Ipinakita noon na sa sala nila ay ang malalaking larawan ng mga dating miyembro ng pamilya.

Umikot si Sandro upang pagbuksan ng pintuan si Calli nang huminto ang kotse sa malawak nilang gate. Nagbukas ng gate ang guard pero may isinenyas si Sandro sa kanya. Siguro'y para sabihin na hindi siya magtatagal.

Isinandal ko ang ulo sa salaming bintana ng kotse habang pinagmamasdan sila. Lumabas ang ama ni Calli mula sa loob ng bahay, siguro'y napansin din ang pagdating ng kotse.  Bumati ito at nakipag fist bump kay Sandro.

Sandali silang nag-usap bago tumingin si Sandro sa direksiyon ko o ng kotse. Kita kong sandali ring bumaling si Calli.

Lumapit si Calli upang bigyan ng mabilis na halik sa pisngi si Sandro bago ito tumalikod sa kanilang dalawa. Nahigit ko kaagad ang hininga.

That's normal for friends, right?

Samantha told me before that those who grew up in States are more liberated. Kahit magkaibigan, naghahalikan. Minsan umaabot pa daw sa kama. Ayokong isipin na nangyari iyon kina Sandro at Calli.

Nakangiti na si Sandro nang muling pumasok sa loob. Binabagabag pa rin ako ng ganoong pag-iisip kaya napatitig ako sa mukha niya.

Gwapo si Sandro. Iyong gwapo na nakaka- intimidate. Kung hindi mo siya kilala, malamang na malulunod ka sa mga titig niya. Yung tindig at postura niya punong- puno ng kumpiyansa.

Nakikita ko sa tiktok na ang gaganda ng mga kaibigan niya. Posible kayang naikama niya na ang isa sa mga 'to? 

Halos pukpukin ko ang sarili dahil sa iniisip. Tang- ina! Bakit ang dumi naman ata ng utak ko ngayon?

"Enjoying yourself?" Sandro grinned while looking at me.

Napakurap- kurap ako. Umayos ng upo nang mapagtanto na kanina pa pala ako nakatulala sa mukha niya.

"Alam mo ba ang iniisip ko?" tanong ko sa kanya.

He furrows his eyebrow. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. Ang tingin ay pinaglilipat- lipat niya sa daan at sa akin. "No. But I'm hoping you'd tell me."

Bumuntong hininga ako. "Sigurado ka bang hindi naging kayo ni Calli?"

"Oo."

"Anong oo?"

"Calli is my friend. Just like Sam, para ko na siyang nakababatang kapatid.."

"Pero hindi iyon ang tingin niya sayo. Nakikita ko na gustong- gusto ka niya at nasasaktan siya na nakikita tayong magkasama."

He heaved a sigh. Tila ayaw pag-usapan ang tungkol dito. Pero gusto kong linawin sa kanya ang tungkol sa usaping ito.

Ang sabi sa akin ni Mama, ang pag-ibig ay hindi dapat na nakakasakit ng ibang tao.

"Mas masasaktan ako kung patuloy ko pang ilalayo ang sarili ko sayo.."

Hindi mahinuha ang ibig sabihin ay nanatili akong nakatitig sa kanya. Malamlam ang kanyang mga mata na sobrang taliwas sa nakasanayan kong mga titig niya.

Sinong mag-aakala na narito ngayon si Sandro Marcos sa tabi ko at nagtatapat ng pag-ibig niya sa akin? Namulat akong pinagkakaguluhan siya ng mga babae at ang isipin na ako ang pinili niya sa dami ng nakapila ay tila isang panaginip!

"Tama ka, ang daming magagandang babae sa paligid pero kahit kailan hindi ko magawang burahin sa isip ko ang batang babaeng nakita ko sa orchid house."

"I don't know why. Why I got so crazy the day that I met you, Venus."

Halos mahigit ko ang hininga. Pinapanuod siyang ni walang bakas ng ngiti sa mukha habang nagsasalita. Halos hindi mag sink in sa utak ko ang lahat ng mga sinasabi niya.

Tumigil ang kotse pero hindi ako nag-aksaya ng oras para lingunin kung nasaan na kami ngayon. Ang tanging alam ko lang ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko na natatakot akong baka pati siya ay marinig ito.

"Umiwas ako noon dahil ayokong ipasok ka sa magulong mundo na pinili ko. Pero mas hindi ko kayang iwasan ka o makita kang hawak ng iba."

"Ikaw lang ang nasa isip ko. Mula abroad hanggang pagkabalik ko sa Manila. I watched you fulfilled your dreams, I watched you earned and provide for yourself, and it feels like hell to just watched you do all those things and not be able to touch you."

I inhaled a breath as I watched his eyes lingering on every corner of my face, like memorizing it.

Nang mapunta ang titig niya sa mga mata ko ay kumalabog ng husto ang puso ko. The fainted feelings I've been trying to forget through the years were awoken again. Tila isang apoy na natupok pero muling naglagablab.

Napasinghap ako. I went quiet as I heard the racing beat of my own heart. Pinili kong magbaba ng tingin sa halip na salubungin ang mga titig niya.

"Gusto kong tapusin muna ang pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon." kinagat ko ang labi dahil wala nang maisip na idudugtong sa sinabi.

Ayaw mag proseso ng utak ko. Isa lang ngayon ang katanungan sa isipan ko. Bakit ako? I'm way too out of his league!

"Take your time. I'll be right here, Ven. Hindi ako aalis sa tabi mo, hangga't hindi mo natutupad ang 'yong mga pangarap. I just want to ask a favor."

"What is it?"

"Hayaan mo akong.." he trailed off. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at naabutan siyang tila nag-aalangan sa sinasabi. He licked his lips before biting it and turned to me. "Pormal na manligaw sayo."

"Manliligaw ka?" amused kong sinabi.

Umiwas siya ng tingin sa akin. Halos matawa ako dahil doon. Kinakabahan, natatakot, nahihiya, hindi ko alam kung alin sa tatlo ang nararamdaman niya.

But, it makes me feel so happy. Someone like him who always showcases power and strength would feel that way?

"Sige.."

His eyes immediately drifted back to me. "Sige?"

I nodded and met his gaze. I can feel a lump on my throat as I watched his eyes slowly flickered from my eyes down to my lips, then back to my face again.

Waves of LifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang