Kabanata 12 Ang Salaysay ng Ibong Adarna

Start from the beginning
                                    

s alibis ng isang bundok,

sa linaw ay parang bubog,

mabisa ang dalang gamut.

“Silang tatlo ay piniging

ng Ermitanyong butihin,

kasayaha’y walang maliw

habang sila’y kumakain.”

Ang Adarna ay nagbihis

ng pang-apat na kilatis,

sa kislap na umaalit

ay diyamanteng pagkarikit.

“Kasayahan nang matapos

Erimitanyo ay pumasok

sa silid ng maalindog

at kumuha po ng gamot.

“Hari, iyo pong alaming

si Don Jua’y nagtiis ding

palad niya ay hiwain

nang gabing ako’y kulihin.

“Pitong malalim na sugat

na pinigan pa ng dayap,

nang humapdi o, kay-antak

lama’y parang nginatngat!”

Nananahimik ang Adarna

nagbihis ng ikalimang

balahibong tinumba

at ang sabi sa Monarka:

“Nang pauwi silang tatlo

dito po sa inyong reyno,

nagbilin ang Ermitanyong

huwag nawang may maglilo.

“Sa apoy na kainggitan

nitong anak mong panganay,

nagbuko ng kataksilan

na patayin si Don Juan,

“Dahilan po nito’y ako,

nahihiya si Don Pedrong

mabalitang nagging bato’t

kabiguan ang tinamo.

“Salamat at nasansala

ni Don Diego yaong nasa,

at kung hindi ang kawawang

bunso mo pa ay nawala.

“Nasanla ang pagpatay

datapwat sila’y nagbulungan

nang maglayo’y may kindatang

babala ng kasawian.”

Awit ng ibo’y pinatid

muling nagbago ng bihis,

ito’y lalo pang marikit

sa limang naipamasid

“Oh, kay lupit, haring mahal

ng nangyari sa kindatan,

pagdaka’y pinagtulungan

maumog na si Don Juan.

“Kaya lamang tinigla’y

nang lugmok na’t walang malay

iniwan sa kaparangan

at ako nga ang tinaglay.

“Laking galak ng dalawa

ibong adarnaWhere stories live. Discover now