabuti, "Dahil nag po-pout na yang lips mo ay hindi ka na galit sa'kin?"

Natigilan naman ako pero muntik na akong napasigaw ng hilahin niya ang bewang ko kaya napunta na naman ako sa kama. Nagkatitigan kami at napalunok ako bago mag iwas ng tingin.

"Hindi naman ako galit sayo, nakakatampo ka lang."

Hindi naman talaga ako galit sa'kanya, nagtatampo at naiinis lang itong nararamdaman ko pero hindi ako talaga galit. At isa pa ay hindi ako marunong mag tanim ng galit sa dibdib ko. Masama daw yun sabi ni Mama.

"Talaga ba?" tumaas taas pa ang kilay niya na ikinatawa ko.

Pinisil ko naman ang pisngi niya, "Opo."

Ngumiti naman siya at nagulat naman ako ng dampian niya ng halik ang tungki ng ilong ko pero napangiti din ako. Mukhang ang ganda ng gising niya ngayon 'a. Nagiging sweet na siya sa'kin kahit hindi maganda ang nangyari kagabi.

"Ayokong sumama ka." niyakap niya ako ng mahigpit, "Pag sumama ka, mag-isa nalang ako dito."

Napangiti na naman ako. Ano ba yan, kagabi ay hindi ko kilala ang Ay-Ay na nasa harap ko tapos ngayon ay bumalik na siya sa dati. May pagkama-arte na naman ang boses niya pero ang sarap pakinggan.

"Edi sumama ka." tiningnan ko siya.

Napatakip siya ng bibig, "Oh, really? Shit, I am sure na maraming fafa dun!" tumili pa siya na nakikilig.

Kumunot ang noo ko, "Fafa?"

"Ano ka ba! Fafa yung mga gwapong lalake at may yummy na pangangatawan at syempre may malaking hotdog!"

Nagsalubong ang kilay ko. Kahit hindi ko maintindihan ang ilan sa mga sinasabi niya ay sapat na sa'king maintindihan na maghahanap naman siya ng lalake.

"Ayoko na! Huwag ka ng sumama!" sigaw ko at umalis sa kama pero bago pa man ako makaalis ay hinila naman niya ako kaya napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Bakit ang tigas? Nag-e-exercise ba itong baklang 'to?

Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa may tenga ko kaya nanginig na naman ang sistema ko. Iba talaga ang epekto niya sa'kin.

"I'm just kidding. Diba sinabi ko na sayo kagabi na kaya kong magbago, at ngayon ko na sisimulan." hinalikan niya ang sentido ko, "...'wag mo lang tuluyang magustuhan ang gagong doktor na yun."

Napalo ko naman ang braso niya pero mahina lang, "Kung gusto mong magbago dapat maging mabait ka muna."

Napatingin naman siya sa labi ko na bahagyang napanguso at nagtaka ako dahil namumula na ang tenga niya. Ano nangyari sa tenga niya? Hindi ko naman yun piningot 'a?

"Y-Yeah... pero sayo lang."

Napasimangot ako sa sinabi niya at magsasalita na sana ulit ng may kumatok sa pintuan sabay sigaw ng pinsan ko.

"Putcha, ang tagal niyong dalawa! Baka nag-aano na kayo dyan 'a!" sigaw ni Kuya Greg.

Anong nag-aano?

Tiningnan ko naman si Ay-Ay at hinalikan ko ang pisngi niya bago tumakbo papunta sa banyo. Pagkatapos kong magbihis at maligo ay bumaba na ako. Bumungad sa'kin sila Kuya Insan habang kausap si Ay-Ay na bagong ligo din. Siguro sa kwarto namin siya naligo.

My Husband is GayOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz