"Ano ang sabi niya?" someone from the background asked.

Sigurado akong si Callista iyon! Magkasama silang dalawa?

Simon ended the call without saying a word. Hindi na ako nagulat. Nagtitipid ang lalaking iyon sa salita eh. Ipinatong ko ang cellphone ni Sandro sa lamesa at kinumutan siya. Kinuha ko ang extra kong kumot na nasa cabinet at isang unan bago lumabas patungong sala. Sa mahabang settee ako matutulog, si Miko ay may dalang folding bed.

--

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha. Inilagay ko ang kamay sa noo dahil masakit sa mata ang sinag. Nakakainis naman! Istorbo sa tulog. Bumaling ako sa kabilang bahagi pero nang mahagip ng mga mata ko ang orasan ay napabalikwas ako ng bangon.

8:30 am! At wala na si Miko sa higaan niya! Shit, alas otso ang klase ko ngayong umaga! Isang subject lang ang klase ko tuwing sabado at alas otso iyon hanggang alas onse. Halos manlumo ako nang mapagtanto na kailangan ko ngang mag absent. Nakakainis!

Tumayo ako at dumiretso sa lababo para mag toothbrush at mag hilamos. Dinungaw ko si Sandro sa kwarto at naabutan pa ring tulog. Napangiti ako habang hinahagod siya ng tingin.

May strands ng buhok na nasa kanyang noo, unlike his usual hairstyle. Namumula ang labi at ang tangos ng ilong. Ang gwapo gwapo kahit tulog!

I cooked for our breakfast. Ham and egg lang ang nakaya ng powers ko. Matagal na akong namumuhay nang mag-isa pero tamad ako magluto o siguro hindi talaga para sa akin ang pagluluto. Madalas ay bumibili na lang ako ng lutong ulam at minsan ay naghahatid din ng ulam ang Mama ni Miko.

Pagkatapos maihain sa lamesa ang pagkain ay nagtungo kaagad ako sa kwarto para sana gisingin si Sandro pero nakaupo na siya sa kama nang madatnan ko. Hawak- hawak ang sentido. Bukas ang lahat ng butones ng kanyang polo, nabigyan tuloy ako ng pagkakataong matitigan ang kanyang katawan.

"Uulit kapa?" humalukipkip ako at sumandal sa hamba ng pintuan.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Namumungay pa rin ang mga mata. "Morning.." he said, almost a growl.

Tang- ina! Bakit ang lalim ng boses niya? Iyong tipo ng lalaki na alam mong gwapo na talaga kahit boses palang ang naririnig mo.

"Bakit ka kasi uminom?"

"Hindi ko matanggihan ang mga kapitbahay mo."

Tumaas ang kilay ko. "Lasinggero ka lang talaga."

"What?" humalakhak siya, tiniklop ang isang paa at ipinatong ang kamay sa kanyang tuhod. "Hindi naman ako madaling nalalasing. Iba lang ang inumin ng mga kapitbahay mo sa nakasanayan ko."

"Sana tumanggi ka nang inaya nila." humakbang ako palapit sa kanya.

"Ayoko. Baka ma badshot ako sa kanila."

"Badshot ka diyan. Parang sila naman ang magdedesisyon. Alam mo namang may shift ako. Bakit dito ka pa pumunta sa bahay?"

"Ayaw kong pinag-uusapan ka. Kung maaari, gusto kong iiwas ka sa mga mata ng tao.."

"Bakit kasi ito ang gusto mo? Pwedi ka namang mag abogado, mag architect o 'di kaya'y doktor--" naitikom ko ang bibig nang mapagtanto ang sinabi. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya."

Halos pukpukin ko ang sarili. Bakit mo naman kasi nasabi ang nararamdaman mo, Venus!

Sandro stared at me wearily. Pain, fear, regret, all showed in his eyes. Na guilty kaagad ako dahil sa sinabi.

Hindi naman sa sinasabi kong hindi ko gusto ang daang tinatahak niya. Desisyon niya iyan bago pa ako dumating. Hindi pweding pigilan ko siya.

He reached for my hand. Mahinang napatili ako nang hilahin niya ang kamay ko at kaagad akong napabagsak sa kama, sa pagitan ng kanyang mga hita. Humalakhak siya dahil sa naging reaksiyon ko at kaagad na pumulupot ang mga kamay sa baywang ko.

"Ayaw mo ba?"

"Ano?" I ask amidst the rapid beating of my own heart.

"Ang pagiging aktibo ko sa politika, ayaw mo ba?"

"Hindi importante kung ayaw ko. Ang importante lang naman ay kung gusto mo ang ginagawa mo."

Napahugot siya ng buntong hininga. "Importante sa akin kung ano ang iniisip mo. Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin naniniwala sa akin?"

Napakurap- kurap ako. Sa maikling panahon na nakilala ko siya, wala siyang ibang ipinakita sa akin kundi kabaitan at pagmamahal.

Iba si Sandro sa mga lalaking nakilala ko na puro salita lang. He never pressured me. He's just there, willing to help me with everything.

"Naniniwala ako sayo. Pero.." nakagat ko ang labi.

Paano ko ba sasabihin?

"Pero?"

"Pero MU lang muna tayo.." mariin kong naipikit ang mga mata dahil sa sobra sobrang kahihiyan.

I've never been in a relationship before. Sa tuwing may nagtatangka ay agad kong pinapatigil. Kaya hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya! Parang sa tingin ko! Masyadong nakakahiya!

"MU?" napalayo siya ng konti sa akin. "What are we? Highschool?"

Mas lalo akong namula dahil sa sinasabi niya. Ayaw niya ba? "Kung ayaw mo, 'wag na lang."

"No." agap niya na mas lalo akong niyakap. He rested his chin on my shoulder and let out a deep breath. Like he's been relieved or whatsoever. "Sige, MU tayo."

"Breakfast na ta--" napatigil ako nang maalala na may kasalanan pa nga pala siya sa akin!

"Bakit?" aniya nang makita rin ang pagtigil ko.

"Maganda ba si Alexa Miro?"

I heard him sighed deeply again. His arms around me tightened that I could now feel his uneven breathing on my cheek. Iniiwas ko ang mukha dahil masyado siyang malapit sa akin, pero itinagilid niya ang kanyang ulo upang bigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi.

"Si Gov ang nag comment nun, hindi ako. Huli na nang makita kong pinakialaman nila ni Borgy ang phone ko."

"Pwedi mo namang idelete ah.."

"Kung idedelete ko, mas mai-issue. Sorry. If nasaktan kita dahil sa comment na 'yon."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now