CHAPTER 6| Tulong at Pag tataka

9 1 0
                                    

𝘾𝘼𝙎𝙎𝙄𝘼'𝙎 𝙋𝙊𝙑

kinakabahan at naguguluhan na ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

sasabihin ko ba sakanila na wala akong magagawa?, tinignan ko naman sila at lalo naman akong kinabahan dahil sa mga mata nila.

parang saakin na sila umaasa na pagalingin ko ang pusang ito.

"Sinalakay kami ng mga mababangis at walang pusong mga lobo, pinipilit nilang angkinin ang tirahan namin, ngunit hindi kami makakapayag sa kagustuhan nila kaya kahit anong mang yari pinag laban namin ito, napag tagumpayan naman namin na hindi nila makuha ang tirahan namin, sa kasawiang palad may ginawa silang hindi kaaya-aya sa kapatid ko" pag kwekwento naman ng pusang kasama ko kanina, lalo naman akong napabuntong hininga.

"bigla nalamang siya nag suka ng dugo at mahirapang huminga,pinatingin na namin siya sa mga mang gagamot kung may magagawa ba sila o kahit masabi lang man nila kung anong nangyari sa kapatid ko, ngunit kahit sila hindi nila alam" saad niya naman, nakita ko naman na may tumulong luha sa mga mata niya.

"kaya nag hanap ako ng mga diwata na mabuting puso na baka sakaling may kakayahan silang gamutin ang kapatid ko"saad niya naman, tinignan ko naman ulit ang kapatid niya na halatang nahihirapan na sa sitwasyon niya.

nilapitan ko naman siya at hinaplos, napayuko naman ako dahil sabi ng sarile ko wala talaga akong magagawa.

pumikit ako, nagagalit ako sa sarili ko, dahil wala man lang akong maitulong sakanila.

kung may kakayahan lang akong mag pagaling, matutulungan sana kita.

habang nakapikit ako bigla naman akong nakaramdam ng malamig at mainit sa dugo ko isang pakiramdam na nag hahalo, isang maligamgam na dugo ang umaagos sa aaking katawan.

napaka lamig at init ang nararamdaman ko sa dugo ko na umaagos sa katawan ko, parang may nararamdam ako ng isang enerhiya na nag nang gagaling sa katawan ko.

at nararamdaman ko naman na ang maligamgam na pakiramdam na dumadaloy at umaagos papunta sa mga kamay ko...

'Anong nang yayari?'

agad naman akong napamulat at parang hiningal ako.

ano bang nang yari?, napatingin naman ako sa paligid at ganon nalang ang pag tataka ko ng makita kong gulat at saya sa mga mata nila.

"Ohh mahal kong kapatid" napatingin naman sa kasama kong pusa kanina na dali daling pumunta sa kapatid niya na ngayon ay gising na at mukhang wala nang nararamdaman?.

ano bang nang yayari?.

naguguluhan ako.

"Ate" agad namang saad ng kapatid niya.

"Maayos kana ba? ayos lang ba ang iyong pakiramdam? wala kabang ibang nararamdaman na kakaiba? o sakit man lang?" tanong naman niya.

"Wala po, napakasarap na pakiramdam lang ang aking nararamdaman....binibini?" napatingin naman ako sa kapatid ng pusang kasama ko kanina.

"Binibini, maraming salamat po saiyo, utang ko ang buhay ko sainyo binibini, ano nga po pala ang pangalan niyo, binibini?" takang tanong niya naman.

"Cassia" saad ko na parang wala sa sarili, hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.

"napaka gandang pangalan po, ako nga po pala si tina at ang ate ko nga po pala si tiya, maraming salamat po ulit binibining cassia" saad niya naman sabay yuko.

nakita ko naman na napayuko naman silang lahat.

"wa-walang anoman,sige mauuna na ako,mag pagaling ka lalo" saad ko naman, ngumiti naman si tina.

dali dali naman akong lumabas, nasa kalagitnaan palang ng pag lalakad ko bigla naman akong nakaramdam ng sakit sa braso ko.

parang may mainit na pumapaso duon, napahawak naman ako sa braso ko sa sobrang hapdi.

"ARGHHHHH" nag pakawala naman ako ng malakas na sigaw at sumabay pa ang kidlat, at bumagsak ang malakas na ulan.

'Arghhh sobrang sakit'

napapikit naman ako ng mariin ng biglang may isang liwanag na umilaw sa braso ko.

hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pang hihina at pagkahilo.

ano bang nang yayari?.

wala akong alam.

bakit iba ang nararamdaman ko ngayon?.

parang pakiramdam ko pinapaso ang braso ka ng isang pina-init na bakal at dinampi sa braso ko.

agad naman na akong naka punta sa bahay nila emelia na hinang hinang nakahawak padin sa braso ko.

hindi ko na talaga kaya yung sakit, agad namannawala ang ilaw, pero yung sakit nandun padin.

bubuksan ko na sana ang pinto pero hindi na talaga kinaya ng katawan ko at bigla nalang akong nawalan ng malay.

NAALIMPUNGATAN naman ako ng makaramdam ako  ng pag kasakit sa buong katawan ko.

dahan dahan ko namang idinilat ang mga mata ko.

"Cassia gising kana pala" napatingin naman ako kay emelia na dali daling pumunta saakin na halatang nag aalala ang mga mata.

"Cassia, saan kaba nag tungo kagabi? at bakit sa sahig sa labas ikaw natulog?"takang tanong naman ni emelia, agad naman akong napaupo at napahawak sa ulo ko.

"Paumanhin emelia, may pinuntahan lang ako...tapos..." bigla ko naman naalala ang nang yari kagabi.

tinignan ko naman ang kamay ko, naalala ko nanaman ang pananakit ng braso ko kagabi agad naman akong napatayo at tumingin sa salamin.

'Ano ang bagay na to?'

tanong ko naman sa sarili ko.

"Cassia ayos ka lamang ba?" napatingin naman ako kay emelia na mag salita ito, agad naman akong napatango at ngumiti.

"ayos lang ako, siguro kailangan ko lang ng kaunti pang pahinga" pag dadahilan ko naman, agad naman siyang ngumiti at tumayo.

"Kung ganon bababa na ako para makapag pahinga ka saglit, mag pahinga ka ng mabuti cassia, nasa ibaba lamang ako kung kailangan mo ako, mag handa kana din maya maya dahil may klase pa tayo" saad niya naman sabay ngumiti, nginitian ko naman din siya.

ng maisara niya na ang pinto at makaalis, agad naman akong tumingin ulit sa salamin.

tinignan ko naman ang braso ko, nandito padin ang marka.

isang buwan na nakahiga na merong bulak-lak sa itaas at sa ibaba nun ay may mga disensyo na hindi ko na alam kung ano na ang tawag.

basta maliit lang siya kasing liit ng hinliliit na daliri ko sa kamay.

pinilit ko naman na burahin yun pero hindi ko talaga mabura, nakakapag taka wala naman akong naalala na nag patattoo ako?.

imposible bang nag mula ito kagabi nung nakaramdam ako ng sakit sa braso?.

pero paano nang yari iyon.

Napadaing naman ako ng biglang sumakit yung ulo ko, arghhh shit eto nanaman yung sakit ng ulo ko!.

agad naman akong naupo sa kama, maya maya bigla naman nawala yung sakit at napalitan iyon ng pagka ngalay sa katawan ko.

may pasok pa kami ngayon hayst,wala naman na akong nagawa kung di ang tumayo.

anong oras naba? 5:42? palang?.

mabuti naman dahil 7:30 pa ang pasok namin, agad naman akong bumaba, naabutan ko naman sila na nag hahain.

"ohh cassia, kumusta ang pakiramdam mo? maayos kanaba?" napatingin naman ako kay nanay mila ng mag tanong ito agad naman akong ngumiti at tumango.

"osya mag ayos kana at may klase pa kayo ngayon" napatango naman ako at dali daling nag punta sa Cr.

Haysstt ang weird na talaga.

MY REAL WORLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora