Sarili

2 0 0
                                    

Minsan na akong nanatili sa relasyon na hindi ko maramdaman na mayroon akong kasama.
Relasyon na nagpamukha sa akin na kung hindi ako kakapit, matatapos lang ang lahat.
Relasyon na ako lang mag isa ang lumalaban.
Relasyon na puno ng sakitan pero di ko padin magawang bitawan.

Yung tipong hindi ko masabi na nasasaktan na ako dahil pag ginawa ko, iiwan nya lang din ako.
Sasabihin sa akin na "ayokong nasasaktan ka, itigil nalang natin to" 
Kahit ang totoo ay alam nyang matagal na akong nasasaktan at hinihintay na lamang na ako ang sumuko

Ilang beses kong tiniis at kinaya lahat mag isa
Dahil ayokong bumitaw at mapunta sya sa iba
Ngunit sa paulit ulit na pangyayaring iyon—
Natauhan ako.
Kung ayaw na sa akin, ano pang saysay ng relasyon na pinanghahawakan ko?
Kung ayaw na sa akin, bakit ko pa ipipilit kung hindi na naman yakap ko ang gusto?

Kaya't naisipan ko ng sumuko at bumitaw sa pagkakapit
Pinili ang sarili, kinalimutan lahat ng pait
Oras ko'y hindi na sasayangin.
Kasi kung hindi na talaga ako ang mahal, wala na akong kailangan pang ipaglaban.

VOICELESSWhere stories live. Discover now