“Ha! Buti kong maagaw mo. E isa kalang namang bata.”

Sinamaan ko ng tingin si Ay-Ay. Lumapit sa’kin si Dwayne at naupo sa tabi ko.

“Inaaway po ako ni Kuya.” naiiyak na sabi nito.

Namumula na ang ilong at mata niya pero ang cute niya pa rin. Tiningnan ko si Ay-Ay.

“Pabayaan mo nalang si Baby Dwayne–” naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

“Baby? Huwag mo ngang baby-hin yang kapatid ko.” umikot naman ang mga mata niya at tiningnan si Dwayne.

Ano bang klaseng kapatid ‘to? Hindi man lang nagiging Kuya kay Dwayne.

Napatingin naman ako kila Mama na tumatawa na. Anong nakakatawa?

“Aywayne, kailan ba kami magkaka-apo?” tanong ni Mama Camilla.

Utomatikong tumaas ang kilay ni Ay-Ay, “Mom, egg cells ang nasa akin kaya paano kami magkaka baby?”

Nagulat naman ako ng batuhin siya ng tissue ni Mama Camilla pero nailagan naman ito ni Ay-Ay at ngingisi ngisi na tumingin kay Mama Camilla.

“Sperm ang na sayo! Hindi egg cells. Bakit ba ako biniyayaan ng anak na ganito?!” napatingin pa si Mama Camilla sa taas.

Tumingin naman ako sa taas. Chandelier lang naman ang nandun.

“Sisihin mo si dad, baklang sperm ang sa’kanya kaya ako naging ganito. Kung ipinutok niyo nalang sana ako sa kumot ‘e di sana wala kayong baklang anak.” umirap siya.

Napakamot naman ako ng pisngi. Ano nga ang pinag-uusapan nila? Bakit may putok? May sperm? May egg cells? Diko gets.

“Jusme kang bata ka.” sabi naman ni Mama.

Napasimangot naman ako, “Ano bang pinag-uusapan niyo? Kami lang ni Dwayne ang hindi nakakaintindi sa inyo ‘e.”

Napatingin naman sila sa’kin, “Wala!”

Grabi naman, sabay sabay talaga?

Tahimik lang kaming kumakain. Nandito na din sila Mama kumain dahil wala naman daw silang kasabay na mag dinner sa bahay. Nasa company kasi si Papa at ganun na din ang Papa ni Ay-Ay.

“Mom, pwede din po ba akong maging bakla?”

Nabuga ko ang kinakain ko sa biglang pagsalita ni Dwayne. Muntik na ding mabulunan sila Mama.

“Jusme, Dwayne! Ikaw na nga ang aasahan ng daddy mo sa kumpanya natin tapos gagaya ka pa sa Kuya mo?!” sermon ni Mama Camilla.

Napanguso naman si Dwayne, “Kasi po gusto ni Ate si Kuya na bakla kaya gusto ko ding maging kagaya ni Kuya ”

Ay ano ba ‘tong batang ‘to? Gagayahin ang Kuya niya para lang magustuhan ko din siya? As if naman gusto ko ang ganun kay Ay-Ay kahit nagbabago na siya.

“Huwag ka ngang ganyan, baby. Hindi ko kaya gusto ang katulad ni Ay-Ay.”

Napangiti naman si Dwayne, “So, you don’t like Kuya? You like me?”

“Yes naman, baby.” napabungisngis naman ako.

Napatigil naman kami sa pagkukulitan ng padabog na ibaba ni Ay-Ay ang kutsara’t tinidor.

“Wow ha, kung mag-usap kayo parang wala ako dito ‘a. Haler, nandito ako.”

Ano namang problema nito? Kanina pa mainit ang ulo nito samin ‘a? Lalo na kay Dwayne.

“Alam mo, palagi ka nalang inis na inis dito sa bunsong kapatid mo.” sinamaan ko siya ng tingin.

“Paanong hindi ako maiinis sa’kanya ‘e inaagaw niya yung akin.” naguluhan naman ako sa sinabi niya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now