Susuntukin. Ang laki naman ata ng galit nito kay Gov. Matthew at kahit lasing ay gustong manuntok.

Ang bahay ko ay iisa lamang ang kwarto. Hindi kalakihan pero saktong- sakto para sa akin. Isang kama at may study table sa pinaka corner. Sa labas ay ang sala ko, naroon ang mini table, dalawang rattan na upuan na pinaghirapan kong bilhin at isang mahabang settee. May maliit na tv sa harap na minsanan ko lang nagagamit.

Sa pinakadulong bahagi ng bahay ay naroon ang kusina at lababo ko. May lamesang gawa sa kahoy at tatlong monoblock chairs na ginagamit ko tuwing kumakain.

Kalahati lang ng bahay ang sementado, ang ibabaw na bahagi ay puro na plywood. Pinagawa at pinalaki ko na lang ang dati naming kawayang bahay. Ito lang ang nakaya ng pera ko pero ayos naman sa akin. Lalong- lalo na't ako lang naman mag-isa ang tumitira rito.

Diniretso ni Miko si Sandro sa loob ng kwarto at kumuha naman ako ng palanggana at towel. Nilagyan ko iyon ng maligamgam na tubig.

"Dito mo ba siya patutulugin?" tanong ni Miko nang makapasok ako.

Nilagay ko ang palanggana sa maliit na table na nasa tabi ng kama ko.

"Hindi naman siya makakauwi d'ba?"

"Hindi ka pweding matulog dito sa kwarto mo kasama niya.."

Humalakhak ako. Umupo sa kama na malapit sa unan ni Sandro. Kahit kailan talaga ay napaka protective nitong si Miko.

"Sa sala na ako mik."

Tumango siya. "Uuwi muna ako ng bahay. Kukuha ako ng kumot at unan."

I nodded, pinanuod siyang lumabas ng kwarto. Mas mabuti na rin at nandito si Miko, hindi ako masyadong mahihiya na narito si Sandro sa bahay ko. Mga marites pa naman ang kabitbahay. Lalong- lalo na si Chacha, ang girlfriend ni Berto.

Unti- unti kong pinunasan ang mukha ni Sandro. Mahimbing siyang natutulog na tila walang problema sa buhay. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at nakipag- inuman kasama nina Berto?!

Parang tanga toh!

Inayos ko ang kwelyo ng itim niyang polo at pinunasan na din ang leeg niya. Nang bumaba ang tingin ko sa katawan niya ay halos mamula kaagad ang mukha ko.

Ipinilig ko ang ulo at ibinalik ang towel sa palanggana. Hindi na naman kailangan! I was thinking of unbuttoning his t-shirt, tapos pupunasan ang katawan niya. Iniisip ko lang iyon pero hindi ko naman gagawin.

Tumayo ako at ibabalik na sana ang palanggana pero tumunog ang cellphone ni Sandro. Nasa bulsa niya! Nakatihaya siya sa kama kaya makukuha ko nang walang kahirap- hirap.

Pero mali naman yata na pakialaman ko ang gamit niya?

Natapos ang tawag pero nasundan pa ulit iyon. Nagpasya na akong sagutin na lang ang tawag. Maingat kong dinukot mula sa unahang bulsa ni Sandro ang cellphone niya. Unknown number ang tumatawag. Kumunot ang noo ko.

Baka babae niya 'to? Ang ganoong pag-iisip ang nag-udyok sa akin para sagutin ang tawag.

"Hello?" halos tumaas ang boses ko. "Sino 'to?"

Kapal. Mukhang ako lang ang may-ari ng cellphone. Katahimikan ang bumungad sa akin mula sa kabilang linya. Tiningnan ko pa tuloy kung nasagot ko ba talaga ang tawag dahil wala naman nagsasalita.

"It's Simon.." finally! After a long defeaning silence. "Magkasama ba kayo ni Sandro?"

"Uhm.." nakagat ko ang ibabang labi. Sinulyapan si Sandro na mahimbing pa ring natutulog. Malamig ang boses ni Simon at mahahalata talagang suplado siya. Mahihiya ka tuloy na kausapin siya. "Narito siya sa bahay ko. Bukas na lang daw siya uuwi."

Waves of LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang