🖤PROLOGUE🖤

21.5K 396 10
                                    

(Expect grammatical errors in every chapters!)

3rd Person's POV

"Ano? Hindi mo talaga ibibigay?!"

Rinig na rinig sa ang isang sigaw mula sa estudyanteng babae na nasa ikatlong paapag ng gusali.

Maraming kasama ang babae na kapwa rin estudyante at sa sulok naman ay mayroong nakayukong estudyante na kanila namang pinalilibutan.

Mayroon itong suot na maluwag na pang itaas na uniporme at mahabang palda. Maging ang medyas din nito na puti ay hanggang tuhod pa.

Hindi man lang Ito kumibo sa nangangalaiting kapwa estudyante nito na kanina pa sya ginugulo dahil lamang gusto nitong kunin Ang takdang-aralin at proyektong pinaghirapan nya. Ano nga bang aasahan nya sa mga bully na katulad nila? Araw araw na Lang itong nangyayari sa kanya at ngayon ay mukhang inabangan pa sya para lamang buyuhin. At kahit may makakita sa mga gingawa  ng mga ito ay imposibleng may pipigil.

Bakit?

Dahil maimpluwensya sila at sya? Kilala lamang na may kaya Ang pamilya niya at yun lang. Hindi rin Sya mahilig mag sumbong o ipaalam sa sariling pamilya ang nangyayari sa kanya sa paaralan kaya lalong lumalakas ang loob ng mga estudyanteng mahilig mam-bully.

"Ano! Yuyuko ka na lang ba dyan!? Ginagalit mo talaga akong nerd ka ha!" Nauubusan ng pasensyang sigaw ng babae.

Napaigik naman ang naka yukong dalaga ng bigla syang sabunutan ng babae at walang pasabing inuntog ang kanyang ulo sa pader na simentado. Kitang Kita nya Kung paano ngumiti Ang mga ito Ng malademonyo saka walang pasabing itinulak sya sa napakahabang hagdanan.

Namutawi ang isang mapait na ngiti sa kanyang labi matapos marinig Ang mga tawanan nito. Masakit, Oo ngunit ano bang magagawa nya Kung kontrolado nila ang lahat? Ano bang magagawa ng isang tulad nya kung dahil Lang sa Pera ay napapasunod na nila ang lahat? Matagal na nyang gustong mag sumbong dahil sa pambubugbog ng mga ito , matagal na nyang gustong lumaban ngunit sinong maniniwala sa kanya, kung lahat ay kaya nitong paikutin sa mga palad nya?

Ramdam ng dalaga ang sakit ng buo kanyang buong katawan at Ang pagtagas Ng napakaraming dugo mula sa kanyang ulo. Gusto man nyang humingi Ng tulong ngunit madilim na at Wala Ng ibang tao sa paaralan kundi sila na lamang.

Paano nga ba Ito nangyari? Paano Ito na-Plano?

Dahil Ang mismong anak Ng may ari Ng paaralan Ang nananakit sa kanya Kaya kontrolado nito Ang buong paaralan.

'Sana Lang Kung mabibigyan pa ako Ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Sana di na ako maging mahina.'
.
.
.
.
.
.
.
Sa kabilang banda naman ay hindi rin maganda ang sinasapit ng isang kaawa awang dalaga.

Halos mag makawa ito sa sarili nyang mga kadugo upang paniwalaan lamang sya ngunit sadyang sarado ang kanilang mga mata't tainga upang paniwalaan sya.

"M-Maniwala kayo s-sa akin Wala akong g-gina----"halos manghina Ito Ng walang pasabing dumapo sa kanyang pisngi ang kamay ng Isa sa kanyang nakatatandang kapatid.

Umiiyak at di makapaniwala nya itong tinignan ngunit nakatingin lamang Ito sa kanya ng malamig .

Sakit, yun Ang nararamdaman nya Ng mga oras na iyun dahil sarili nyang kapatid ay nagawa syang pagbuhatan nya kamay.

Nangangatal nyang hinawakan Ang kaliwa nyang dibdib habang nakatingin sa mga taong mahahalaga sa kanya . Sa mga taong Mahal na Mahal nya ngunit parang wala manlang pakealam na nakatingin sa kanya. Napatingin sya sa isang tao na may kagagawan ng lahat Ng nangyayari sa kanya ngayon. Gusto nya Ito sugurin ngunit alam nyang lalo lamang syang magmumukhang masama sa tingin ng iba.

Reincarnate To Be Her (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon