Last rule: Don't fall in love.. (Chapter 6) Hesitation

138 2 0
                                    

CHAPTER SIX

Enzo’s POV

“Oooo..kaaaay, I’ll be there in.. a.. while.” binigay nya yung credit card dun sa staff. Ano kayang nangyari? Sino kaya yung tumawag sa kanya? :(

“Okay ka lang?” I finally asked

“Let’s go.”  she said. Ang seryoso ng mukha tapos hindi manlang sya tumitingin sakin habang naglalakad kami palabas.

Nung nandun na kami sa car, huminto si Racheal at huminga ng malalim. Tinitigan ko lang sya.. Ano ba kasing nangyari? Bakit ganon, parang nag-aalala din ako sa kanya.

“Hey bad ass, something wrong?” I asked again.

 Hindi sya sumagot. Aishh! Hindi pwedeng mag-drive to.

“Give me your keys, I’ll drive.”  Binigay lang nya sakin yung susi..

Habang nagbbyahe kami, nakatingin lang sya sa bintana. Nakatulala. Kunwari wala akong pakialam pero hindi ko maiwasang hindi sya tingnan e. Parang gusto ko syang pasayahin na ewan, ang lungkot nya kasi e.

Suddenly, Racheal’s phone rang again.

“Ate..” she began saying.

Naririnig ko yung boses nung ate ni Racheal dun sa kabilang line pero hindi ko maintindihan kung ano yung sinasabi nya..

“Tumawag si Michelle and..” Tapos napahinto sya. Ayaw nya atang iparinig sakin kung ano yung nangyari..

Then nag-usap sila ng French.

Nakatingin lang ako sa kalsada habang nag-uusap silang dalawa ng French, na akala naman ni Racheal hindi ko naiintindihan. Pagkatapos nyang makipag-usap, bumalik na sya sa kakatingin sa bintana, hindi pa rin ako pinapansin.

“Stop the car.” She softly said..

“Bakit?” I asked.

“Let me drive from here. I’ll drop you off at your house.”  I did not obey her and said..

“Tell me, how do we get to your house?” I replied, still looking on the road.

“Kaya kong umuwi mag-isa. Show’s over for now, Enzo.” She argued

“Ang putla mo kaya! Mukha ka ng multo. Mamaya kung ano pang mangyari sayo sa daan eh! I’ll drive you home.” I demanded.

“Whatever!” she said then went back looking at the window..

******

“Nice house.” I sincerely admired the façade of the MEC heiress home.

“I believe the T.I’s mansion is better.” She replied

Kahit hindi okay yung nararamdaman nya at alam kong may problema sya nagagawa parin nyang sumagot sakin ng witty replies.. hehehe. :") Napangiti na lang ako.

I followed her inside the mansion. Nag-bow yung mga maid pagpasok namin ni Racheal.. Nakita kong nagtataka yung mga maids kung bakit may kasamang lalake si Racheal, ano to.. first time nya bang magdala ng lalake dito?

“Where is???” Racheal panicked when a maid approached her.

“In your room, Miss Racheal.”  The maid said.. Racheal ran upstairs. I looked at the maid and nodded as I followed Racheal.

Naung nandun na kami sa room ni Racheal, huminto sya sa tapat ng pinto at huminga ng malalim. Napahinto din ako at napatingin sa kanya. Ayan na naman yung heartbeat ko! Ano ba to, bakit nag-aalala din ako para sa kanya? Bakit parang gusto ko syang lapitan at i-comfort? Haaays. Racheal was just someone I met pero bakit ganito?

Last rule: Don't fall in love..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon