She really knows me!

'Ano? Okay kana?' Tanung sakin ni ate after ko umiyak.

'Yup!' Ganyan lang naman ako ehh ilalabas ko lang lahat ng sama ng loob ko sa pagiyak then magiging okay na ko.

'Ate bat ganun ba si papa! Why can't he understand na hindi ko kaya yung hinihiling nya!'

'Hindi ko rin alam, sis eh! Sinubukan ko syang kausapin pero hindi sya nakikinig sakin! Alam mo parang may tinatago nga si papa, hindi ko rin alam kung anong nangyayari kasi sa pagkakakilala ko kay papa hindi sya ganyan! Sa totoo lang mahal na mahal ka ni papa! Ikaw yung pinakapaborito nya sating magkakapatid, alam mo ba sobrang pinagmamalaki ka nya sa lahat kasi aminado naman ako ikaw ang pinakamatalinong satin at infairness maganda ka rin pero mas maganda parin ako! (nagkatawanan tuloy kami) kaya nagugulat ako sa mga inaasal nya ngayon!'

Sis tawag sakin ni Ate, she knows my sexuality and she accepts me whole heartedly!

'Maganda ka jan! Lalaki, Ate! Pano ako magiging maganda! Pero sa totoo lang, hindi ko kailangan na maging perperktong ama sya sya for me! Ang gusto ko lang ipagtanggol nya ko and hindi yung pakiramdam ko binebenta nya ko!'



'Sorry, Sis! Hindi ko rin alam kung paano kita matutulungan ehh. Bwisit naman kasing buhay toh! Kung sino pa yung mga walang kwentang tao sila pa yung may mga pera tapos ginagastos lang nila sa mga walang ka kwentang bagay! Sarap pagsasapukin at sabunutan ng ganito oh!'


then nag action pa ng parang nananabunot.

Ang kulit talaga ni ate hahaha pero alam ko ginagawa at sinasabi nya lang yan para maging magaan yung pakiramdam ko! Nagkulitan lang kami para kaming batang naghahabulan haha.

Part End of Flashback

~~~

As I started to tell my story to Cid, he just keeps his straight face. He doesn't show any emotions at all, medyo kinakabahan tuloy ako pero I tried to calm myself because I really need to tell him now or else I will not be able to again.

Back to Flashback

I tried ignoring my father, dumating na nga kami sa point na hindi na kami naguusap.

Masakit man na naging ganito kami kasi super close kami, but wala akong choice!


I need to stand by my decision! I really can't do and grant what he wants me do!

Hinding hindi ko talaga kayang gawin yun!

Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa school, I think magiisang buwan na. Nagdecide kasi akong mag sideline panandalian na magtinda sa may palengke. Nagtitinda ko ng tanim naming gulay sa likod bahay. I decide to work for a while kasi anim na buwan ng hindi nagpapadala si mama, hindi namin alam kung anong nagyari sa kanya or nasaan na sya kasi napagalaman namin na napaalis pala sya sa dati nyang pinapasukan sa Bicol kaya sobrang nagaalala na kami.

Kaya din kailangan kong magstep up kasi hindi talaga sasapat yung kita ni papa at ni ate.

Sobrang malaki narin yung pinagbago ni papa for this past month, He tried contacting Mama but when he couldn't. He just stopped and started to do things na ngayon ko lang nakitang ginawa nya like drinking alcohol! Hindi lang basta inom kundi dumadating na sa tipong umuuwi sya ng madaling araw galing sa inuman na sobrang lango sa alak. Hindi ko maiwasang sumama ang loob ko sa kanya! It feels like hindi lang si mama yung nawala kundi pati sya iniwan nya kami. Parang wala na syang pakialam samin ni ate kahit na magkayod kalabaw kami para lang may maipakain sa kanila at sa mga kapatid ko.

May mga times pa nga na hindi na sya nakakapunta sa bukid kasi late na sya nagigising. Kung nagigising naman sya laging galit then balik ulit sa paginom! Wala na kaming nagawa ni ate kundi gawin yung mga bagay na dapat mga magulang namin yung gumagawa.

For 6 months, Me and My ate are not just the elder of the house but also the mother and father for our family, Mahirap pero wala naman kami choice. We tried our best na maging okay sa mga nangyayari.

For the past 5 months nakakapasok pa ko at the same times nag tratrabaho but this month kinakailangan kong wag muna pumasok, kasi di ko na talaga kinakaya yung magtratrabaho then papasok sa school then magaasikaso sa mga kapatid ko. I need to priorities and right now I know what is my priority. That is to take care and provide for my family especially to my two younger sibling.

Buti nalang my teachers are all understanding with my current situation. They are ok for me to do home schooling, nagpupunta ko sa school just to get copy of the lessons, once a week or if kelan ko kakayanin pumunta and tried to learn them at home or while working. Buti nalang medyo nabiyayaan ako ng talino kaya nakakaadjust ako.

May mga teachers din ako na dahil sa concern nila sakin, pinapayagan nila kong tumawag sa kanila via telephone, just to ask them some questions about our lesson. Sobrang nagpapasalamat talaga ko sa kabaitan at sa concern nila sakin.

Aaminin ko sobrang mahirap at nakakapagod pero kakayanin ko hanggang sa makakaya ko lalo na para sa pamilya ko dahil ganun ko sila kamahal!

Mabuti nalang anjan si ate kas kung pati sya wala, I don't really know if kakayanin ko mag-isa lahat ng ito

Akala ko yung mga nangyayari samin ngayon ay yun na yung pinakamasakit at pinakamahirap na mangyayari sa buhay ko, but I'm wrong

May ititindi pa pala!

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt