Panganay

2 0 0
                                    

Nakakapagod.

Nakakapagod maglakad sa daanang may kadena na nakakabit sa mga paa. 

Mga kadenang mabibigat.

Kadenang kailangang ibuhat. 

Na parang pasan mo ang lahat. Na parang nakapulupot sa katawan dahil nakasalalay sayo ang matatanggap nila.

Nakakapagod maging panganay.

Maging panganay ng isang pamilyang nakakapit sa laylayan.

Ang panganay na pasan ang halos lahat ng gastusin.

Ang panganay na pasan rin ang pangalan ng lahi.

Ang panganay na pasan rin ang kapalaran ng bawat isa.

Nakasalalay sa kanya. Nakakapit sa kanya.

Mabigat. Di ko na kaya.

Akala ko isang appreciation ang magiging katumbas ng bawat sakrispisyo simula nung kabataan.

Ngunit naging isang obligasyon na parang nakasalpak sa puso mo na buong buhay mo nang ipapasan.

Hindi na bukal. Hindi na nakakasaya.

Matatakot ka na kapag di ka na makakabigay. 

Samut-saring kuda ang maririnig.

Ibat-ibang bersyon ang malalaman.

Tatanggapin mo nalang na parang tubig na iniinom.

Pasok sa kanang tenga labas sa kabila.

Masakit na marinig na ganun nalang ang mangyayari.

Sa una sasabihin kahit magkano. 

Nagbigay ka ng sapat pero pag nagbigay ka ng kulang, kukuwestiyunin.

Nadelay, kukuwestiyunin.

Maraming pang mga sasabihin.

Nakesyo ganyan, na sana ganyan.

Mas gugustuhin mo nalang maging ampon o nakatira sa isang bahay ampunan.

O mamuhay ng para sa sarili lamang.

Walang iniisip na obligasyon para sa pamilya.

Kundi para sa sarili.

Nakakapuno. Nakakapagod. 

Magsabi ka ng baka di makakapagbigay dahil sa isang beses, isisipin ko muna ang aking sarili.

Ngunit Samut-saring masasakit na salita ang maririnig. 

Isang beses na pagkukulang, parang trahedya ang epekto. 

Sana di nalang ako nakapagtapos ng pag-aaral.

Sana di nalang nila ako pinag-aral.

Sana di nalang ako pinanganak pa.

Nakakapagod maging panganay. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PERKS OF BEING THE ELDEST.Where stories live. Discover now