CHAPTEE 1| Tao?

28 3 0
                                    

𝘾𝘼𝙎𝙎𝙄𝘼'𝙎 𝙋𝙊𝙑

"Binibini?, binibini? Binibini bumangin ho kayo, hindi magandang natutulog kayo sa lupa"

Naalimpungatan naman ako ng maramdaman Kong may tumatakip sa pisnge ko.

"Arghh 5mins pa ma inaantok pa ako eh"

"Binibini?"agad naman akong napadilat at napa upo.

Nagulat naman ako Nakita ko naman ang isang babae na nakaluhod sa harapan ko napakaganda niya pero teka? bakit? bakit mahahaba ang mga tenga niya? at bakit ganon ang suot nita? mukha siyang elf, luhh sino siya?, pero bakit parang gulat na gulat din siya?.ehh.

"Who you? why are you here?, anong ginagawa mo?"sunod sunod naman na tanong ko, yumuko naman siya ng bahagya.

"Paumanhin binibini, ngunit ang mga iba mong sinabi ay hindi ko ho maintindihan, nandito lamang ako sakadahilanang napansin kita na natutulog rito" agad niya naman sinabi, ehh?.

agad naman akong napahawak sa ulo ko, naalala ko, kagabi nung nawala na  si mama may mga halimaw akong nakita, mga itim na itim na parang mga wolf na tao at pulang pula ang mga mata, sa sobrang takot ko tumakbo lang ako, takbo ng takbo hanggang sa bigla nalang tumama ang ulo ko kung saan at bigla na akong nawalan ng malay.

"Binibini ayos lamang ba ang iyong pakiramdam? gusto niyo ho bang sumama saakin para maidala kita sa tahanan namin at makapag pahinga ka ng maayos?"napatingin naman ako sakaniya at dahan dahang tumango, inalalayan niya naman akong tumayo.

"ito ho itakip mo sa buong mukha mo" nag tataka naman ako pero wala naman akong magawa kung di ang gawin nalang sinabi niya.

"nga pala anong pangalan mo?"takang tanong ko naman.

"ako ho?, oo nga pala paumanhin at hindi ako nag pakilala, ang pangalan ko ay emelia isabella"saad niya naman, napatango naman ako nice ang ganda din ng name niya ah.

"Wow ang ganda naman ng pangalan mo"saad ko naman, medyo nakita ko naman na napakunot siya pero ngumiti din kalaunan.

weird.

"naririto na tayo, inay! inay narito na ho ako" agad naman akong napatingin sa maliit na bahay, wow! omaygoshh!! bakit? bakit ang ganda? mukhang bahay ito ng duwende alam nyo yung mga kwentong pang bata yung mga bahay ng maliliit na fairy? like ganon!.

"emelia nandito kana pala" napatingin naman ako sa medyo matandang babae, siguro nanay niya ito.

"oho inay, pero bago iyon puwede ho ba pumasok muna tayo sa loob" agad naman kaming pumasok sa bahay nila, wow ang ganda din dito, dahan dahan ko namang tinngal ang  balabal.

"Hindi ka isang elf, tama ba ako?" napatingin naman akong sa mama ni emelia, agad naman akong napatango.

"Ahh ehh? Opo" saad ko naman.

"Kung ganon isa kaba sa mga dugong bughaw?" takang tanong naman ng mama ni emelia, agad naman among napakunot.

"Paumanhin po?HEHEHE hindi kita gets- i mean hindi kita maintindihan pero tao po ako" saad ko naman, agad naman nanlaki ang mata ng mama ni emelia pati rin pala si emelia.

"Ano?! isa kang tao?"saad naman ng mama ni emelia, ehh ano naman?, baket tao naman ako ahHUUHU.

"paano nang yari iyon?"gulat na gulat naman na sabi ng nanay ni emelia.

"hija, paano? paano ka nakarating dito?" tanong niya naman saakin, pinaupo naman muna ako ni emelia.

"ahh ano po kase, hindi ko din po alam naaalala ko may mga halimaw na taong lobo akong nakita sa sobrang takot ko tumakbo ako tapos tumama yung ulo ko kung saan basta po nagising nalang ako na tinatapik ni emelia ang mukha ko" pag kwekwento ko namn, nakita ko naman na bahagya silang nagulat.

jusq ang hilig nila magulat,hindi ko naman sila ginugulat.

"mga taong lobo? nakita mo na ang mga taong lobo?" takang tanong naman ni emelia, tumango naman ako.

"Sabihin mo saakin saan mo sila nakita" tanong nita ulet, agad naman akong napahawak sa batok ko.

"duon po sa bukiran namin, kung-....k-kung saan napatay ang nanag ko" saad ko naman sabay yuko.

"paumanhin, hindi ko na sana itinanong" saad naman ng mama ni emelia.

"ahh hindi po, ayos lang" saad ko naman.

"Arghhh-" napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nun.

"ARGHHHH"

napahawak naman ako sa ulo ko, parang may nag bibiyak nun.

'Shit ang sakit!'

"diyos ko, Anong nag yayari?" naramdaman ko naman na hinawakan ako ni emelia.

"binibini anong nang yayari?" napatingin naman ako kay emelia at dahan dahang nawalan na ng malay.

NAALIMPUNGATAN naman ako ng makaramdam ako ng ihi.

agad naman akong bumangon at hinanap ang Cr, wala?.

baka sa baba meron, agad naman akong lumabas sa kwarto at bumaba.

ng makababa naman ako pansin ko naman na walang Cr?, ahh baka sa labas? ewan ko tignan ko nalang.

lalabas na sana ako ng makita ko naman sila emelia sa sala na nakaupo.

sakto naman na napatingin siya, hayst nag taka din naman ako kung anong nang yari kanina tanong ko nalang.

"Binibini" napatingin naman ako kay emelia ng tawagin niya ako, agad naman akong umupo sa tabi niya.

"Ahh anong nang yari emelia?"takang tanong ko naman, agad naman siyang tumingin saakin na nag tataka.

"Hindi mo ba maalala?"takang tanong niya naman,hmp! mag tatanong ba ako kung hindi ko maalala, agad naman akong napatango.

"bigla ka nalang nawalan ng malay ng makaramdam ka ng pananakit sa iyong ulo" napatingin naman ako sa mama ni emelia.

"ahh ganon po ba" agad naman akong napatango at napahawak sa ulo ko.

"Hija, hindi magandang may makaalam na isa kang tao" napatingi  naman ako sa mama ni emelia ng mag salita ito.

"po? bakit po?" takang tanong ko naman, napabuntong hininga naman silang dalawa.

"binibini hindi ko mapagtantong tao ka ngaba o hindi, ngunit para saakin hindi ka isang tao, dahil sa mundong ito ni kahit isa hindi kailan man makakatungtong o makakarating ang mga tao dito lalo na kung wala sila kakayahan para buksan ang Batong nakalaan sa ibang mundo" saad naman ni emelia, what? hindi ko sila magets.

"Ganon na nga, nung una nakakapag taka talaga dahil sa sinabi mong isa kang tao, pero kalaunan na alala ko na kahit kailan hindi makakapunta ang mga tao dito" saad naman ng mama ni emelia.

"pero ang pinag tataka ko padin kung bakit sinabi mong isa kang tao? at siguro galing ka talaga sa mundo ng mga tao, ngunit  paano ka nakarating duon? at nakapunta rito" kahit ako din pinag tataka ko iyon.

naalala ko nanaman ang mga sinabi ni mama..

napatingin naman ako kay emelia ng tumayo ito.

"Papasok na ho ako sa paaralan inay, ikaw binibini dito kana ho muna" saad naman ni emelia, agad naman akong tapatango.

"osge na emelia pumasok kana at baka mahuli kapa" agad naman ng umalis si emelia at dalawa nalang kame ng nanay ni emelia ang natira.

MY REAL WORLDWhere stories live. Discover now