Pangunahing Mensahe

380 11 1
                                    

Mga kababayan kong Pilipino, nais ko po kayong maanyayahang makilahok sa isang proyektong pangkapayapaan. 

Sa pangunguna ni Bill Temple, isa sa mga tanyag na manunulat dito sa Wattpad, ang “The Peace Project” o “Proyektong Pangkapayapaan” ay inumpisahan upang itaguyod ang isang araw ng  kapayapaan. Ang layunin nito ay magkaroon ng isang pangkalahatang araw ng kapayapaan sa Disyembre 31, 2015.

Sinimulan ang proyektong ito dito sa Wattpad, at sinusubukang hikayatin pa ang milyun-milyung mga miyembro nito na maging bahagi ng pangarap na ito.

Kung nais niyong maging bahagi ng makabuluhan at kahanga-hangang proyektong ito, kailangan lang namin ang iyong pagsunod upang suportahan ito. 

Kung nais niyo pang masmakibahagi sa layuning ito, maari kayong mag-ambag ng tula o maikling kuwento na nagpapahayag ng kung ano kahulugan ng kapayapaan para sa inyo.

Maari niyong ipadala ang inyong likhang tula o maikling kuwento sa aming pribadong inbox. Kung mahaba naman ang ginawa niyong likha, maaari niyo itong ipadala sa

pinoywritersforpeace@gmail.com

Maraming salamat po!

Mga Manunulat Pang Kapayapaan: PamanaWhere stories live. Discover now