“Natatakot ka?”

Napatingin ako sa’kanya. Nabasa na naman niya ang nasa isip ko ‘a. Tumango nalang ako.

Inakbayan niya ako bigla, “Don’t be. I know na darating din ang araw na magkaka aminan kayong dalawa.” natawa siya ng mahina.

Napakamot ako ng ulo, “Ano namang aaminin naming dalawa?”

Natawa siya at ginulo ang buhok.

“Slow mo talaga. Kaya hindi ka niyan magugustuhan ni Ay-Ay ‘e.” napasimangot ako sa’kanya.

Hayy, kahit papaano ay nabawasan ang pag-alala ko na may sakit pala ako yun pala ay mahal ko na siya. Mahal ko na yung bakla kong asawa. Kailan kaya ito nag simula?

“Baks.” napatingin ako sa’kanya.

Nakatingin lang siya sa’kin at ipinatong ang palad niya sa noo ko. Napangiwi naman siya.

“Ang hinayupak, ang init mo.”

Tinabig ko ang kamay niya, “Mainit ako kasi buhay ako, magulat ka nalang kung malamig na ako.”

“Huwag mo akong pilosopohin ha.” tumayo naman siya, “Halika, ihahatid na kita sa bahay niyo.”

Umiling naman ako, “Huwag na noe. Dito muna ako.”

Nameywang siya sa harap ko at napatingala naman ako sa’kanya. Ang tangkad naman nitong lalakeng ‘to, kasing tangkad ni Ay-Ay. Nasaan kaya pala yun si Ay-Ay? Kailan kaya siya babalik? Baka maghalikan naman sila ni Lance ‘a, hayst.

“Nilalagnat ka, kailangan mong magpahinga.” nakikita ko ang pag-alala niya sa’kin.

“Ayoko. Dito lang muna ako.”

Napabuntong hininga naman siya at naupo sa tabi ko.

“Fine, babantayan nalang kita muna dito.”

Napangiti naman ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

“May nagugustuhan ka na din bang babae, baks?” maya mayang tanong ko.

Dapat malaman ko din kung sino ang nagugustuhan niya noe kasi yung sa’kin ay alam na niya.

“Wala pa. Wala sa bokabularyo ko ang magkagusto.”

Napatingala ako sa’kanya, “Ha?”

Napa poker face siya ng tingnan ko, “Alam mo gustong gusto na kitang ibalibag.”

Napasimangot naman ako sa’kanya at bigla nalang akong napabahing. Nilalagnat na nga ako tapos sinisipon pa? Saan ko ba kasi nakuha ‘to? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako naligo sa ulan ‘a.

“Sinabi na kasing pumunta na tayo sa bahay niyo.” sabi niya habang pinagmamasdan ako.

“Ayoko. Mag-isa lang ako dun ‘e at isa pa ay kailangan mo na ding umuwi.”

Napabuntong hininga naman siya, “Huwag kang mag-alala, babantayan kita.”

Magsasalita na sana ako ng tumunog ang phone niya. Tiningnan muna niya ako bago lumayo ng kunti sa’kin at sinagot ang tumatawag sa phone niya. Tiningnan ko nalang ang malawak na parke. Gusto ko sanang makipag laro sa mga bata kaso masama naman ang pakiramdam ko.

Napatingin naman ako kay Danreb ng maramdaman kong nakalapit na siya sa’kin. Napabuntong hininga siya.

“Pinapauwi ako sa’min, baks.”

Edi hindi niya ako masasamhan sa’min pero ayos lang. Baka kailangan sila sa bahay nila.

“Sige na umalis ka na. Baka kailangan ka sa bahay niyo.” tumayo naman ako.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now