Chapter 2:Lucas

12 9 0
                                    


Chapter 2:Lucas

L U C A S

"Pre, bakit ang tagal mo tara na let's go party na!!"aba ang high na agad nitong ug*k na toh.

"Di na muna pre hahanap lang ako ng chix"sabi ko dito. Pero parang wala itong narinig. Kaya umalis na lang ako at iniwan ang kaibigan kong siraulo. Daming magagandang chix dito sh*t.

Mommy's Calling....

Sh*t, lagot na naman ako kay Mom. Agad ko itong pinatay. Ayaw kong makausap si Mommy dahil alam ko na mangyayari. Umakyat ako ng second floor at dun nakakita ng sexy.

"Hello miss, can i have your number?"agad itong napatingin sa akin. Natulala ito, alam ko na kung bakit.

"Sure"nakangisi nitong sabi sa akin. Hayss madali talagang magpa-ikot ang gwapong katulad ko.

Papakilala muna ako.
Ako si Lucas I. Grejo. 20 years old at kumukuha ng kursong Engineering. Actually ang gusto ko talaga ay mag Fine Arts pero ayaw nila Mommy at Daddy.

Yung kaibigan ko sa baba is si Jagger. Certified malanding lalaki na makikita mo sa gantong lugar. Parehas lang kami na di ginusto ang kursong kinuha namin. Sya kasi ay gustong mag take ng Tourism. Kaso ang parents nya ay gusto syang mag Business Management. Kagaya ko ay no choice.

Galing kami sa mayamang pamilya. Walang halong biro. Grejo Ideal Co. ang hawak ng angkan ko. Ipinamana pa ito mula sa aking Lolo. Sa amin na nga napunta dahil only child sya. Kaya mas pinahalagahan nya ito ng mabuti.

~•~

HAAAA!. Unat doon, unat dito. Maaga na naman. Maagang sermonan na naman ang magaganap mamaya. Ba't kasi late at lasing pa ako umuwi yari talaga ako. Nagsipilyo na ako at naligo na rin para fresh.

"Mabuti at bumaba ka na. Mag usap tayo"seryosong sabi ni Mommy pagkababa ko pa lang ng hagdan. Agad akong napalunok ng laway sa aking narinig. May pagbabanta sa tono nito na talaga namang nakakakilabot.

Nagmamadaling umupo na ako upang makakain. Nagugutom na ako.
"Anong ginagawa mo? Bitawan mo muna yan at magdasal"

Agad akong nagdasal at sa ka nilantakan ang pagkaing nasa lamesa. Ininom ko na rin ang kape na inihanda ni Manang. Akala nya siguro may hang over pa ako ngayon. 

"Are you really testing our patience Lucas? Bumaba na naman ang grades mo at pag pinagpatuloy mo yan nasisigurado ko sayo. Babagsak ka this sem. Wala ka na ba talagang natirang awa para sa future mo anak? Son, mag isa ka lang na anak namin. Nag iisang pag asa ng pamilya at ikaw ang susunod na hahawak ng Legacy ng ancestor natin. Kaya please son, kahit di na para sa amin. Kahit para sa iyo na lang anak"

Na-guilty naman ako sa sinabi ni Mommy. Paulit ulit kong di sineryoso ang kursong ipinilit nila sa akin. Wala sa aking interes ang ganun kaya ibinabagsak ko talaga ito. Ewan ko nga ba at bakit pasang awa ako.

Kung sa bagay, ang pamilya naman nila Mommy ang may ari ng University kaya no doubt.

"Ano tong ginawa mo na naman Lucas?!!!! Nag-clubbing ka na naman. Hanggang kailan ka ba titigil na magbigay sa amin ng sama ng loob ha??!!!"sigaw ni Dad mula sa taas. Pababa na sya ngayon at nasisiguro kong galit nga ito.

Galit na galit.
"Pinagbigyan na kita ng maraming beses na tyansa upang magbago. But you didn't do anything to change yourself. Kaya napagpasyahan kong magkaroon ka ng tutor at P.A"

"What!!! Dad that's not fair. Malaki na ako"

"No buts, and kami mismo ang maglalagay kung saang section ka pwede. Para sa  amin bad influence sayo si Jagger"mas lalo akong nainis sa sinabi nito.

"Dad, pati ba naman kaibigan ko ilalayo nyo sa akin?! Yun na nga lang ang meron ako ilalayo nyo pa"asar kong sagot dito. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas. Nakaka-asar.

Buong buhay ko ay kontrolado ng magulang ko ang buhay ko at ayaw ko yun. Agad na nga akong nagbihis at nag handa para pumasok sa University namin.

Pagdaan ko ng sala. Seryoso lang si Mommy na nakatingin sa akin.
"May kailangan ka pa ba? Umalis ka na at ba ka ma-late ka pa"

Di ko na iyon pinansin at nagtungo na sa aking kotse. Nag-drive na ako papuntang school.

~•~

"Uy pre, balita ko kay Tito na ililipat ka nya sa kabilang section"malungkot na sabi ni Jagger.

"Oo ehh, bumaba ang grades ko. Ikaw pa nga ang sinisi. Sorry pre"

"Ayos lang lilipat naman ako ehh mga limang araw pagtapos mo ilipat para di halata"nakangiti nitong sabi. Aba matalino ang loko ahh.

Napangiti ako sa kapilyuhan nito. Kaya ito ang naging kaibigan ko dito kasi talaga namang matalino pag dating sa kalokohan ang lalaking toh. Di ko na sya pinansin at dumiretso na sa aming klase.

~•~

TULALA. Nakakaboring ang itinuturo ng prof ko. Mabuti na lang hindi ako halata sa pwestong ito na di kami nakikinig ni Jagger. Nag ce-cellphone lang ito habang ako naman nakatulala. Napagawi ang tingin ko sa bintana kita dito ang malawak na court ng aming paaralan.

Madami ang studyanteng na nasa labas. Sigurado ako na kung hindi dismiss ang mga klase nito ehh mga di na pumasok sa klase nila ito.

Tiningnan ko ang bawat studyanteng iyon hanggang sa mapagawi ang tingin ko sa isang babae. Maganda sya kaso mukha nga lang mahirap. Nagkakantahan sila ng mga kaibigan nya sa court.

Nag iwas ako ng tingin at tumingin ako sa whiteboard. Wala talaga akong interes sa ganto.

~•~

"SASAMA ka ba sa akin ngayon Lucas? Alam mo miss na miss na kita. Tara labas tayo. Treat ko"si Trizie. Isa sa mga babaeng gustong gusto ako. Halos araw araw akong yayain nito at dahil libre naman, sino ba naman ako para tumangi di ba?

Pero minsan nakakainis na ito ehh. Maganda sya pero di ko tipo. Nakaka turn off na sya ang naghahabol sa akin. Idagdag mo pa na mukha syang disperada. Ayaw ko sa kanya.

"No, may usapan kami ni Jagger na lalabas kami"nalukot naman ang mukha nito. Ang totoo nyan palusot ko lang si Jagger para pakawalan na ako sa babaeng ito.

"Ano ba yan ehb inantay kita tapos di mo ako uunahin"nagdadabog pa itong magpadyak-padyak sa daan. Parang damulag na kulang sa utak.

"Sinabi ko ng ayaw ko. Ayaw!"

Mas lalo itong nagdabog ng matapunan nito ang isang babae. Tinignan ko ito. Ang itsura nya sya yun, yung babae kanina. Tinignan ako sa mata nito.

Kakaiba...

To be continued....

Something (When Hearts Meet Series#1)( TEMPORARILY EDIT)Kde žijí příběhy. Začni objevovat