Sandro:

Venus? Are you home?

Sandro:

I'm sorry. There's an emergency. Hindi kita natext kanina dahil nalowbat ang phone ko.

Sandro:

I'll make it up to you. I'm really really sorry. I love you.

Napanguso ako. Pinipigilan ang sariling maglupasay sa kilig dahil sa texts niya. Ang rupok mo talaga, Venus! Dapat ay galit ka! Isang I love you lang wala na kaagad ang galit mo?

Tumayo ako at tinatamad na tumungo sa lababo. Linggo ngayon at wala akong pupuntahan. Nasanay kasi akong kasama si Sandro sa araw na ito. Pero mukhang busy siya mula kagabi ay ayoko nang istorbohin pa.

Nagluto ako ng almusal at naglinis ng bahay. Maliit lang naman ang bahay ko kaya hindi mahirap linisin. Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis nang marinig na may kumatok.

Isinandal ko ang walis sa haligi at tinungo ang pintuan. Ang mama ni Miko ay kumakatok talaga at hindi sumisigaw kapag pupunta sa bahay. Ang sabi niya ay ano ang silbi ng pintuan kung hindi gagamitin.

Habang papunta sa pintuan ay sinikop ko ang buhok at ginawang pusod. Tumutulo ang pawis ko sa noo dahil sa pagod. Ang suot ay isang puting sando at itim na dolphin shorts. Nasa bahay lang naman ako kaya walang problema.

Napaawang ang labi ko nang sa pagbukas ng pintuan ay mukha kaagad ni Sandro ang nakita ko. Pinigilan niya ang ginawa kong pagsara sanang muli sa pinto at mabilis na pumasok sa bahay.

"Ven.." he said gently.

His eyes sensually grazed my body. Umigting ang kanyang panga nang tumigil ang titig niya sa mga binti ko.

My nostrils were attacked by his strong manly scent. Napasinghap ako. Parehong sa pabango at paraan ng pagsasalita niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" iritado kong sinabi at tinalikuran siya.

Iniwan kong nakabukas ang pintuan at narinig kong isinarado niya iyon bago sumunod sa akin. Ipinagpatuloy ko ang pagwawalis nang hindi na nililingon man lang si Sandro. Ngayong nakita ko siya ay bumangon ulit ang inis ko sa kanya.

"I'm sorry. Nasa bahay kami ni Vice Governor kagabi nang may pamilyang lumapit para humingi ng tulong. I can't refused, Ven. Alam mo naman na--"

"Alam ko na trabaho mo iyon. Ayos lang sa akin." malamig kong usal.

Nang natapos ko ang pagwawalis sa sahig ay binalikan ko si Sandro na nasa sofa. Isang white polo at black slacks ang suot niya ngayon. Sigurado akong may lakad siya.

Tumayo ako at humalukipkip sa harapan niya.

"Pero sana nag text ka o tumawag. Hindi 'yong pinaghintay mo ako sa wala."

"I'm really sorry. Na lowbat ako. Nangangailangan ng tulong ang tao at naroon ako kaya hindi pweding hindi ako tumulong."

I nodded. "Sigurado ka? Hindi ba dahil kasama mo si Calli? O 'di kaya'y ibang babae? Baka lumalandi ka sa iba?"

His brows knitted in a frown. Mariin niya akong tinitigan na tila nananantiya. I remained passive. Humilig siya sa sofa at ang isang paa ay ipinatong sa tuhod.

"Did you really think I had that in mind? Unang pagkikita palang natin ay binihag mo na nang husto ang puso ko. Paano pa ako titingin sa iba?"

Umismid ako. Humalakhak siya. Akala niya naman madadaan niya ako sa mga bola niya.

"Mabuti na lang at hinatid ako ni Simon."

Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay at nag-igting ang bagang. "Simon? Bakit kayo nagkitang dalawa?"

Waves of LifeWhere stories live. Discover now