Kinuha ko ang cellphone niya at pinanuod ang kanina pa pinapakita sa akin. It was a video of Sandro dj- ing. He looks young here. Sa London pa siguro ito. Then the next video is still him playing Polo. Halos mapanganga ako habang pinapanuod siyang sakay ng kabayo at halatang eksperto sa ginagawa.

Grabe naman!

"Galing.." sambit ko.

"Galing 'dba? Napapaisip nga ako kung may mga bagay ba siyang hindi kayang gawin? Eh mukhang nasa kanya na ang lahat eh! At nakita ko sa live kahapon, wala daw siyang girlfriend."

"Baka wala pa.."

"Galawan mo kaya? Naku, 'pag naging jowa mo tu ven, hindi mo na kailangang magtrabaho. Kaya ka nitong buhayin! Kahit may sampung anak pa kayo."

Natawa ako dahil sa sinabi ni Grace. Grabe. Parang ginawa namang sugar Daddy si Sandro kapag ganoon. I'm 22 and he's 27. Limang taon ang agwat namin sa isa't- isa. Sa edad pa lang wala na akong panama.

Pareho kaming napatigil ni Gracia nang tumunog ang wind chimes sa bukana ng resto at makitang pumasok doon ang pinag-uusapan namin. Pero ngayon ay hindi niya na kasama ang mga pinsan niya. Isang babaeng may katabaan at apat na lalaking medyo may mga edad na ang kasama niya.

"Team ng tatay niya iyang mga kasama niya. Mukhang abala talaga si Sandro sa parehong trabaho at pangangampanya sa tatay niya."

Tumango ako at sinundan sila ng tingin. Sandro looks even more powerful that he is now wearing a black jacket. He looks tired and drained. Makikita sa mata niyang namumungay.

Tila batid ang presensiya ko ay kaagad niyang nahanap ang aking mga mata. Kumabog ng husto ang puso ko nang ilang segundo kaming nagkatitigan. Pero siya ang unang umiwas. He never smiled nor tried to greet me. Tila tinitiyak niya lang na narito ako sa dating pwesto.

Tumikhim ako dahil sa ginawa niya. Hindi naman talaga kami magkakilala, 'dba? Bakit ako mage- expect na kakausapin niya o ngingitian? Eh sa ilang beses naming pagkikita ay wala kaming matinong pag-uusap!

Umalis si Gracia sa tabi ko para mag- assist sa iba pang mga customer. Naging abala naman ako dahil may lumapit sa mismong counter para mag bill out.

"He is running for congressman next election?" ang sabi ng matandang babae. Dalawa ang lumapit sa akin, isang dalaga at isang matanda na sa tingin ko'y nanay niya.

"I think so. Why? Ayaw mo ba sa kanya?"

"He's good. He talks with a lot of sense and humility. Ano pa bang aasahan? That's the trademark of the Marcoses.."

"That's what I've been thinking, Mama. Sandro has a lot of resemblance to his Grandfather. The look, the intelligence, the confidence.."

Napailing nalang ako habang inaasikaso ang charges nila. Seeing and hearing how these people praises Sandro makes me even realize that I am too way out of his league.

He came from a wealthy political clan and I am struggling everyday to pay for my own food and expenses. Kahit hindi magtrabaho, may pera siya at ang pamilya niya.

I heard from Mama before na sobrang bait ng Lolo nila. Ang mansiyon daw nila dati ay pinapabuksan tuwing ika 24 ng Disyembre para sa lahat ng mga ubreros. Naghahanda ang Gobernador ng malaking pagsasalo na bukas para sa lahat ng manggagawa. That's his way of giving back to the people who trusted him so much.

Ang papa ni Sandro ay ganoon rin. Likas ang pagiging matulungin sa mga nangangailangan.

Bakit nga ba ako umaasa na baka isang araw paggising ko pweding pwedi na kami? Isang araw magigising na lang ako na boyfriend ko na si Sandro Marcos?

Waves of LifeWhere stories live. Discover now