Luckily, Sandro was there to wrapped his iron clad hands on my waist. Instead of smacking down the dirty road ay nasubsob ako sa dibdib niya. Ilan sa mga ulo ng ubrerong malapit sa amin ay nagsi- ahon upang matingnan ang nangyayari. Nagtawanan sila at nagsi bulungan.

Pinagtatawanan ba nila ako?

Mabilis akong umayos sa pagkakatayo nang mapagtanto na baka ganoon nga, pero hindi ko nagawa dahil sumabit ang dulo ng buhok ko sa buckle ng sinturon ni Sandro! Sinubukan kong hilahin ito at agad na nakaramdam ng matinding sakit sa anit! Tang ina!

"Aray! Tanggalin mo Sandro, tanggalin mo!" Hysterical na utos ko.

I just can't imagine how I looked so stupid right now. At sa harapan pa ng mga ubrero! Na mula pagkabata ay kilala ko!

"Calm down." Sandro chuckled as he put his hand on my shoulder to stop me from moving. "Lumuhod ka sandali."

Namilog ang mga mata ko. "Ano? Bakit ako luluhod? Just take it off!"

"I can't. Hindi ko matatanggal kung hindi ka bababa."

Dahil sa ihip ng hangin ay mas lalong sumabit ang mga buhok ko sa sinturon niya. Malakas na napamura ako. Mariing ipinikit ang mga mata kasabay ng unti- unti kong pagluhod. How I wish the earth would just swallow me at this moment!

Natigil ang bulong- bulungan ng mga ubrero. Nakita ko pa ang pagkalaglag ng ilang itak dahil sa nakita mula sa amin.

Marahan ang ginawang pagtanggal ni Sandro sa buhok ko. Hinahawakan niya ang aking ulo kaya hindi ako nakaramdam man lang ng sakit sa anit.

"You should stop texting while walking.." Sandro who is being serious but there's a hint of laughter on his voice. "Nakita mo na ang nangyari."

Sumimangot ako at hinawakan ang namumulang pisngi dahil sa kahihiyang natamo kanina. Hinding- hindi ko na talaga gagawin!

"Sa susunod kasi, h'wag ka nang mag belt!" iritado kong sigaw.

Hinihilot ang sentido kong binilisan ang mga hakbang. Hindi ko pinansin ang mga mata ng ubrerong hindi pa yata natatapos kakatitig sa amin na tila kami isang pelikula rito.

"Ano?" humalakhak siya bago ko narinig ang mga hakbang niya patungo sa akin. Mas binilisan ko rin ang paglalakad. Halos takbuhin ko na upang hindi lang siya makasabay.

I've never been so embarrassed like this my whole life.

Tahimik ako habang nasa loob ng kotse ni Sandro. Hindi naman mawala ang ngisi niya habang nasa biyahe kami. Nang makarating tuloy sa the coast ay nagtaka si Samantha at Miko sa pagiging iritado ko.

"Inaway mo ba siya, sands?" si Samantha na pinapanood akong nakahalukipkip. Si Sandro ay nakasunod sa akin.

"Nope. It's just.." he chuckled. "something happened."

Nagtaas ng kilay si Samantha. Si Miko ay pinaglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

We went inside after Samantha's unending questions. Mabuti naman at nang mapagtanto niyang wala akong balak na sagutin ang mga tanong niya ay tumigil na.

The coast was an hour drive away from our place. It was truly an exceptional spot for those who are nature lover. We walk through the beautiful place and enjoy peace, tranquility, and beauty.

Sinikop ko ang buhok at nilagay sa kabilang balikat dahil malakas ang hangin sa banda rito. Malagkit din sa balat ang pagdampi ng hangin. There are pumpboats nearby. May mga bahay kaming nadaanan kaninang papunta rito kaya sigurado akong pagmamay-ari iyan ng mga locals dito.

"Reservation for Samantha Del Valle.." wika ni Sam sa maitre d' na sumalubong sa amin. Inakay kami nito patungo sa isang lamesang nasa dulo. Inabala ko kaagad ang sarili sa pagmamasid sa paligid.

The mangrove restaurant is good. Habang papasok ay dumaan kami sa tulay na gawa sa kawayan. Kahit ang resto nila ay gawa din sa kawayan, even the tables and chairs. It is very unique compared to other restaurants that Sam used to treat me before. Kung hindi ko kaibigan si Sam, kailanman ay hindi ako makakapasok sa ganito kasosyal na mga lugar.

Hindi ko alam kung bakit kasama namin ngayon si Sandro Marcos. Kung dati ay tahimik kaming tatlo at halos hindi nakakakuha ng atensiyon ay ibang- iba ngayong narito siya. Ilan sa mga nadaanan namin ay nakasunod ang titig sa kanya.

Hindi naman alintana ni Sandro iyon na diretso lang ang titig sa harapan.

Nang makita ko na may nag vivideo sa table na hindi kalayuan sa amin ay pinili ko kaagad na tumabi kay Miko. Pero mukhang mas lumala pa dahil inokyupa ni Sandro ang upuan na kaharap ko, katabi niya si Sam na kaharap ni Miko.

Ano 'to? Double date?

Halos tawanan ko ang sarili dahil sa naisip. Hala sige, asa ka pa, Venus! Mas masakit ang bagsak kapag mas mataas ang pangarap eh.

Ilang babae ang pumarito sa table namin upang makapag picture kay Sandro. Natigil lang iyon nang dumating na ang orders namin at nagsimula kaming kumain. Atleast they know when to approached him right?

Okyupado ni Samantha at Sandro ang usapan, minsan nakikisali ako o si Miko kapag tinatanong. Pero madalas ay tahimik kami.

"The Salmorin's has been serving my family for a long time." si Sandro. "Pinili nilang suportahan ang kandidatura ni Gov sa paparating na election at nagpapasalamat naman kami doon. We've never been one to turn downs supports"

Governor Matthew Manotoc is an epitome of a well breed and a good son. He is not just good looking but is very intelligent. Sa tingin ko, masyado pa siyang bata nang pasukin ang mundo ng politika. Pero makikita naman sa kanya na gusto niya ang ginagawa.

Mas lalo pang lumalim ang pinag-uusapan nila tungkol kay Gov. Matthew. Tahimik ako at nakikinig lang. Palihim na humahanga sa batang Manotoc.

"Ikaw ba, Ven?" bumaling sa akin si Sam. "Ano ang tingin mo kay kuya Matthew?"

Napatigil ako sa pagkain. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong bumaling rin si Sandro sa akin dahil sa tanong ni Sam.

Napaisip ako. "Uh. Well mannered siya, humble, optimistic, bonus nalang his super good looks. He is worth waiting for presidency in the future.."

Sandro 'tsk' beside me. Si Sam ay napangiti. "See? Even Venus could agree with me!"

"He's an idiot.."

My eyes immediately flew to Sandro. Umiwas siya ng tingin nang magkatitigan kami. Iritado siya na ang pag-iwas ng tingin sa akin ay nagmukhang inirapan niya ako.

Bakit ka galit? Eh nagsasabi lang ako ng opinyon ko.

"Medyo makulit kasi si kuya Matt.." halakhak ni Samantha sa sinabi ni Sandro. "Pikonin si Sands sa mga kalokohang ginagawa nila ni Kuya Borgy at Kuya Mike noon."

"Sinabi lang sa akin ni Vinny 'to eh. One time daw sa London, may nakaaway sila sa isang bar. Si kuya Borgy ang nagkaroon ng kaaway tapos nang magkaabutan na sila ay doon na sumali si Kuya Mike at Kuya Matthew. Si Sandro dapat ay mediator lang. Pero dahil ang yabang ng kalaban ay nasuntok siya sa pisngi.." humalakhak na si Sam na tila may naalala. "Then napikon si Sandro, sinuntok iyong sumuntok sa kanya. Nalaglagan ng isang ngipin. Edi patay silang apat kay Tito Dom at Lola Hilds. Lalong- lalo na si Sandro na dapat ay aawat lang."

"Naku, kung alam niyo lang.." dagdag ni Sam. Heto na naman siya sa mga walang katapusan niyang kwento. "Maraming kabalastugang ginagawa ang mga 'to noong nasa London pa. They used to do wild things together. Party together. Womanize together."

Napatingin ako kay Sandro sa huling sinabi ni Sam. Nag-angat rin siya ng tingin sa akin.

"To be fair, wala akong nilalanding babae. I just love to party.."

Tumaas ang kilay ko. Hindi naman namin tinatanong ah? Bakit ang defensive nito?

Waves of LifeWhere stories live. Discover now