Chapter 16

5 2 0
                                    

Chapter 16

Jonalyn’s POV

“Uy, ayos ka lang?” tanong sa akin ni Sento nang makita ako. Nginitian ko naman siya at tumango lang.

“Tara, kain tayong siomai. Libre ko na!” aniya na hinawakan ako sa palapulsuhan. Napatango naman ako roon.

Mas napapadalas kasi ang panenermon ni Mama kay Papa. Minsan ay nagwawalk out na lang din si Papa dahil nga masiyado itong mabunganga.

“Dalawa pong gulaman,” ani ko.

“Kawawa naman…” Sabay pa naming sambit ni Sento nang marinig ang mews tungkol sa isang jeepney driver na nakabangga ng ferrari. Narinig din na malaki ang pinababayaran dito.

Bahagya naman nanikip ang dibdib ko habang pinapakinggan ‘yon. Naiimagine ko lang kapag si Papa ang nasa kalagayan ng jeepney driver na ‘yon.

“Miss, ito na ang palamig mo. Kanina ko pa inaabot!” ani Ateng nagtitinda ng siomai. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso dahil ang aga-aga’y highblood na ata ito.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ng school ni Sento.

“Nga pala, ‘yong camera mo, nakahanap na ako ng buyer! Doble pa sa bili mo,” nakangiti niyang saad.

“We? Talaga?” Tumango-tango naman siya kaya agad akong napangiti. Nang malaman ni Sento na kailangan kong ibenta ang camera ko, tinulungan niya akong maghanap ng buyer.

“Salamat…” ani ko kaya nginitian niya ako at inilingan.

“Wala ‘yon. Maliit na bagay,” aniya bago ako sinubuan ng siomai at iniabot na rin ang baso sa akin.

“Salamat…”

Nang makapasok kami’y agad na dumeretso sa library dahil nandoon din sina Eeya. Gagawa kami ng activities dahil hindi kami sumama no’ng field trip.

“Tangina, wala man lang kahangin-hangin dito,” reklamo ni Kuya Ox na siyang halos hubarin na ang polo. Paano ba namang lalamig kung ang dami rin talagang estudyanteng nandito sa library para magpalamig.

Nailing na lang ako bago nilabas ang ilang activities na gagawin.

Nagsimula naman na akong mag-calligraphy. Natatawa na lang ako dahil namamangha sina Kuya Clurvey.

“Jo, alam ko na future mo,” ani Sento kaya nilingon ko siya.

“Ano?” tanong ko na nakataas ang kilay.

“Lapida maker,” aniya kaya nagtawanan sila. Naiiling na lang din si Eeya roon.

“Gago,” ani ko na natawa rin nang mahina.

Binawalan naman kami dahil sa ingay rito sa table namin.

Behind The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon