=CHAPTER 4: Friend=

Start from the beginning
                                    

umiling iling naman ako sa kanya at ngumiti.


"ahh gusto lang kitang maging kaibigan kaya nakatingin ako sayo." bahagya naman siyang nagulat sa sinabi ko at biglang namumulang umiwas ng tingin. kumunot ang noo ko dahil namumula siya, bakit kaya? hindi ko na lang ito pinansin at ngumiti na lang sa kanya.

"bakit ka makikipagkaibigan sa akin, hindi ba ayaw mong makipagkaibigan sa mga katulad ko, dahi isa lang naman akong hampas lupa na hindi nababagay dito." mapait nitong saad. nagulat ako sa sinabi niya, iisa lang ang sinasabihan ni Mariane ng hampas lupa, hindi kaya.....


 tinitigan ko siya, at unti unting nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya,

"N-nathan..." nauutal kong sabi. nagulat naman siya dahil binanggit ko ang pangalan niya.

He's Nathan Aveilor, a supporting character, he's a nerd kaya lagi siyang binubully ni Mariane, isa siya sa nagkagusto kay camille, pero pasikreto niya lang ito nagustuhan, dahil alam niyang wala na siyang pag asa, dahil pag mamay-ari na ni Luxurious si Camille.

Nagkagusto siya kay camille dahil tinulungan siya nito sa pambubully ni Mariane,

"B-bakit...." nauutal nitong sabi .

" Pwede ba tayong mag usap kahit saglit lang?" sabi ko sa kanya.

gusto kong humingi ng tawad sa kanya, sa mga nagawa ni Mariane, nakokonsensya ako, kahit hindi ako ang nangbully sa kanya, pero nasa katawan ako ni Mariane, kaya kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. At gusto ko rin siyang maging kaibigan.


"Sige...." tugon niya, kaya nginitian ko siya na nagpagulat sa kanya.

Napatingin ako sa harapan dahil may dumating ng lecturer.

Ng may naramdaman akong nakatingin sa akin, kaya nilibot ko ang aking tingin sa buong silid at dumako iyon  kela luxurious na kasalukuyang nakatingin sa akin, pati si Cloud, camille at mga kaibigan nito ay nakatingin sa akin kaya, daglian akong umiwas ng tingin at kunwaring inaabala ang sarili, sa aking bag.


Krinngggg!!!

hudyat na pwede ng mag lunch kaya kanya kanya kami ng tayuan, isinukbit ko nasa balikat ko ang bag ko at tumingin kay nerd na nag aayos na ng gamit. 

Tinitigan ko siya, ang hinhin pala niya kumilos para siyang babae. Ng natapos na siya inaya ko na na siya.

"Tara.." tumango naman siya, palabas na sana kami ng pinto ng may tumawag sa akin.

"Mariane..."

kaya napatingin ako sa tumawag sa akin, napatigil naman sa pag lalakad si Nathan.

kulay dilaw ang buhok nito kaya nakilala ko siya.

"Bakit Klein?" mahinahon kong sabi sa kanya

Klein Stanford, one of the male lead's, isa siyang gentleman na lalake base na rin sa nabasa ko, mabait siyang tao pero medyo masama pag nagalit.

Actually he's my type, naging  crush ko siya at hindi nga maipagkakaila na ang gwapo niya, totoo nga ang sabi sa libro.

Pero to be honest, labag man sa loob ko mas gwapo talaga si Luxurious, i mean gwapo naman talaga yung ibang male lead pero mas angat ang kagwapohan ni Luxurious, lamang siguro siya ng limang paligo.

" pinapatawag tayo sa principal's office may pag uusapan daw.." nakangiti nitong sabi,

nakalimutan ko ring sabihin na lagi pala siyang nakangiti na parang ang saya saya niya, isa din yun kung bakit ko siya nagustuhan.

" Ah sige, susunod na lang ako," sabi ko sa kanya at gumanti ng ngiti sa kanya.

nagulat naman siya pati na rin sina cloud na hindi ko napansin na kasama pala niya, maliban kay Luxurious na nakatingin sa akin ng malamig, at nakayapos ang braso nito kay camille, hindi ko na ito binigyan ng pansin.

alam ko kung bakit nagulat sila ng gumanti ako ng ngiti dahil, sa twing ngumingiti si Klein kay Mariane, masamang tingin lang ang tinutugon nito, dahil naiinis siya kapag nakikita niyang laging nakangiti si Klein ewan ko kung bakit,

"Sige una na ako, tara na  Nathan." sabi ko, hindi na nakapagsalita si klein dahil na rin siguro sa gulat. tumalikod na ako at nag simula ng maglakad, ramdam ko naman na sumunod sa akin si Nathan.



Nandito kami n Nathan sa garden na nakita ko kanina, buti kabisado ko pa.

Pareho kaming tahimik hanggang sa ako na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Im Sorry..." i sincerely said.

bahagya siyang nagulat sa sinabi ko, mag sasalita na sana siya ng lumuhod ako sa kanya na nagpagulat sa kanya.

"Im sorry, alam kong madami na akong nagawang kasalanan sayo, naiintindihan ko kung mayroon ka mang galit sa akin, pero gusto kong mag sorry sa ginawa ko sayo, i lnow hindi ko deserve ang pag papatawad mo pero, lahat ng ginawa ko sayo, pinag sisisihan ko yun kaya sana patawarin mo ako at gusto ko ulit magsimula sa umpisa bilang kaibigan mo, alam ko rin na hindi mo pa kayang magtiwala sa akin lalo na sa mga nagawa ko sayo, pero gusto kong maging kaibigan ka, " sinsero kong sabi, ramdam ko pa rin ang gulat na nararamdaman niya. Nang magsalita siya.

"Mariane, kahit hindi ka pa humingi ng tawad sa akin, pinatawad na kita" umangat ang tingin ko sa kanya ."dahil alam kong may mabuting puso ka pa rin, sa tuwing binubully mo ako nakikita ko ang guilty sa mga mata mo, nakikita ko yung pag sisisi sa mga mata, at alam kong hindi mo yun gustong gawin," natigilan ako sa sinabi niya, M-may pag sisising naramdaman si Mariane habang nambubully siya, wala akong nabasang ganon sa libro. "kaya pinapatawad kita, at gusto ko ring maging kaibigan ka." mahihiya nitong saad. lumuhod din ito at ngumiti sa akin. kaya hindi kona napigilang yakapin siya. ramdam kong nanigas siya dahil sa gulat.

"maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon Nathan, sobrang maraming salamat."

=END OF CHAPTER 4=

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELWhere stories live. Discover now