CAPITULO UNO

9 0 0
                                        

"So, who killed me this time?" I asked, smiling at everyone else in that room. Tinitingnan ko ang lahat ng mukha ng mga tao sa paligid ko. They appeared to be somehow very shocked. Nawala ang sapi ng alak sa katawan ng bawat isa. Napuno ang kwarto ng nakabibinging katahimikan.

"Well... I assume someone in this room killed me, if not once... perhaps twice."

_________________________ 

"Madam, unfortunately I bear bad news. Our team had just recovered the remains of the late Donna Libera Laude. Autopsy report states the immediate cause of death is asphyxia due to ligature strangulation. Donna Libera Laude was already dead before she was thrown off-shore, just as we predicted madam. Sorry for your loss madam. Shall I commence and proceed as planned?"

"Yes, please proceed. Thank you for your hard work."

Unti- unting naramdaman ni Diana ang pagliit ng mundo. Ang pagkalusaw ng kulay ng buong paligid habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"They found her... they actually found her body," umiiyak na pagsasabi niya habang pinagmamasdan ang isang lumang litrato nila ni Donna.

"Don't you think it's better this way Diana? She'd be at peace. Maililibing na natin sya."

Tinitigan nyang mabuti si Nico, "I know Nico, but deep inside there's this feeling ng sana sa puso ko. I was hoping not to find her, at least it will give me hope na sana buhay pa si Donna. That she might just be lost somewhere. I just needed to look for her. That..." Ngunit di na nya natapos pa ang mga nais sabihin, nilamon na ng mga luha ang kaniyang mga salita.

Damang-dama ni Nico ang lumbay na bumabalot kay Diana sa mga oras na yun. Di man nya personal na nakilala si Donna, kilalang- kilala nya ang babae mula sa walang humpay na mga kwento ng kaniyang mahal na asawa. "Her death included foul play, what do you plan to do now?"

Marahang tumayo si Diana at tiningnan ang sarili sa salamin. "Nico my love, I've already told you my plans."

Sumilay din sa salamin si Nico pinagmasdan ang kaniyang asawa.

"I will be their friend, their daughter, their sister, and his wife. I will be Donna Libera Laude, their nightmare who came back from the dead."

"Diana my love, don't get me wrong. I support you all the way. Whatever makes you happy. All I'm concerned about, is your safety."

Lumapit si Diana sa kaniyang asawa at marahang hinaplos ng mukha nito, tinitigan ang mga nag-aalalang mga mata nito. "That's why I need you. You're here for me. You always have been."

"And I always will be..." dugtong ni Nico bago ito halikan.

_________________________ 

10 years ago, Dubai

"I like that one there, this one here, and... oh that blue one!"

"Your choices are perfection! I will get a new stock of the blue Velegancia bag that you picked. A moment please madam," sabi ng sales rep sa store matapos nitong iabot ang dalawa pa na bags na napili nito.

"Oh my, I like that gold sophisticated dress. I'll try it on," utos nya sa isa pang sales rep nang makita ang isang napakagandang dress. Tuwang-tuwa namang iniabot ito sa kaniya ng sales rep. Sino ba naman ang di matutuwang damitan ang isang Donna Laude? Maging gula-gulanit na sako ay magmumukhang haute couture kapag isinuot nya.

Sa pagkakataong ito, magsasalubong na ang landas ng magkapatid na Donna at Diana.

Nagpunta sa Dubai si Donna, upang makalayo sa masyadong magulong mundo nya sa Pilipinas. Napakalaking issue ng pagkakakasal niya kay Ramon Laude. Lumabas kasi na isa lamang business merger ang relasyon ng dalawa. Nabansagan pa si Donna na, gold-digger sa mga balita kahit na mas nagbenefit ang pabagsak na negosyo ng mga Laud.

Samantala, si Diana naman ay nagpunta sa Dubai bilang isang OFW, umaasa sa isang mas maginhawang buhay.

"Diana, you understand what I told you. You cannot touch anything here. You just must wait for me and carry what I am going to buy. Okay?"

"Yes ma'am," sagot ni Diana sa mapagmataas n'yang amo.

Tatlong buwan na ang nakalilipas simula nang makarating sa bansang ito si Diana at ilang beses na nagpapalit-palit ng amo ang dalaga. Palibhasa'y kulang sa aral tinatapaktapakan sapagkat kulang sa kaalaman. Mahirap magtrabaho sa ibang bansa, pero para kay Diana ang pananatili sa Pinas ay higit na mahirap. Simula nang mamatay ang nanay nito ay higit na naging mahirap ang buhay ni Diana. Kaya't nang yayain sya ng kaniyang mga kanayon na sumugal sa pagpunta sa ibang bansa ay tinanggap nya na.

Bumalik ang sales rep hawak- hawak ang napakagandang blue Velegancia bag, "Here's the bag you wanted madam."

Nabigla si Diana sa iniaabot ng sales rep sa kanya. Lumingon sa paligid si Diana, pilit hinahanap ang kaniyang among babae.

"No, not mine. Not mine," paulit-ulit na pagtanggi niya sa mamahaling bag.

Mukhang naiinis na ang sales rep sa kanya. Ngunit di nya maipaiwanag ng maayos ang kaniyang sarili dahil sa kakulangan sa kaalaman sa wikang banyaga. Naguguluhan din sya dahil nagpatawag na ng security ang sales rep at mukhang may hinahanap sa kanya.

"Please, if you are not in any way interested with this item madam. Could you please show me the other items that I have handed you earlier," patuloy na paghahanap ng sales rep sa kanya. "If you cannot pay the items, please hand it over, if you are still unable I have to turn you over the authorities," saka lumapit ang security guard ng store kay Diana.

"No, no... it mistake. No bag with me. No money to pay! I here with madam. Please..." patuloy na paliwanag ni Diana.

Nang isasama na ng security guard si Diana ay sabay pasok naman sa eksena ni Donna na nakasuot ng magarbong designer dress kasama ang isang sales rep na manghang-mangha sa kaniyang nakikita. Dahil bagkus isang napakagandang Donna Laude ay bigla itong naging dalawa.

"There's no need for that, she's with me and,... I believe that is my blue Velegancia bag," awat nito sa guard at sa sales rep na sobrang natigilan sa nasasaksihan. "Swipe everything," iniabot ni Donna ang card sa sales rep. "Make it fast."

Hindi malaman ni Diana ang dapat niyang isipin habang nakatitig siya kay Donna. Walang pinag-iba ang bawat anggulo ng kanilang mukha. Maging ang sa labi ay walang mintis ang pagkakapareha.

"Hi, I'm Donna," sambit nito sa kaniya habang nakangiti. Iniaabot ang malaporselanang kamay. "Now, tell me," sabi nya kay sa babaeng kamukhang-kamukha nya. Tinititigan nya itong mabuti. "Why do we look exactly a like?"

 _________________________ 

Dear Donna,

Tomorrow I shall no longer be your sister, for I will be you.

D.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear DonnaStories to obsess over. Discover now