Hindi lang nila alam..

I cheered when her presentation ended. Pumalakpak ako at sumigaw ng "TED SIGA" kasabay ng ilang estudyante, that is the chants of our department every contest.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan nang mahagip ng tingin ko si Sandro na sa akin pa rin nakapokus ang mga titig, nakapatong ang siko niya sa lamesa at pinaglalaruan ang labi. His lips twisted because of my reaction.

Napatuwid ako sa pagkaka- upo nang mapagtanto na nakita niya ang pag cheer ko kanina. Gusto kong ihilamos ang palad sa mukha.

Nakakahiya!

Mga alas sais y medya na nang matapos ang pageant. Gaya ng inaasahan, nanalo ang pambato ng BSOA department, pangalawa ang sa amin. Sa lalaki naman ay nanalo ang Engineering department at pangalawa pa rin ang sa amin. Not bad though.

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Kaila habang pababa kami ng bleachers.

Tumango ako. Sa gitna ng mga nagkukumpulang estudyante ay naroon si Sandro na pinagkaguluhan na para makakuha ng pictures. Mukhang ito talaga ang pinakahihintay nila. Wala si Governor Matthew Manotoc pero narito naman si Sandro.

"Oo. Ikaw?"

Nag-aalangang tumigil si Kaila. Nakita kong nakatingin rin siya sa direksiyon ni Sandro.

Her red lips protruded. "Gusto kong magpapicture kay Mr. Marcos, pero mukhang nakakahiya."

Napatigil na rin ako. Maraming estudyante na ang kasalukuyang nagsisilabasan ng gym. At marami rin ang pumupunta kay Sandro para magpapicture. Hindi ako sigurado kung ang lahat bang nandoon ay mabibigyan ng pagkakataon.

Dinaig pa ang artista!

"Baka mahirapan ka.." wika ko.

"Mauna ka nalang kaya, Ven? Hahanap ako ng paraan para makapag picture."

"Sigurado ka ba?"

Tumango siya at agad na akong tinalikuran. Sigurado ay alam niyang hindi ako mahilig sa mga ganyan kaya hindi na siya nag aksaya ng oras para mag- aya pa. Inayos ko ang strap ng aking itim na sling bag at dumiretso na sa entrance.

Nang makita si Dean na nasa hamba ng entrance ay halos gusto ko na lang magtago. Lalong- lalo na't nakita ko siyang malapad na ngumiti nang makita ako.

"Venus Laine!" aniya na tinawag ako sa buong pangalan.

Mariin kong naipikit ang mga mata habang humahakbang patungo sa kanya.

"Sir. Good eve.."

"May dinner sa loob ng function hall. Pumunta ka.."

"Sir kailangan ko nang umuwi--"

"Ooop." itinaas niya ang index finger na tila pinapatahimik ako. "Alam kong wala kang trabaho ngayon. Sige na, may dinner doon sa loob. Sumunod ka sa akin."

Hinihilot ang sentido akong sumunod kay Dean. He was like a father to me. Alam niya ang mga pinagdaanan ko kaya gusto niya raw na palagi akong stress free. Itong si sir talaga! Nahihiya na ako sa mga faculties at student council officers dahil palagi akong present sa mga pagtitipon kahit na wala naman akong ambag.

Nang makarating sa loob ng function hall ay halos pagsisihan kong sumunod ako. Naroon ang mga opisyales ng lalawigan, boardmembers at faculty ng school at ang mga student council officers. Gusto ko na lang maging kabute sa sobrang hiya nang ilan sa kanila ay napatingin sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Kumuha ka ng pagkain doon ha.." itinuro ni sir ang buffet sa gitna. "Huwag kang mahiya, Venus Laine. May kakausapin lang ako doon."

Umalis si Dean at naiwan akong mag-isa sa sulok. Tumitig ako doon sa tray na iniikot ng mga waiters. Goblet na naglalaman ng champagne.

Gusto kong magtaas ng kilay. Pwedi ba sa school 'yan? Ikiniling ko ang ulo at inisip na baka para lang iyon sa mga bisita at hindi para sa mga estudyante. Naka uniform pa naman ako ngayon. Puting blusa at dark blue na pencil skirt. Required sa aming mga teacher education students na may takong ang sapatos. Kahit 2 inches lang.

2 inches lang naman ang sapatos ko, hindi kagaya ng ibang estudyante na halos magsuot na ng killer heels. Pakiramdam ata ay nasa isang fashion show.

"Venus.." napalingon ako sa baritonong boses na iyon.

Brent Manala is making his way towards me. Suot suot ang aming school uniform ay tila siya isang modelo, mas lalong nadepina ang tangkad dahil sa suot na black shoes. Magulo ang buhok at malalim ang mga mata.

"Hi.." ngiti ko sa kanya.

"I'm glad you're here. Hinanap kita kanina sa labas para yayain din sana."

"Inaya din ako ni Dean.."

"Oh.." itinagilid niya ang ulo, ang panga ay mas lalong nadepina. "Let's go then?" aniya na ang itinutukoy ay ang buffet table.

Ngumiti ako at tumango. Nagpasalamat na hindi ko kailangang magmukmok sa gilid dahil may kasama na.

Pagkatapos kumuha ng pagkain ay naghanap kami ng mauupuan ni Brent na nasa sulok na bahagi ng hall. Sa tabi ng table namin ay ang ibang mga officers. Binati nila si Brent.

"Hindi ka ba sasabay sa mga officers mo?" tanong ko nang makaupo kami.

He is the student council's president for this year. Running for suma cum laude rin. Gwapo at matalino.

"Samahan muna kita.." biro niya.

I laughed with him. Me and Brent are good friends. Hindi man kami palaging magkakasabay pero kapag nagkikita ay nagkukwentuhan.

Nawili ako sa pakikipag-usap kay Brent. Mahilig siyang magbiro at madalas ko namang tinatawanan iyon. Sumimsim ako sa aking baso at nang matuon ang atensiyon sa unahan ay tila sumama ang pakiramdam ko. Sandro was looking at me intently while holding his glass of champagne!

Waves of LifeWhere stories live. Discover now