Naka-tingin lang ako sa kanya.

Shucks... ganito ba iyong tinuturuan ka ng upperclass jowa mo sa subjects mo?!

"Deanne," pagtawag niya sa pangalan ko nung hindi ako nagsasalita. "Naintindihan mo ba?" he asked.

I looked at him, still in daze about the fact that I was living my main character dreams. I nodded. "Uhm... yup," sagot ko sa kanya habang rinig na rinig ko pa rin iyong tibok ng puso ko. "Wala ka bang aaralin?" I asked.

"Kanina pa ako tapos."

Napaawang iyong labi ko. Gusto ko sanang tanungin na kung kanina pa pala siya tapos, bakit nandito pa siya? But I decided against it. At this very moment, I just wanted to enjoy this... I wanted to enjoy the fact that Samuel Hayes Fortalejo was helping me study.

"Ano'ng next case?" he asked and then I told him the title, he looked it up, at saka kinwento niya sa akin iyong kaso. Sigurado ako kung matatawag ako para irecite iyong mga kaso na tinuro sa akin ni Samuel, mataas ang grade ko.

* * *

First time ko lang yata sa buong buhay ko mag-enjoy sa pag-aaral. Bandang 5:45PM ay nag-ayos na kami para nasa school na kami ng 6PM. Sumakay ulit ako doon sa Ford ni Samuel.

"Question," I said as he was starting the car. "Hindi ka ba nalalakihan sa sasakyan mo?" I asked dahil medyo nahihirapan kaya akong umakyat kasi mataas siya, in fairness!

"Hindi naman," he replied as he began to drive. Jusko. Ang gwapo talaga ng lalaki kapag nagmamaneho! Tapos nakita ko na naman iyang rosaryo na 'yan! Kinilig na naman ako.

"Ayaw mo ng sedan?" I asked.

"I like bigger cars," he replied. "Nung college pa ako, sedan iyong sasakyan ko. Naabutan ako ng bagyo. Nabaha iyong sasakyan. Hassle," kwento niya sa akin. Bahagya siyang lumingon sa gawi ko. "Why? Ayaw mo sa sasakyan ko?"

Medyo nanlaki iyong mga mata ko. "Ha? Wala naman akong sinasabi," sabi ko sa kanya saka as if naman magmamatter ang opinyon ko! Sasakyan niya 'to, e. Nakiki-sakay lang naman ako.

Nung huminto kami dahil sa traffic lights, nakita ko iyong marahan na pagdrum ng mga daliri niya sa steering wheel. Ang ganda-ganda pati ng daliri ng taong 'to—parang kandila. Sarap sigurong ka-holding hands.

"Another question," I said.

"Yeah, sure," he replied, his eyes on the road.

"Since dati kang sacristan—"

"Why are you so fixated on that?" he asked.

"Wala lang," sabi ko sa kanya. Alangan namang aminin ko na nung elementary ako ay marami akong crush na sacristan sa lugar namin?

"Really..." sabi niya habang tumingin sa akin na parang nang-aasar.

Umirap ako. "Wala nga," sabi ko sa kanya. "Pumasok ka rin ba sa seminaryo?"

Natawa siya. "What? May vibes din ako na seminarista?"

I nodded. "Meron talaga, promise!" sabi ko sa kanya.

Alam mo kasi 'yon? Sobrang... clean looking. Iyon talaga iyong pinaka-magandang description sa kanya—parang ang linis-linis niyang tao. Pati lagi siyang clean-cut sa buhok—never ko pa ata nakita 'tong medyo mahaba ang buhok. Nagpapa-gupit siguro 'to every two weeks!

"Paano mo nasabi?" I asked.

"Hindi naman na-eexplain ang vibes."

"Try," he replied na para bang hina-hamon ako.

Hate The Game (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora