Ang Girlfriend ko

97 1 0
                                    

Ang Girlfriend ko

©HeyCallMemaybe

Author’s Note. : Sorry po kung may typographical error ang mga story ko. Sorry din pod kung may wrong grammar. Di naman pod ako mahusay na writer. Kasi hindi pod ako writer. Nagkataon lang na, hilig ko mag share ng mga iniisip ko. Bakit hindi niyo na lang subukan basahin? :)

At dahil Valentines ngayon. Eto na! Haha. Mag paka-bitter tayo daliii! Joke! Hahaha. XD

Sa mga nagluluksa!! Eto na daliii!! Basa na. :)

 *****************************************

Ang Girlfriend ko.

Kahit ina-Unfriend niya ako sa Facebook.

Kahit pinapalitan niya yung profile picture niya na may kasamang ibang lalake.

Kahit Dini-Deleye niya yung mga pictures namin.

Kahit sa araw-araw na ginawa ng diyos. Lagi na lang siya nag da-drama.

At kahit lagi na lang kami nag aaway sa isang maliit na bagay.

Lagi pa din akong handang umintindi. Mahal na mahal ko yun eh. Sobra. Yung tipong kaya ko ng ibuwis ang buhay ko para sa kanya.

-8-8-8-8-8-8-8-8-

“Hi Babe!” ayan na siya! Ang pinaka magandang babaeng nakilala ko.

“Anneonghaseyo Seobang!” sagot ko naman sakanya.

“Aba! Marunong ka na ha! Buti naman!” (^_^) sabi niya sabay pa-cute sakin.

Malamang! Sinabi mo eh! Bantaan mo ba naman akong pag hidi ako natuto mag Korean mag hahanap ka ng iba! -_-“

“Syempre! Mahal kita eh! Oh? Kamusta ka naman jan?”

“Awww. Eto! Pagod. Ang hirap kasi ng mga subjects ko ngayon eh. Tila lalabas yung mga dugo ko sa lahat ng butas ng katawan ko.”  Tuloy-tuloy niyang sinasabi tapos na tawa naman ako sa mga reklamo niya.

“Hayaan mo na babe! Alam ko namang kaya mo yan eh! Ikaw pa! malakas ka diba?” sabi ko sakanya.

“Suuuuss! Eh ikaw? Kamusta naman ang future Yaya ko?” sabi niya.

Ano? Yaya? Ganun lang ang turing niya sakin?

“Bakit naman yaya?” sabi ko sakanya.

“Eh diba, ikaw ang mag aalaga sakin, ikaw maglalaba ng mga damit ko, ikaw mag lalaba. at, ikaw ang mag luluto. Para san pa ang subject mong House keeping kung hindi mo din magagamit sa bahay natin! Diba? Diba?” Sagot nya. Hayssss. Nag aral ako para makapag trabaho. Pero, mukhang papagurin lang ako ng babaeng ‘to eh.

“Ah. Oo na! sige na! sige na! kumain ka-”

“Bye na Babe! Need something to do pa eh! Sorry! Babwi ako tomorrow sayo babe! Promise! Mag aaral kang mabuti ha?! Lagot ka sakin kapag may bagsak ka! Tsaka! Wag kang mag papa-init kapag mag ba-basketball! At! Ang dota?! After na lang ng school year! Lagot ka sakin kapag napabayaan mo yang pag aaral mo dahil sa dota! Manlalaki ako! Sige ka!” napangiti na lang ako sa mga sinasabi niya.  Ako na ata ang pinaka-under na lalake sa buong mundo at hindi ko pinag sisisihan yun!

“Yes ma’am!” sagot ko sakanya.

“Oh? Babye na! Good morning  jan! ingat ka ha?”

“Oo nga! Paulit-ulit ka naman! Good morning  jan! wag kang magpupuyat ha? I love you babe!” sabi ko then we both kiss the computer screen. At pagbalik ko sa pag kaka-upo ko, wala na siya sa screen.

Haaaay. Nag log out na ako at bumalik na sa higaan. Alas –tres na pala ng umaga! May pasok pa ako ng ala-syete. Haay.

Ako nga pala si Aaron Sambrena. Third year college, HRM ang course ko, hilig ko kasing mag luto. Tsaka, sabi na din ni Magie. Ang girlfriend ko. Gusto daw niya yung marunong magluto. Girlfriend ko na si Magie since First year college ako, siya naman Forth year high school. Ka-village naming siya kaya, hindi ako nahihirapan sa communication namin. Nahirapan lang ako nung time na sabi nga niya mag ma-migrate na sila sa Korea.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Girlfriend koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon