"Ang lakas ng appeal!"

"I have met him before sa bgc, kasama ko pa nga nun ang boyfriend ko. Napatili ako kasi ang gwapo talaga niya! Powerful ang datingan!"

Ni hindi ko na masundan ang mga nag-uusap na iyon na malapit sa amin. Humahalo na sa ingay ng mga sigawan. Sandro climbed up the stage. Muli siyang kumaway habang ibinibigay ng MC sa kanya ang microphone.

"Magandang hapon Tccians!" he shouted. Mas lalong lumakas ang hiyawan. "Unang- una gusto ko munang batiin ang mga..."

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi ni Sandro dahil sa pagtili ng babae sa likuran ko malapit sa aking tainga. Sa inis ay nilingon ko siya at nakitang halos maglupasay na habang hawak- hawak ang kanyang cellphone.

Gusto ko siyang irapan pero hindi ko ginawa. Pinaghahampas pa niya ang katabi. Ang oa naman!

Humupa ang hiyawan nang itinaas ng MC ang kamay sa ere na nagsesenyas na tumahimik muna ang lahat dahil hindi na naririnig ang mga sinasabi ni Sandro kahit naka mic siya.

"Alam niyo kinikilig ako ng konti. Ang dami.." hindi na natapos ni Sandro ang sasabihin dahil biglang nagsigawan na naman ang mga tao.

Patingalang umirap ako. Ang bi- bwiset ng mga 'to! Pwedi bang patapusin muna siya nila?

"ang dami palang magagandang mga taga TCCIANS.." aniya at kaagad na nahuli ang mga titig ko.

I almost held my breath. Hindi matukoy kung paano niya ako nakilala sa gitna ng ganito karaming estudyante. Humalakhak ang mga VIP's sa unahan, si Dean ay napatawa rin sa biro ni Sandro.

Umiwas si Sandro at nagpasalamat pa sa suportang ibinibigay sa ama niya bago tuluyang bumaba sa stage. Nakipag fist bump siya sa mga nasa ibaba bago inokyupa ang upuan na katabi ng Vice Governor na mukhang tuwang tuwa dahil sa presensiya niya.

Medyo tumigil ang hiyawan nang mula sa kung saan ay pumasok si Callista Villaruel. Tila isang modelo sa suot na white wide leg high waist pants at black sleeveless top. Kumaway rin siya sa mga tao at sa kaliwang kamay ay hawak ang maliit at itim na bag.

Halos mapanganga ako kakatingin sa kanya. Simple lang siyang tingnan pero sobrang ganda. Yung make up niya, yung porma, yung buhok, lahat saktong sakto sa kanya.

Tumayo si Sandro upang ilahad ang sariling upuan kay Callista. Humalik pa ito sa pisngi niya habang inokyupa naman ni Sandro ang katabing upuan.

I bit my lips and stared at the stage. Kaagad na gumuhit ang sakit sa puso ko pero pilit kong binabaliwala iyon. Sa tuwing nakikita ko ang mundong ginagalawan ni Sandro, nanliliit ako sa sarili ko.

Ang ganda ganda ni Calli. Kung ikukumpara kaming dalawa ay baka kalebel ko lang ang paa niya.

Nag pokus ako sa panonood ng search. Ang daming magagandang babae. Lalo na iyong pambato ng BSOA department. Matangkad at chinita.

Napapalakpak ako sa talent portion niya. Naggigitara siya kasabay ng pagkanta. Ang ganda ng boses, bagay na bagay sa kanya. Ang hinhin at malambot.

Surewin na 'to panigurado. Magaling naman ang pambato namin pero mas magaling talaga 'to.

Pagkatapos kumanta ng babae ay bumaling ako sa direksiyon ni Sandro para sana tingnan kung ano ang reaksiyon niya, pero nang maabutan ko siyang sa akin nakapokus ang titig ay mukhang ako pa ang nagulat.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Anong tinitingin tingin mo diyan? Parang tanga.

Magaling ang kandidata namin sa talent portion. Declamation ang kanyang ginawa. Alam kong magaling rin siya kapag Question and Answer portion na. Teacher Education students are known for being smart and proper in the whole school. Kapag may mga gatherings kita mo na nirerespeto kami ng ilang departments.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now