Chapter 10

19 1 0
                                    

Selos

"Good morning, Melodious Llyne Besmer!" Umagang umaga ang bunganga ni Ma.

How did she know my name?

"Congratulations bwiset ka!" Umupo siya sa upuan ni Simon. "Ang talino nitong babaeng 'to..." Pumangulambaba siya sa mukha ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Iniwasan ko ang mukha niya.

Maaga akong pumasok ngayon, hindi ko rin namang inaasahang bubungad sa akin ang bunganga nitong si Ma.

Wala pa si Simon at ngayon ko lang nagustuhang pumasok siya ng maaga.

Kaonti pa lang ang nasa room, si Brad ay nasa upuan niya na rin, tahimik lang.

"Lumabas na 'yong result ng exam at ikaw ang isa sa pinakang highest, Mels!" Si Ma ulit.

Naiangat ko ang tingin sa kaniya.

Tumango nang tumango si Ma. "Oo at pretest lang 'yon... pero hoy! Ang taas ng score niyo!" Sabi niya, mas excited pa sa akin.

Hindi ko inakala 'yon, sabagay madali lang naman ang mga tanong.

Mahirap din ang ilang tanong pero kung binasa mo, maiintindihan mo.

Bahagya tuloy ako ginanahan at maaaring maging topic iyon sa pag-uusap namin ni mama.

Tatawagan ko siya mamaya.

Nagkaroon kame ng chance na makapag take ng pretest nitong isang araw, considered as for stock knowledge for the past grading system. Hindi daw graded ang test pero malaking opportunity raw ang makapasa at makakuha ng mataas na score.

"Salamat," Sabi ko kay Ma.

Ngumiti siya. "Libre naman dyan!"

Ngumiwi ako sa kaniya. May pera ako pero hindi ko inasahan ang pag anyaya niya. Okay lang naman sa akin na ilibre siya, ang kaso, hindi ko alam kung ba't hindi talaga ako komportable.

Hindi talaga ako sanay sa mga out going person.

"Mels!" Galing sa likod ang boses na 'yon.

"Congrats." Si Simon iyon at bahagyang natigil dahil nasa upuan nito si Ma.

Pinagmasdan ko lang ang dalawa.

Ngumiti si Simon. "Hi, Maria." Palakaibigang bati niya rito.

Biruin mong saulo na ni Simon mga pangalan ng mga kaklase namin.

Tinikom ni Ma ang bibig at seryosong tumango, uniti unti ring tumayo para makaupo si Simon.

Kilig pwet niyan.

Alam kong hindi pa nagkakatext ang dalawa base sa interaction nila ngayon. Pinagsamang torpe at pagong ang love life pala ng dalawa na 'to.

Mababagal na nilalang.

Gusto ko matawa sa dalawa pero nanatili ako roon, seryosong pinagmamasdan lang sila.

"Sorry, Politico. Upo ka na." Ma said in a formal tone. Maniwala sa 'yo!

"Okay lang!" Humalakhak si Simon.

Hilaw na ngumiti si Ma at aligagang umalis na roon, ayaw na pahabain ang usapan at baka hindi na mapigilan ang kilig.

Text mo na kasi!

Naupo si Simon sa tabi ko nang tuluyan na kameng lubayan ni Ma.

"Ang taas ng score mo sa pretest." Ani niya sa akin.

"Inasahan ko na 'yon,"

Sumimangot siya sa mukha ko. "Yabang mo."

"Inasahan kong mababa 'yon." Dinuksungan ko.

Our StoryWhere stories live. Discover now