I

9.3K 100 11
                                    

Chapter 1
Butiki


" Hoy, butiki!" nilapitan ko siya habang dinuduro. Akala niya sigurong magpapatalo ako, naku hindi noh!

Ngunit hindi niya ako pinansin at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa ng libro kaya bigla ko iyon kinuha at itinaas, pero nagulat ako nung wala man siyang ginawa.

Hawak-hawak ko pa rin ang libro niyang kinuha ko sa taas at buti naman, napansin niyo na ako at tinignan. 'Yung tingin niyang parang yelo.

Tsk. Hindi ako madadala sa ganyan.

" Oh, ano tinitingin-tingin mo? 'Di ako madadala sa cold stare mo, ano!" hinamon ko siya ng tingin gamit ang pagtaas ng boses habang nasa itaas pa rin ang libro.

"Really?" ani nito. Napatanga ako sa reaksyon niya na kalmado pa rin habang hawak nito ang baba animo'y nababago sa ginagawa ko.

Tinaasan ko siya ng kilay bago sinagot. "Anong really?"

"That really, I have no effect on you?" I faked a laugh when I heard his question.

"Tinatanong pa ba 'yan? Of course wala. Bakit naman ako maaapektuhan sa isang butiki?" akala ko mananatili siyang kalmado pero nagulat na lamang ako nung tumayo siya at hinila ako papalit sa katawan niya.

Nabigla ako sa sudden attack niya,pero kahit na ganoon ay binalewala ko nalang kasi hindi ko gustong magpatalo.

"Papansin na ba ang tawag nito?" bulong nito sa tenga ko, muntik na nga ako kilabutan eh. Ang seductive pa nang pagkasabi.

Well, it's no use. Like I said, wala talaga siyang epekto sa'kin. He's the same guy I hate my whole life. But if he wants to play a game, sige i'll play with him.

"Huh?" wika ko na umaktong pang nanigas sa'king kinatatayuan.

Nakita ko kung paano tumaas ang isang gilid ng labi niya forming into a smirk and that's my cue to hit him with his own book on his head. Hard.

"Here's your book, dimwit. I'm not dumb enough to fall in your trap. May seducing voice ka pang nalalaman, hindi naman umubra." natawa nalang ako lalo na't nakita kong nag-iba ang itsura niya. Ang sama ng tingin sa'kin eh.

"Awww, galit na ang butik—" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko hinila na naman niya ako sa braso.

" I have a name and it's White Alexander Meiyer, not butiki." inirapan ko siya at napansin kong hinigpitan niya ang pagkahawak sa braso ko.

" The hell I care? I don't give a damn." mas lalo pa niya akong hinila papalapit. Problema nito? Pikon na nga ata, nanghihila na eh. Plano siguro nitong sirain buto ko.

" Tratuhin mo ako nang maayos... Shannot," nung una para siyang tigre pero ngayon ngumingiti na ang loko. At anong sabi niya, Shannot? Grrr.

Ang ayaw ko talaga sa lahat ang tatawagin akong Shannot kaya wala sa oras ko siyang itinulak habang tumatawa ang ungas.

"Huwag mo akong tawaging Shannot, hindi tayo close." dumistansya ako sa kanya sabay ekis ng kamay.

" Huwag mo rin akong tawaging butiki, hindi rin tayo close." nandoon pa rin sa mukha niya ang nakakalokong ngiti. Sarap suntukin para mawala 'yan eh.

I tried to calm myself by counting 1 to 3. Pero nung nasa number 2 na ako, biglang lumabas ang galit ko kasabay nang pag-angat ng paa ko sabay tapak nito sa paa niya gamit ang heels ah, take note.

My fiancé is a jerk (Completed/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon