"Let's break the deal and make it real" dahan dahan siyang naglakad papunta sa akin at diretsong nakatingin sa mga mata ko. "We don't need to act in front of them because starting today...this is real no more acting."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil yung taong gusto ako ay gusto rin ako pero an'daming what if's na pilit na pumapasok sa utak ko. What if hindi sila maging okay ng papa niya, what if Clarice gets mad, what if mawalan ako ng trabaho kung malalaman yung ng mama niya.
Hinawakan niya ang aking mukha at hinaplos ito. "Wala kang ginagawa pero araw-araw na nakikita kita, nahuhulog ako. I want you to be mine" Sabi niya bago maglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw o napakurap, wala akong nagawa kung hindi magpatianod sa mga halik niyang nakakalasing at nakakalunod. Napahawak ako sa kanyang batok dahilan para mas lumalim ang salitan namin ng mga halik. Parehas kaming naghabol ng hininga ng sandali siyang huminto. "Hindi mo 'ko pinigilan, I'll take that as your answer" Sabi niya sabay kindat.
"N-Nagulat ako kaya h-hindi na k-kita napigilan." Mahinang sambit ko bago nag-iwas ng tingin.
Mahina siyang napatawa, "But you respond, I think hahanap-hanapin mo na iyan." He held my hand and gently kissed it. "Itong mga kamay na 'to, lagi ko nang hahawakan 'to...Alam kong mabilis pero may gayuma ka 'ata, tinamaan agad ako sayo. I love you, I love you so much."
"I love you too, I really really love you Iñigo" ani ko. Akala ko kung anong gagawin niya dahil tumayo siya pero inabot niya ang kamay ko para alalalayan akong maglakad. Pinagsiklop niya ito at hinalikan. "Saan nanaman tayo pupunta? Napaka-gala mo" natatawang sabi ko.
He smiled, "Sa lugar kung saan alam kong magugustuhan mo"
****
Mukhang planadong planado ang lugar na 'to. There are small candles, flower petals scattered on the road, hanging lights in the trees and music that really makes you feel good. Ang ganda ganda dito.
"Hindi mo naman pinaghandaan noh? Mukhang biglaan eh" I said in sarcastic way.
"Jared helped me, magaling kasi 'yun sa mga ganito. Do you like it?" Tumango ako bilang sagot. "Mabuti naman" mahinang sabi niya.
Taas-kilay ko siyang tiningnan. "Paano kapag hindi ko nagustuhan 'to? Anong gagawin mo?"
"Wala naman, lilipat nalang siguro tayo sa restaurant" kamot-ulo niyang saad. "Are you hungry? Kain muna tayo"
"Pizza nalang kainin natin" masiglang ani ko.
Naningkit ang mga mata niya, "hindi ka pa kumakain, o-order na lang ako ng fast food, ano gusto mo?"
"Ahm..Mag Jollibee nalang tayo" nahihiyang sabi ko at nag-iwas ng tingin.
****
In less than an hour our order arrived. Habang busy sa pagkain ay biglang nag-iba ang tugtog, Biglang nagplay yung Mundo by IV of spades.
N/A: play niyo para dama
Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Natatawang inabot ko ang kamay niya at umiling
'Sa'n darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa?
Kung lumisan ka, 'wag naman sana'
"Mga pakulo mo, ang dami mong alam" I heard him chuckled so i am too.
'Ika'y kumapit na, nang hindi makawala
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw'
He placed both his hands on my waist while my hands were wrapped around his neck. He kissed my hair and my forehead. I leaned my face against his chest.
'Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka, pagmasdan ang mga tala'
Tatlo na ang naging ex-boyfriend ko pero ni minsan ay hindi sila naging ganito sa akin. Pagkatapos ng date, uwi, usap sa cellphone. Parang cycle lang. Paulit-ulit, walang bago. All my life, he was the only one who did this. Siya lang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal at sa pagkakataon na 'to wala na 'kong ibang iisipin kung hindi ang mahalin siya araw-araw.
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mula sa pagkakahawak sa baywang ko ay niyakap niya ako. "Simula sa araw na 'to ikaw na ang magiging tahanan ko at mundo. Araw-araw kong ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita. Araw-araw kong hahawakan ang mga kamay mo at hindi ko hahayang bumitaw ang mga ito sa pagkakahawak ko." mahinang sambit niya. "I'll never let go of them, hihigpitan ko pa ang mga ito."
"Ako rin, simula sa araw din na ito ikaw na am magiging tahanan ko at sayo lang iikot ang mundo ko. Marami mang humadlang, hindi natin sila hahayaan. Ganon kita kamahal." Sabi ko habang nakahilig parin sa dibdib niya. "Araw-araw kitang mamahalin at hindi ako magsasawa na gawin yun."
'Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Mundo'y magiging ikaw'
Pagsunod niya sa huling saknong sa kanta. Sana naman ay sa ginawa nating sariling mundo ay wala na sanang manggugulo kasi parang hindi ko matatanggap 'yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/290134818-288-k740681.jpg)
YOU ARE READING
Dealing With The Billionaire
RomanceNatasha Santiago is a lazy girl from isabela who loves to read and to dance.she will take her life in Manila because of the insistence of her sister and mother. Will she be able to survive the rude, snobbish CEO of the company? And what if the so -c...
Chapter 11
Start from the beginning