"The campus sweethearts." Sandro said in a monotone.

Nanlaki ang mga mata ko. Pinaglipat ang tingin kay Sandro at Dean. Tumawa si Dean at iwinagayway ang kamay sa ere.

Ito talagang si Dean! Nakapa marites kahit saan dalhin! Kahit kanino na lang ikinikwento ang sinasabi niyang campus sweethearts!

Halos mapangiwi ako sa isiping iyon. What are we? Highschool students?

"Mapagbiro talaga 'tong si Dean.." tawa ni Brent. Ang kamay ay nasa balikat ko pa rin.

Naging abala sa pag-uusap ang tatlo tungkol sa kung anu- ano. Tahimik naman ako at inabala ang sarili sa pagkain. Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang maririing titig ni Sandro sa akin kaya hindi ko siya nilingon man lang.

"Ven.." ani Brent sa kalagitnaan ng usapan nila. Lumapit siya sa akin at bumulong. "If you are thinking of going home. Don't hesitate to let me know. Okay?"

Tumango ako nang hindi siya nililingon. Sobrang lapit niya sa akin na kapag lumingon ako ay baka mahalikan niya na ako.

Muntik na akong mapatili nang hindi ko inaasahan ang biglaang paghila ni Sandro sa upuan ko palapit sa kanya. Mabuti na lang at monobloc ang upuan kaya hindi nagdulot ng matinding ingay. Ang kamay ni Brent ay agad na naalis sa balikat ko, dahil kung hindi ay baka nahulog na ako at upuan lang ang nahila niya!

"Sandro!" bulalas ko.

Sinapo ko ang sariling dibdib dahil sa sobra- sobrang kabang naramdaman. Akala ko talaga ay mahuhulog na ako sa upuan!

Seriously? Ano ba ang problema niya at mukhang kanina pa siya galit sa akin?

"I'm sorry." aniya, lumambot ang mukha ng makita ang kinakabahan kong ekspresyon. "Badtrip lang ako."

Inirapan ko siya. Kung badtrip ka, kailangan bang mandamay ng ibang tao? Nang binalingan ko si Brent at Dean ay parehong nakaawang ang labi nila habang nakatitig sa aming dalawa.

Oh my god! Baka isipin nilang may relasyon ako kay Sandro Marcos! Baka isipin nilang sugar daddy ko siya!

Hindi ko pinansin si Sandro hanggang sa makalabas kami ng eskwelahan. Kahit na hindi na siya umalis sa pwesto namin para balikan si Callista na kanina pa masama ang titig sa amin. Si Brent ay nagpumilit na ihatid ako pero hindi nabigyan ng pagkakataon dahil hindi umalis si Sandro sa tabi ko.

Parang aso na sunod ng sunod sa akin habang papalabas ng eskwelahan.

"I am not sorry for doing that.." aniya na sinusundan pa rin ako.

Nasa parking lot na kami. Walang ibang tao maliban sa amin at mga nakaparadang sasakyan sa paligid. Iritadong nilingon ko siya. Tumigil rin siya para harapin ako.

"Hindi mo siya boyfriend pero inaakbayan ka niya. Wala siya sa posisyon."

Tinaasan ko siya ng kilay habang ipinagkukrus ang mga braso ko. Kahit kailan ang gulo ng taong 'to! Siya ang dahilan kung bakit ilang gabi na akong hindi makatulog ng maayos. Kakaisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa akin.

"At ikaw meron?"

Napatigil siya sa tanong ko. Hindi niya iyon inaasahan.  Umawang ang labi niya na tila may sasabihin pero sa huli'y ikiniling ang ulo at itinikom ang bibig.

"Brent is a nice man. He's my friend." wika ko na sinasalubong ang titig niya.

He is intimidating pero hindi ako papatalo sa kanya.

Sandro Marcos always showcases power and strength. He used to overpower everyone around him. Sobrang laki ng kumpiyansa sa sarili at inaakala na kaya niyang pasunurin lahat ng tao sa paligid niya. At naiinis ako na ganoon nga ang nangyayari. Sa tuwing magkasama kami ay tila nawala sa akin ang mag desisyon para sa sarili.

"Okay.." he let out a loud sighed. "I'm sorry."

Napabuntong hininga nalang din ako. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri at sandaling tumingala. His adams apple moved when he tried to swallowed hard.

"Nagkamali ako. I'm sorry. Is there any way I can make up to you?"

"Dapat kay brent, hindi sa akin.."

"Wala akong paki- alam sa kung anong iisipin niya tungkol sa akin. Ang importante sa akin ay ang iniisip mo lang.."

Umatras ako ng isang hakbang at nilagay ang magkabilang kamay sa baywang ko. Pinanliitan ko siya ng mata. "Alam mo, Sandro. Ginugulo mo ang utak ko. Sabihin mo nga, may gusto ka ba sa akin?"

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kakapalan ng mukha para sabihin ang mga katagang iyon. Huli na nang mapagtanto ko na parang ang gaga ko naman para itanong iyon.

"Joke lang.." bawi ko sa sinabi. Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palayo.

Tang- ina, nakakahiya! Hinilot ko ang sentido at mariing ipinikit ang mga mata.

Ano namang pumasok sa utak mo venus at naitanong mo iyon?

"Oo. Gusto kita..." halos isigaw niya sa akin iyon.

I stopped on the track and my eyes immediately flew to him. I waited for him to laugh or take back what he said but his face remain passive.

"Yes, I like you. I like you at first sight and I like you more and more each day."

Agad akong namula ng dahil sa sinabi niya. Bigla ay tila may mga nagkakarerang kabayo sa aking dibdib. Tumawa ako. Sinikap kontrolin ang kabang pilit na umaalpas sa dibdib.

"I- i'm just joking.." I stammered.

Tumaas ang sulok ng labi niya. Humakbang palapit sa akin. "Ako hindi.."

Umawang ang labi ko nang tumigil siya ilang dipa ang layo mula sa akin. Walang mahanap na isasagot ay nanatili akong nakatitig sa kanya. Shimmering and cold as night, his eyes were rimmed on top by thick black eyelashes. His sensual lips were currently pressed into a thin line.

My heart is beating wildly but I tried to get a grip of myself. Why did I find it so hard to believe in everything he says?

He is the "Sandro Marcos" in our place. An intelligent and well known good looking guy who came from one of the most influential family in town. Bakit ako ang napili niyang gustuhin?

Ang dami dami niyang choices! Pinapaligiran siya ng mga mayayaman at edukadang babae!

Nakikita ko sa tiktok na kahit kani kanino siya nililink dahil marami siyang kaibigang babae. Nagpa- party sila sa iba't ibang bar.

"Sinungaling ka!" I finally found the courage to speak. "I saw in tiktok that you dated a lot of girls way back in London. And you were always link to different pretty girls.."

"I never dated anyone before, Venus. Some girls are just too clingy but I never dated anyone."

"You're impossible.." iling ko. "Siguradong maraming babae na ang nagpahayag ng paghanga sa iyo. Imposibleng ang isang katulad mo ay walang naging girlfriend! Kahit crush lang, dapat meron ka."

He chuckled. "No? Because I spent my whole life loving you."

"Ibinigay ko ang atensiyon ko sa nag-iisang babae bago pa man ako tumungo sa London. Sadly, I never have the chance to get it back.. Sa kanya lang ito noon magpa hanggang ngayon."

Nagbaba ako ng tingin. Bumabara ang lalamunan ko. Sumisikip ang dibdib. I might cry right here kung hindi ko aawatin ang sarili. Ipinagkrus ko ang mga braso sa dibdib. Suddenly feeling cold. Ni hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

"But, you can't like me." bulong ko.

"You have no right to decide on that." Napapitlag ako nang maramdaman ang kamay niya sa braso ko. "Let's go, malalim na ang gabi. Sa kotse tayo mag-usap."

Waves of LifeWhere stories live. Discover now