"Pa, ihing-ihi na 'ko," Sabi ni Zahra kay Papa.
"Kahit ako rin, Zahra. 'Wag ka mag-alala naghahanap na si Papa ng Gasoline Station." Sagot ni Kuya Mike kay Zahra.
It's been 12 hours since we left home. Desisyon ni Papa na sa ibang lugar kami manirahan para 'new environment' daw. Hindi naman ako kumontra, dahil kailangan ko din naman 'to. Ang pangit kasi ng reputasyon namin do'n. Kahit sa iskul, ang pangit ng reputasyon ko dahil sa mabilisang pagkalat ng balita sa nangyari sa pamilya namin.
At dahil 'yon kay Mama.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng backpack para i-check ang oras.
3:37 AM
"Pa, 'yon o Gasoline Station." Sabi ni Kuya Mike sabay turo kung 'asan ang gasolinahan.
Sakto at may shop din do'n. Gutom na kasi ako.
Nag-park muna si Papa bago lumabas kaming apat. Sina Kuya Mike at Zahra ay pumunta ng banyo para umihi habang kami naman ni Papa ay pumasok sa shop para bumili ng mga tsitsira at mga inumin. Pagkatapos, lumabas kami ni Papa bitbit ang mga tsitsira at inumin, at umupo do'n sa may monobloc chairs. Inilapag namin sa may mesa ang mga kakainin namin at hinintay sila Kuya at Zahra.
"Pa, ang unhealthy naman ng mga binili natin. Sure ka dito?" Tanong ko kay Papa na mukhang malalim ang iniisip.
"Oo nga, pasensiya na 'nak. Nag-ke-crave kasi ako para sa mga tsitsirya," Tugon ni Papa.
Kumuha siya ng pera sa bulsa ng pantalon niya at binigay sa 'kin.
"O yan, bumili ka ng makakain mo. Siguraduhin mo lang na 'healthy' yan a." Pabirong bilin ni Papa.
"Alam niyo naman Pa kung ano'ng bibilhin ko, 'di ba?" Sabi ko kay Papa sabay ngisi.
"Ano ba yan, 'di ba sinabi ko na tigilan mo na ang pagsisigarilyo? Hindi maganda 'yan para sa'yo 'nak." Pagpapaalala sa 'kin ni Papa.
"Paminsan-minsan lang naman ako Pa nagsisigarilyo." Sagot ko at nag-pout.
"Bahala ka, basta pangako mo sa'kin na pagbubutihin mo ang pag-aaral ha?" Sabi ni Papa at kinuha ang kamay ko sabay hinimas ito. Ang bait talaga ni Papa. He lets us do what we want to do, pero syempre 'di kasama do'n ang pagpasok sa mga masamang bisyo tulad sa nangyari kay Mama.
"Pangako, Pa. Pagbubutihin ko po." Sagot ko at ngumiti.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at pumasok sa Shop. Naglakad ako patungo sa counter para bumili ng Fortune.
"Kuya, isa nga pong pack ng Fortune." Sabi ko sa Cashier.
"Ikaw ba yung magsisigarilyo?" Tanong ng Cashier habang hinahanap ang isang pack ng Fortune.
"Op-este pinapabili lang po ng Papa ko." Palusot kong tugon sa Cashier. Muntikan na.
"Sabi mo yan a, o heto." Sabi ng Cashier at inabot sa 'kin ang isang pack ng Fortune.
"Salamat." Sabi ko at umalis kaagad ng Shop. Pagkalabas ko ay bumungad sa 'kin sina Kuya at Zahra.
"Si Ate Zena talaga kahit kailan 'di talaga titigilan ang pagsisigarilyo." Sabi sa 'kin ni Zahra at umiling-iling.
"Pabayaan mo, Zahra. Magkaka-lung cancer din 'yang Ate mo" Sabi ni Kuya Mike kay Zahra at tinitigan ako ng pabiro.
"Sira ka talaga, Kuya! At saka, paminsan-minsan lang naman ako nagsisigarilyo. Ako bahala sa sarili ko." Sagot ko kay Kuya. "Tara na, hinihintay na tayo ni Papa."
"O sige, tara na." Sabi ni Kuya at kukunin sana kamay ko ngunit agad ko itong iginalaw. Dahil do'n, tinitigan ako ni Kuya ng patanong.
"Kukunin ko lang saglit sa kotse 'yong cellphone ko tapos babalik din ako kaagad." Sabi ko at agad na nagtungo sa parking area para kunin ang cellphone ko.
YOU ARE READING
Strawberries and Cigarettes
Teen Fiction16 year-old Zena Michelle Torres is a transferee at Nefeli Bright University. She is just a girl who likes to spend her time by drawing or painting for hours in her room. She is friends with Soren Marini-who unexpectedly transferred at the Universit...
