“Wala nga akong kabit!” pinigilan niya ang kamay ko na susundot naman sana sa tagiliran niya.

Napanguso naman ako, “E sino nga yung si Corazon? G-Gusto ko lang kasing malaman para pag hiniwalayan mo na ako ay mapapanatag ang loob ko dahil mapupunta ka sa Corazon na yun kung mabait man siya.” nanubig na ang mga mata ko sa pinipigilang luha.

Ano ba yan! Bakit naiiyak ako? At bakit masakit yung dibdib ko?

Tiningnan naman niya ako pero nagulat nalang ako ng bigla siyang humagalpak ng tawa. Napaluhod pa siya at napakapit sa sofa dahil madudulas na siya sa kakatawa.

“B-Bakit tawang tawa ka dyan?” napasimangot ako.

Hindi naman siya sumagot dahil sobra talaga siyang tawang tawa. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Bakit siya tawang tawa? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong sinabing nakakatawa pero kung makatawa siya sa sinabi ko ay daig pa niyang malapit ng mamatay.

Tumayo naman siya habang natatawa pa rin ng mahina. Pinahiran niya ang mata niya dahil naluluha na siya sa kakatawa. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Ang tigas!

“Wala akong kabit. Allergy ako sa mga babae kahit pa bakla ako, maliban lang talaga sayo.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko, napapikit naman ako.

Ayan na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Hayst.

“At parang hindi ko na kayang makipag hiwalay sayo.”

Napatigil ako sa sinabi niya at tiningala siya. Nakatitig din siya sa’kin. Napangiti naman ako.

“Bakit magkadikit ba tayo?” natatawang sabi ko.

Natawa naman siya at yinakap ako ng mahigpit.

“Bakit ba lagi mo nalang akong pinapasaya? Pero mas palagi yung inis ko sayo.”

Napasimangot naman ako sa sinabi niya pero kahit ganun ay masaya ako. Pangalawang beses na niya akong yinakap ng ganito. Mukhang nagbabago na talaga ang asawa ko, nagiging mabait na ng kunti sa’kin. Sana tuloy na tuloy na.

“Grocery mo na tayo.” aniya ng buksan niya ang reef namin.

Nandito kami ngayon sa kusina, nagmemeryenda. Napatingin naman ako sa’kanya. Oo nga pala, kunti nalang ang mga foods namin sa reef at sa cabinet din.

“Ay señorito, kami na po ang bahala dyan.” sabi ng isang maid.

Tumingin naman sa’kanya si Ay-Ay, “No, kami nalang ng asawa ko.” saka niya ako hinila.

Lihim naman akong napangiti. Asawa ko? Tsk, bakit ba ako kinikilig? Sumakay ako sa passenger seat at nag drive na siya papaalis sa mansion. Minsan ay sinusulyapan ko siya pero nag iiwas ako ng tingin baka mahuli niya ako ‘e.

“Diba med student ka?” napatingin ako bigla sa’kanya, nakatingin lang siya sa daan.

“Oo, bakit?”

Tiningnan niya ako bago tumingin ulit sa daan, “Nag med student ka pa ‘e takot ka naman sa dugo.”

Napanguso ako sa sinabi niya, “E kasi naman ay nabigla at natakot ako nung time na nahimatay ako dahil nakita ko ang dugo ko.”

Takot naman talaga ako sa dugo pero habang tumatagal ay sinasanay ko na ang sarili ko na makakita ng dugo dahil med student ako.

“Atsaka masasanay din ako niyan sa susunod. Nagpa-practice pa ako ngayon.”

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o ano nung nakita ko siyang tipid na ngumiti.

“Bakit mo pala natanong?”

My Husband is GayWhere stories live. Discover now