JUNETH ANGELIE'S POV
Another year has passed. Marami na ang nagbago, I am no longer the girl who used to be innocent and easy to fall. Hindi na ako 'yong dating madaling maniwala sa mga matatamis na dila at salita. I learned a lot from the past, ang dating Juneth Angelie na madaling mabola at mapaibig ay tuluyan nang nagbago.
Marami na din akong mga nakasalamuha at nakilalang iba't-ibang mga tao, but most of them were men, at kung ilalarawan ko silang lahat, well, they all have something in common, they were all sweet and caring, kaya natatakot akong makipaglapit sa kanila, kaya sa tuwing may magtatangkang ligawan ako, ay binabara ko na agad sila.
I don't want to waste my time na makipaglokohan. I had enough of heartache, I don't want to play games with anyone, ayaw ko nang masaktan, ayaw nang tumibok ng puso ko kahit kanino. I tried, but my heart doesn't want to follow me. Marahil, takot na ang aking puso, dahil sa murang edad ko noon ay naranasan ko ang mapaglaruan at malinlang.
Alam kong marami na ang nabago, hindi lang sa physical kong anyo, kung hindi pati sa pagkatao ko. Ngunit alam ko, na kahit gaano karami ang mga bagay na nagbago sa buhay ko, ay gano'n din karami ang mga bagay na hindi kayang ibaon sa limot ng aking isip at puso.
Walong taon, walong taon ko na din pa lang sinasanay ang aking sarili na mag-isa dito sa ibang bansa.
Napangiti ako, ngunit ang mga ngiti ko ay hindi umabot sa aking mga mata.
Maingat akong bumaba sa aking kama at agad hinanap ang aking ama. There, I found him sitting outside our house.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinauupuan niya. Hindi niya ako napansin dahil tila malalim ang iniisip nito.
I cleared my throat bago ako nagsalita.
"Dad, bakit po parang ang lungkot niyo yata? Okay lang po ba kayo? Kahapon ko pa po kasi kayo napapansin na ang lalim ng iniisip ninyo. Is it about the business deal with Mr. Cheng yesterday, Dad? Tell me, I'm worried about you Daddy," ang hindi ko napigilang tanong sa daddy ko nang tulayan na akong nakalapit sa kaniya.
Hindi siya umimik, malalim ang buntong hiningang pinakawalan niya at tumingin ito sa malayo. Nawala ang ngiti ko sa aking mga labi. Sa itsuraMukhang may malalim na problema nga ang daddy ko at ayaw ninyang sabihin sa amin iyon ni mommy.
Ayaw niya na naman kaming mag-alala, pero hindi niya talaga maitatago sa akin o kay mommy na may problema siya kahit pa hindi niya sabihin iyon sa amin.
I know my dad very well, at sigurado ako na it's all about business again. Hindi ko naman siya masisi dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang kompanya niya, pamana pa 'yon ng lolo sa kaniya.
Umupo ako sa tabi niya at umusog palapit sa kaniya, niyakap ko siya sa kaniyang tagiliran at ihinilig ang ulo ko sa balikat niya.
Gusto kong iparamdam sa kaniya na nandito lang ako, laging handang tumulong at makinig sa kaniya. Because I love him so much.
"Dad, you can tell me, maybe I can help you," ang malambing na sabi ko sa kaniya.
After saying that, lumingon siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang ulo ko at hinaplos ng marahan ang buhok ko.
"It's nothing Anak, don't worry about me, I'm okay. Ang mabuti pa, pakitawag na nga lang ang Mommy mo dito at sabihin mo sa kaniya na ipagtimpla niya ako kamo ng paborito kong kape," ang pagtataboy na sabi ng aking daddy.
Hindi agad ako tuminag, kaya pinanlakihan ako nito ng mga mata, Tinaas ko ang dalawa kong mga kamay at tumatawa akong tumayo palayo sa kaniya. Pumasok ako sa loob ng aming bahay para hanapin ang aking mommy, ngunit wala ito sa loob.
Napangiti ako alam ko na agad kung nasaan siya, malamang nasa garden 'yon at kinakausap na naman ang mga baby niyang halaman.
Napapailing akong lumabas ng aming bahay at hinahanap ang aking mommy sa aming maliit na Hardin, at tama nga ako ng hinala, abala siya sa pagdidilig at pagtanggal sa mga dahong lanta at hinog na, kahit kasi may kasambahay kami ay ayaw niya talagang ipagkatiwala sa iba ang garden niya lalo na kapag nandito siya.
Kahit nga ako ay ayaw niyang makialam ako dahil sa takot yata niyang masira ko ang kaniyang pinakamamahal na mga halaman. Kaya naman, kapag wala sila ni daddy dito at nasa Pilipinas sila ay ang hardinero ang tumitingin sa mga halaman niya.
Lumapit ako sa kaniya at tinawag siya ngunit hindi niya ako narinig, paano ba naman kasi para siyang nasa bar sa sobrang lakas niyang magpa-music kaysa sa akin, dinaig pa kami ng kapatid ko.
Saka pa lang niya ako napansin nang pumunta na ako mismo sa harap niya at nagsalita. Nagulat pa nga siya sa akin sa bigla kong pagsulpot sa harap niya. Pinahinaan nito ang music at muli siyang humarap sa akin.
"Is there any problem, Anak?" Ang nagtatakang tanong niya.
"Si Mommy, kung makapag-music daig pa ang teenager, kanina ko pa po kayo tinatawag."
"Maganda kasi kapag may music Anak, nakakabata ng pakiramdamak, bakit mo nga pala ako hinahanap Anak? May kailangan ka ba?"
"Inutusan po kasi ako ni Daddy, ipagtimpla niyo daw po siya ng kape niya, alam niyo naman po 'yon, iyong gawa niyo lang po ang gusto niya," ang sabi ko habang nakangiti sa kaniya.
Ngumiti din ito sa akin bago nagsalita.
"O siya, ipagtitimpla ko na siya ng kape, pakibalik na nga lang itong host sa lalagyanan niya Anak," ang malambing na utos ng mommy ko sa akin at iniabot nito ang host na hawak niya bago siya tuluyang lumayo.
Nasundan ko pa siya ng tingin. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kawalan, ang sarap sa pakiramdam na makita ang mga magulang ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Nakakakilig silang tignan, imagine matanda na sila pero napaka-sweet pa rin nila sa isat-isa.
Napabuntong hininga ako at unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga labi. Mariin akong napapikit at umusal ng maikling panalangin.
Lord, sana kapag dumating ang araw na bibigyan niyo po ako ng bagong lalaking mamahalin at magiging katuwang ko sa buhay, bigyan niyo po sana ako ng katulad ng aking ama na mabait, mapagmahal, maalaga, magalang, faithful at responsableng ama at asawa.
Nang matapos kong sabihin iyon sa aking isipan ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napabuntong hininga, naglakad ako at humanap ng mauupuhan sa labas ng aming bahay.
Nang makaupo ako ay napayuko ako at hindi ko naiwasang muling magbalik-tanaw sa nakaraan.
YOU ARE READING
The Cold Billionaire's Revenge (SPG)
Romance*WARNING: MATURED CONTENT!! This story is not suitable for ages below eighteen. *OBSESSIVE HUNK BILLIONAIRE #1 Angelo Gabriel Fuentabella, 28 years of age, is a highly renowned billionaire and one of the youngest tycoons in and outside of the countr...
