Chapter 1: Heart

18 11 0
                                    


Chapter 1: Heart

H E A R T

Love can hurt sometimes
But it's the only thing that i know

"Ohh tigil muna kaka-practice mamaya masira ang boses ng aming magandang bokalista"

Inirapan ko ito sa ka binitawan ang mikroponong kanina ko pa hawak. Ilang oras na ba akong nakanta nakooo bawal mapagod ang boses ko sa pista.

Inabot nito sa akin isang Fudgee bar.
"Alam mong bawal sa boses ko ang matamis di ba?"

"Sungit mo naman miss kung ayaw mo itong tubig na lang. Makakatulong yan sayo"parang di ko naman alam yun.

Nakalimutan ko pa lang magpakilala.
Ako nga pala si Heart H. Echavez. 19 years old. Soon to be Doctor ng pamilya Echavez. Isa nga pala akong bokalista ng Angels Heart. Isang banda na hindi popular ni hindi alam ng kahit sinong tao. Kagagawa pa lamang namin nito. Dahil mahirap ang buhay ay napag desisyunan naming mag buo ng banda para sa gaganaping pista kung saan malaki ang premyo ng mananalo. Kahit nga consolation ay maari na kaming mabuhay at ang mga pamilya namin. Mayaman daw kasi ang sponsor nito kaya ganun.

Sya nga pala. Ito naman ang kaibigan ko na si Denise M. Ofacio o sa maikling tawag ay Den. Magkaibigan kami dahil parehas lang ang kinuha naming kurso sa kolehiyo. Parehas rin kaming hikahos sa buhay kaya napag isipan naming gumawa ng banda. Kasama ng iilan nyang kaibigan na maranong tumugtog. Parehas kaming scholar nito. Di nga lang Full Scholarship kaya ito nag pa-part time job kami/sasali ng paligsahan.

"Tulala na naman si ineng. Uy alam kong maganda ako but please stop kinikilig ako"saan ko ba ito napulot ng maibalik ko na.

"Assumera, maganda ka pero di nakakatulala yung ganda mo. At sa ka shut up ka muna po. Bilisan na natin at mukhang naghihintay na itong mga kasama natin"turo ko dun sa mga kasama naming parang nag aantay lang.

May 5 kaming kasama.

Si Angelo- mabait ito at napaka maginoo. Para nga itong nag time travel lang mula sa nakaraan ehh sa sobrang makaluma nito kumilos at umasal. Dagdag points naman yun dahil gwapo sya. Mala Kastilang maginoo ang kanyang dating kaya madaming may crush sa kanya. May lahi talaga itong kastila. Pero di napangasawa ng nanay nya ewan ko bakit. Keyboard ang parte nya sa grupo.

Si Grecialla- kung si Den assumera nakoo ito nvm na lang. Napaka arte nito ewan ko nga paano napasali nito ni Den. Di naman sya mahirap sadyang board lang daw sya at gusto nya pang ma-enhance ang galing nya sa musika.  Magaling ito mag gitara, piano at marami pang iba. #bless yarn.

Si Faye- kung yung dalawa ay nvm. Ito mabait sya. Anghel sya ng grupo. Napakabait nito at dalagang pilipina kung kumilos. Parehas sila ni Angelo kung asal ang pag uusapan. Magaling din syang bokalista at marunong din sa mga instrumento. Minsan pag pagod ang boses ko sa kakapractice sya ang nagpapatuloy nito.

Si Ten- oo sampo joke, wala akong masabi sa kanya kasi napaka masekreto nyang tao. Introvert ang dating nito. Magaling ito pag dating sa drums.

Si Gazer a.k.a Gaz- sya ang pinakamahangin. Oo sobrang yabang ng loko. Bawat pagpuri nito ng sobra sa sarili ay talagang humahangin ng malakas. Magaling ito sa lahat ng type ng gitara. Sabi nya tinuruan daw sya ng ama nyang mang aawit sa mga kompetisyon. Gaya ni Grecialla, di naman siya mahirap. Nabo-bored lang daw ito sa pagpapatugtog na wala namang audience.

At ang huli, si Brandon- mabait at napaka friendly nitong tao. Kaibigan ko sya simula pagkabata. Sumali sya noong napag alaman nyang gumawa kami ng banda. Mayaman ito kung ikukumpara sa aming lahat. Magaling syang kumanta at gumamit ng mga instrumento lalo na ang plawta.

Ito ang Angel Hearts. Nagsisimula pa lamang ang aming paglalakbay sa musika. Iba ibang kurso ang aming kinabibilangan ngunit pag dating sa musika. Iisa kami.

~•~

"ANAK, kamusta sa skwela? Pagod ba?"

"Di naman po nay, wag ka pong mag alala"sabi ko sa aking nanay. Mahirap lang ang buhay. Anak ako ng isang half German half Filipino sabi ni Nanay. Si Nanay naman ay purong Pilipino galing Cebu.

Nagkakilala sila sa isang bar kung saan nagtratrabaho daw noon sya bilang waitress. Kostumer ni Nanay si Tatay madalas dahil lagi daw na may problema si Tatay sa pamilya nya noon.

Hanggang sa mapansin ni Tatay si Nanay at yun ako ang bunga. At nung nalaman daw ni Tatay na nagbunga ang pagmamahalan nila. Iniwan daw sya nito sa kadahilanang ayaw nya si Nanay na masangkot sa gulo ng pamilya nila.

Hanggang sa wala akong kinikilalang ama. Naghirap kami ng lubos ni Nanay. Nagtitinda ng kakanin ang aking Nanay habang umeekstra sa paglalaba at sa pag babantay ng bata. May kapatid akong isa.

Si Rodolfo, adopt ni Mama. Nung 7 years old kasi ito ay nakita ito ni Mama na gusgusin at walang malay. Tinulungan nya ito at inireport sa pulis upang mahanap ng mga magulang nya ito. Ngunit sadyang ayaw ata ng pamilya sa kanya.

Imbis na sa isang establisyemento upang ma-alagaan ipunta ay ibinalik ito sa amin. At sa awa naman namin. Kinupkop namin ito at itinuring na kapamilya kaya tatlo kami ngayon. 16 na sya ngayon at matatapos na ng Junior High.

"Nanay, kumain na po ba kayo? Ba ka di na naman kayo kumain alam nyong magkakasakit kayo nyan"alalang sabi ko kay Nanay.

"Oo anak kumain na ako kanina. Di kasi naubos ang paninda kong kakanin kaya ito na lang ang aking kinain sa daan"naawa ako sa pamilya namin. Kaya pursigido ako na mag aral at itaguyod ang aking pamilya.

"Ma, bukas po pala wag nyo na akong bigyan ng baon. Kahit kakanin na lang para sa recess namin"sabi ni Rodolfo.

Ngumiti naman si Nanay. Mabait na bata talaga si Rodolfo. Sa edad nya naiintindihan na nya ang estado ng buhay namin. Ganun ang laking pasasalamat ni Nanay na lumaki kaming mabait.

"Oh sige sasarapan ko ang luto para sa inyo"nakangiti nitong sabi sa amin.

KINAGABIHAN. Hindi ako makatulog kaya ni-review ko na lang ang nakaraang aralin namin.

Paano bang magmahal
Palagi bang nasasaktan

Maganda talagang makinig ng mga hugot ang kanta. Tago sa puso at masarap pakinggan. Itinabi ko na yung mga libro ko at humiga na at natulog.

"Malapit na ako"

Ha!! Ano yun

To be continued...

Something (When Hearts Meet Series#1)( TEMPORARILY EDIT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon