23

15 3 1
                                    


MIAMI

"We just played yesterday miss mo na agad ako?" Malambing na tanong ni Raiji sa anak kong nakayupyop sa katawan niya. My son groaned as an answer.

 

The hell! Pinukol ko mg masamang tingin si Kuya Elias na tatawa- tawa lang ngayon. Humanda rin si Kuya Kayn mamaya sa akin! Ako lang ang hindi nakakaalam!



Napukaw ang masama kong tingin nang magtanong ang isa sa mga nag-aayos."Miss Niana, saan po namin ilalagay yung flower ballooons?"


"Upper part, magkabilang gilid." I replied. I am nearly killing someone. Magpasalamat siya at nagpa- plano palang ako! "Excuse me a bit, bibili lang ako ng breakfast." Ayoko ng mag-utos kay Kuya Elias, he also betrayed me!


They all betrayed me!



"Samahan na kita." Prisinta ni Raiji.


Napairap ako sa kawalan at nilagpasan siya. Kaya pala excited pumunta kina Kuya ang anak ko. Kailan pa?! "Kuya Elias, sa Solace tayo." Inis kong sabi.

 

Hindi dahil gusto ko siyang makasama, gusto kong sagutin niya ang mga tanong ko.

 

Ibinilin ko muna kay Beth ang pagbabantay kay Neji. Hindi parin talaga ako makapaniwala sa kapal ng mukha ng lalaking iyon! Bigla- biglang susulpot sa harapan ko, manghahalik at gagawin ang gusto na para bang may karapatan siya!



"Kung tao lang ang wallet, kanina ka pa sinusumpa niyan." Tatawa- tawang ani Kuya Elias. I loosen my grip on my wallet, nearly crumpling it.



"Isa ka pa!" I hissed. "Don't dare to tell me, wala kang alam dito." Nakita ko ang pasiring nilang tinginan ni Kuya kagabi. "Si Ate Lirang alam din niya." I concluded.

He playfully raised his hands. "I told you, the kids need their dad--"

"Unbelievable!" Hindi man lang talaga siya nag-abalang magsinungaling! "Tell me, kailan pa? Kahapon lang ba?" God! I wanna strangle his neck!

"Noong nakaraang linggo pa--"

"At hindi mo man lang sinabi sa akin?!" I asked exaggeratedly. "No one even bother to tell me! Akala ko ba— God!" What the hell did Raiji do para itago siya ng ganon nina Kuya?! "I'll remember to kill Kuya Kayn later." Pag- uuntugin ko talaga sila ni Ate Lirang!

He cleared his throat. "Baka sa susunod mo pa magawa ang plano mong yan."

"And why is that?!" My hands can't wait to grip Kuya's neck! Naiinis ako!

"Bumiyahe na sila kagabi papunta doon. Alastair gave them a call." He grinned.

"Manipulative!" I groaned in frustration. "What the hell did just happen? I thought he is marrying Rhein. Their baby? Akala ko ba bininyagan na? Anong ginagawa niya dito?!"

Ginulo niya ang buhok ko. "Siya ang tatay ng mga anak mo, normal lang naman siguro na narito siya sa kaarawan ng bunso niya diba—"

"Don't ever go there Kuya Elias, sisipain talaga kita palabas ng car!" I shrieked. "All of you must be insane, I feel really betrayed," I said grumpily.

He mocked me all through the byahe, I ordered him to serve the coordinators and designers their breakfast. Diretso ako sa taas, sa mismong kwarto namin ni Neji. "Beth ako na lang dito— what the hell are you doing inside my room?!" 

Man In Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now