"Andito na tayo sa trabaho na ito, wala nang panahong magsisi. Maging grateful na lang tayo na andito tayo," he gave me a small smile.

Hindi ko na siya nasagot dahil tumunog ang message notification ng aking cellphone.

Thelma:

Nakakasuka rito sa bus!

Kumunot ang noo ko dahil sa laman ng mensahe. Umalis na rin ba siya ng Southville? Limang buwan nang buntis si Thelma. Si Bryce ang ama. Noong una pa nga ang sabi niya sa akin ay hindi siya aalis kahit sobrang laki na ng tiyan niya.

Ako:

Pauwi ka ba ng Batangas? Umalis ka ng Southville?

Thelma:

Educ tour din namin ngayon.

Tinitigan ko ng ilang segundo ang reply niya.

Thelma:

Diba nabanggit ko sa'yo last week?Natuwa pa nga ako kase parehong pupunta sa Dinosaur Island ang mga school naten. Winner!

Napakamot ako sa aking ulo dahil nalimutan ko nang sinabi niya sa akin 'yon last week.

Ako:

Ingat kayo!

Pinatay ko ang aking cellphone at sakto namang dumating si Gesselle sa bus.

"Ano? Success ba?" tanong ng mga boys.

Nagmakeface si Gesselle sa kanila at umirap.

"Kala niyo mga hindi dumudumi eh," aniya habang humihilig sa neck pillow niya.

Tinutukan ko ang aking sarili nang magsimulang uumandar ang bus. My panic attacks got stronger in the past year. I've been having my panic attacks silently. I even teach while having an attack.

Sinilip ko ang aking eco bag upang kumuha ng tubig. Mas dinamihan ko ang pagbabaon ng tubig upang maibsan ang kirot ngunit madalas ay hindi ito epektibo.

I gripped the the right arm rest. I want to get off this bus and get as much air as I can.

Can I just shrink in this seat along with my shrinking heart? I don't like feeling out of control! I just want this to stop.

Mas hinabaan ko ang pag eexhale ko dahil iniisip ko na bitbit ng paghinga ko ang bigat sa dibdib ko, na sa oras na ibuga ko ito ay gagaan ang pakiramdam ko.

The edge of my eye shed a bit of tear which I immediately wiped with my hand so it would go unnoticed.

Throughout the travel to the next destination, I sat stiff on my seat. Hindi ko na napansin kung may tumatawag o kumakausap sa akin. Maging ang ingay ng magkakaklase ay hindi ko na rin napakinggan.

Pina linya ng tour guide ang mga studyante upang hindi mawalay sa kanya kanyang section at para may kaayusan ang lahat.

Naririto kami ngayon sa dinosaur trail. Kanya kanyang picture ang mga studyante. Ang mga boys ang pinakainteresado sa mga nakikita nila at talagang tumitingin sa mini facts na nakaprovide sa bawat dinosaur statue na nakadisplay.

"10,000 volts daw pre oh! Itulak kaya kita diyan."

"Uy! Wag niyo ngang tinatakot si Gabriella, iiyak na naman yan," saway ni Kevin.

"Wushu! To the rescue agad ang MU," kantyaw ng mga kaklase.

Nangasim ang mukha ni ma'am Regina, isa sa co-teacher ko, dahil sa narinig

"Susko ang mga batang ito, daig pa tayo. Samantalang ang teachers wala nang oras magjowa," umiling iling si ma'am.

Ngumisi lamang ako at ipinalibot ang mata sa dinosaur trail. Dahil hindi ko hilig ang science ay hindi naman ako gaanong kainteresado sa mga ganito.

A Silence In The ChaosWhere stories live. Discover now