Tagtuyot

163 2 0
                                    

Tagtuyot kailan ka matatapos?

Nalalanta na ang mga dahon sa halaman.

Lupaypay na ang mga sangang pinapahingahan.

Tagtuyot kailan ka matatapos?

Unti-unti nang nawawala ang mga berdeng paligid.

At naghihingalo na ang maitim na lupa.

Tagtuyot kailan ka matatapos?

Kailan mararamdaman ang dampi ng ulan?

Kailan darating ang ginhawang minsan lang naranasan?

Tagtuyot kailan ka matatapos?

Kung kailan wala na bang buhay ang kagubatan?

Kung ubos na ba ang bawat talulot ng pag-asa?

Tagtuyot kailan ka matatapos?

Na sa bawat hampas ng init nang pagsubok mo'y namamatay ako.

At sa bawat araw na lumipas na walang ulan ng pag-asa nalulusaw ako.

Tagtuyot kailan ka matatapos?

Tagtuyot kailangan mong matapos.

Tagtuyot ikaw ay matatapos.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 29, 2013 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

TagtuyotDonde viven las historias. Descúbrelo ahora