Chapter 9

18 1 0
                                    

Presko



I should've known the consequences of my actions, I can't just stop people think of what I'm thinking, not that I tolerate them, it's just impossible.

Katulad kanina, hindi ako kinakabahan pero naiilang ako sa kung anong iisipin ng iba lalo na si Jolina, pansin ko ang malisosyo niyang tingin at napakalayong isipin niya ang iniisip ko ngayon.

I took a deep breath and went to the kitchen, wala ng pakialam sa kung anong nararamdaman.

Gabi na talaga.

When I'm about to turn the entrance of the kitchen I saw Brad, holding the glasses from the tray.

He drifted his eyes on me pero binawe rin agad at nag asikaso na lang doon.

Bahagya akong tumabi sa sink. "Ako na..." Sir.

Nakita ko si Leigh na nasa counter, inasikaso ang huling bill galing kila Jolina.

Binalingan kong muli si Brad, binalewala niya lang ako at tahimik pa rin siyang nag aasikaso roon.

Naisip kong magpunas na lang sa mga lamesa o magwalis pero nilinis na ang mga 'yon kanina dahil malapit nang mag alas sais at sila Jolina na lang talaga ang huling customer.

Napansin kong kahit halatang hindi niya naman gawain ang mga ganitong bagay ay sanay siya.

Nakita kong natapos siya sa isang baso roon kaya mabilis ko na sana 'yong kukunin para mag prisentang ako na lang ang magpupunas.

Nilayo niya 'yon.

Inangat niya ang tingin sa akin.

"Where do you live?"

I'm lost for words.

Why he asking me?

Hindi naman siya 'yong tipong interesado sa mga bagay bagay. Sa tingin ko.

"Dalawang sakay bago rito." Tumikhim ako.

"Ako na riyan, Brad," Presenta ko ulit.

Trabaho ko kasi ang ginagawa niya.

"It's okay," He said.

Gusto ko pa sanang magsalita pero parang ang arte na kung ipipilit pa.

Tatlong hugasing baso lang den naman iyon at iilang utensils kasama na ang dalawang bowls at ilang platito.

Tanga, Mels, ang dami rin!

Para akong tanga na nakamasid lang doon hanggang sa natapos siya.

Binalingan niya ako.

"Tara," Anang niya.

Gumalaw ang kilay ko roon habang nakatingin sa kaniya, pamanda na nalilito sa anyaya niya.

It took me a while to process everything.

Blanko ang expression niya at pinagmamasdan lang ang kilos ko. Nailang tuloy ako at nagsalita na.

Kahit hindi ko gusto'y bahagya akong nangiti. "Huwag na kayo mag-alala ni Leigh, malapit lang naman ang sa amin."

Hindi na naman siya nagsalita.

Naglakad siya palabas ng kitchen at talagang nag paiwan pa muna ako roon saglit.

Nilingon ko ang likod niya at kausap niya na si Leigh sa counter.

Bumuntong hininga ako't nilingon ang digital clock sa tabi. 6:23 p.m.

Kung tutuusin wala namang kaso sa akin ang magpahatid sa bahay. Ayoko lang talaga ikunsensya sila ni Leigh dahil hindi naman nila ako kailangang ihatid pa.

Our StoryWhere stories live. Discover now