Malala na talaga ako.

Sandro is busy on his phone the whole night. Hindi sila nagtagal sa pagkain, siguro'y mga 45 minutes lang at kaagad din namang umalis. Iyong iba ay hindi na nabigyan ng pagkakataong mag papicture. Pero syempre naroon ang mga pasimpleng nagvi video sa kanya.

Hindi kami nagkatinginan nang muli o nagkausap hanggang sa makaalis sila.

"Nakakapagod ang araw na 'to.." ani Gracia nang makalabas kami sa resto.

Alas sais hanggang alas diyes ang pasok ko sa restaurant. Madalas ay sabay kaming sumasakay ng jeep ni Gracia dahil madadaanan lang naman ang bahay nila bago ang waiting shed sa amin. Sa waiting shed ay palagi akong sinusundo ni Miko at ng tatay niya.

Hindi naman delikado pero ayaw ni Miko na tahakin ko nang mag-isa ang tubuhan.

"May hinihintay ba siya?"

"Nakatingin ata sa atin. Uy, jessa.."

Mula sa cellphone ay kunot noong binalingan ko sina Jessa at Amber na nagtutulakan sa unahan namin. Nauuna silang maglakad at nakasunod namin kaming dalawa ni Gracia sa kanila.

"Huwag ka ngang magulo. Imposible namang ako.." kinurot ni Jessa si Amber.

"Diba sabi mo kinausap ka niya kanina?"

"Oo. Pero sandali lang naman.."

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan nang pagbaling ko sa tinitingnan nila ay nandoon si Sandro. Nakahalukipkip habang nakasandal sa kotse niya.

Halos dalawang oras na ang nakalilipas simula nang umalis sila ah? Nandito pa rin siya?

Umahon siya mula sa pagkakasandal sa sariling kotse nang makita ako. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang kinain ng malalaki niyang hakbang ang distansiya sa pagitan namin.

Nakarinig ako ng mga impit na tili mula kay Jessa at Amber sa unahan. Natigil lang nang lumampas si Sandro sa kanila at napagtantong mali nga naman ang hinala ni Amber kanina.

Tumigil si Sandro nang magkatapat kaming dalawa. Ang buhok ay medyo magulo at ang mga mata'y mapupungay. He look so tired.

"Ihahatid kita.." aniya, hindi iyon tanong. Tila papayag man ako o hindi ay gagawin niya.

Tinuro ko ang sarili. Naninigurado lang na ako ang kausap niya. Baka maging feeler naman ako kagaya ni Jessa at Amber. Ang sasama tuloy ng titig nilang dalawa sa akin ngayon.

"Oo ven, ikaw ang kausap ko.." he chuckled.

"Bakit? D'ba dapat nakauwi kana ngayon? O bumalik ka lang?"

"Naghintay ako. Hindi ko alam na ganitong oras na pala ang out mo."

My jaw almost dropped. Bakit naman siya maghihintay nang ganoon katagal? O edi kaya'y sinabi niya man lang sa akin na maghihintay siya?

"Pero may kasama ako.." itinuro ko si Gracia na kung hindi ko binalingan ay hindi ko pa nakitang halos mapanganga kakatingin kay Sandro. Siniko ko kaagad siya. Parang muntanga 'to!

Binalingan na rin siya ni Sandro. "Sabay na kayong dalawa sa akin.."

Sandro open the passenger seat for me and the backdoor for Gracia. Kunot noong binalingan ko siya.

"Hindi ba pweding sa likod kaming dalawa ni Gracia?" tanong ko.

"Magmumukha naman akong driver niyo pag nagkataon.. Sige na, pumasok kana." marahan niya akong iginiya para makapasok na sa loob.

Katulad kay Gracia ay halos ayaw pa ring mag sink in sa akin ng mga nangyayari. Hindi ko maintindihan! Ang bilis ng mga pangyayari! Ni hindi ko alam kung bakit pinili akong hintayin ni Sandro at ihatid sa bahay.

Ano? May gusto ba siya sa akin?

Tila gusto kong humagikhik sa naisip.

Tahimik kaming tatlo buong biyahe. Panay ang paghugot ko ng buntong hininga dahilan kung bakit madalas siyang sumusulyap sa akin. Mariin kong ipinikit ang mga mata at isiniksik ang aking sarili sa gilid. Kahit na nasa pinakadulo na naman ako. I just don't know what to do or say. At naririndi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko! Ang hirap hirap huminga!

Napadilat lang ako nang binasag ng tunog ng cellphone ni Sandro ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tiningnan niya ang cellphone na nasa dashboard bago bumaling sa akin.

Natapos ang tawag nang hindi niya sinasagot pero tumunog ulit ito sa isa pang tawag.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi mo ba sasagutin? Mukhang importante."

"Uh, yes." aniya na kinuha ang cellphone.

"Hello?" bungad ni Sandro sa kabilang linya. Ang isang kamay ay nakahawak sa manibela at ang isa ay sa cellphone niyang nakatapat sa tainga.

"I am not available right now. I told Simon to drive you home, right?"

Napaayos ako sa pagkaka- upo habang palihim na sumusulyap sa kanya. His eyes are fixed on the road.

"Calli.." aniya sa boses na tila inaalo ang kausap. Sinulyapan niya kaagad ako nang tawagin ang pangalan ni Calli. I acted like it wasn't a big deal. "May lakad ako. You know that, don't you?"

"Please call Simon. Alam niya na yun." that's the end of the conversation. Pagkatapos sabihin iyon ay ibinaba na ni Sandro ang cellphone. Ibinalik sa dashboard. Sumunod ang titig ko doon bago sa kanya.

"Nakakaabala ba kami sayo?" hindi ko mapigilan ang magtanong. "Mukhang may lakad ka ngayon.."

"Sila ang nakakaabala sa atin.." aniya sa iritado at seryosong tono.

What?

Malakas na umubo si Gracia sa likuran. Doon ko lang napagtanto na kasama nga pala namin siya. Ni hindi ko na nilingon ang kaibigan o si Sandro man na hindi binawi ang sinabi. Ano naman ang ibig niyang sabihin doon?

Waves of LifeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum