“Jo, pa-calligraphy din,” anila sa akin.

“Sige, basta sagutan niyo math ko,” ani ko. Nagpalit-palit naman kami ng trabaho. Magaling si Kuya Ox sa math kaya siya ang nagpresinta roon. Si Zeno naman sa english kaya siya ang gumawa roon. Kaniya-kaniya kaming trabaho kaya nanahimik sa table namin. Kaya lang ay umiingay ang mga ito kapag natatapos nila ang kanila. Dapat pala’y laging maraming ginagawa.

Kahit napakarami ng gagawin, hindi naman naging mabigat ang mga ‘yon. Ang sarap lang din kasi talaga sa pakiramdam na alam mong may karamay ka habang ginagawa ang mga ‘yon. Nakakapagod pero magaan lang dahil may mga kakwentuhan at katawanan ka.

Nakakalimutan ko ngang may problema sa bahay kapag kasama ko ang mga ito. Kaya lang pagbalik ay alam ko na rin ang kahihinatnan.

“Thank you sa paghatid, Sento!” nakangiti kong saad kay Sento. Kumaway pa ako sa kaniya kaya nginitian niya ako.

Papasok na ako sa loob nang makasalubong ang ilang hindi pamilyar na tao palabas ng bahay namin. Napakunot naman ang noo ko habang papasok sa loob.

Magtatanong na sana ako kay Mama at Papa kaya lang ay nakita ko ang galit at problemadong mukha ni Mama at ang nakayukong si Papa. Napabuntong-hininga na lang ako dahil mukhang nagtatalo na naman silang dalawa.

Hindi na ako nagtangka pang magtanong at nagmano na lang bago pumasok sa loob ng kwarto.

Hindi pa ako nakakapasok nang marinig ko ang sinabi ni Mama.

“Anong gagawin natin ngayon? Isang milyon, Pa. Saan ka hahanap niyon?” Narinig ko ang panginginig at pag-aalala sa tinig ni Mama.

Napatingin ako sa kanila dahil do’n. Hindi ko na rin napigilan pang lumapit para magtanong.

“Isang milyon, Ma? Para saan?” tanong ko na naguguluhan. Napatinhin naman sila sa akin dahil do’n. Iniwas lang ni Mama ang tingin sa akin.

“Wala,” aniya na dumeretso na sa kusina.

“Ano ‘yon, Pa?” tanong ko.

“Wala, Anak…” aniya na nginitian pa ako.

Hindi ko sila tinantanan kaya lang ay parehas na tikom ang kanilang mga bibig.

“Ferrari…” mahina kong saad nang maalala ang balitang narinig kanina. Nang mapatingin ako sa kanilang dalawa, kita ko ang paghinto nila sa pagsubo.

Fuck…

“They want you to pay, Papa?” tanong ko.

“Anong pinagsasabi mo riyang bata ka? Tulungan mo na nga lang ang mga kapatid mo sa assigment nila,” ani Mama nang matauhan.

“Hah…” Hindi ko naman sila makapaniwalang tinignan. Imbes na pansinin pa ako’y umalis na rin sila sa harapan ko. Hindi ko naman mapigilan ang pagkuyom ng kamao roon. I can’t believe they’re trying to hide this big problem from us.

Behind The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon