Isa-isa kung hinalikan ang mga anak ko.

"Wag pasaway sa school, wag maghahanap ng away at makinig sa teacher, okay?" paalala ko sa kanilang tatlo.

"Yes, papadad." sila at binigyan ako ng halik at yakap.

Pinagbuksan sila ng pintuan sa sasakyan ni Tyson at silang tatlo ay nagsiksikan sa backseat. Walang umupo sa harap. Nang masara ni Tyson ang pintuan ng backseat at paikot na siya sa driver's seat lumapit ako sa kanya.

"Ibalik mo ang mga anak ko, Tyson." saad ko sa kanya.

Naningkit ang mata niya. "I will Cass. I can keep a promise." saad niya na para bang pinapatamaan niya ako.

Napakuyom ako sa kamao ko. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na ihahatid ni Tyson ang mga anak ko sa school nila na hindi ako kasama. Sa mga nagdaang araw na hinahataid niya ang mga anak ko. Sumasama ako kasi syempre takot din ako na baka itakbo niya ang mga anak ko at saka mas kampante rin kasi ang mga bata kapag kasama ako sa paghatid sa kanila.

Nakikita ko naman na sinsero si Tyson sa pagkuha ng loob sa mga anak ko, namin. Kaso nangangamba pa rin ako na baka isang araw o isang minuto lang magbago ang takbo ng utak niya at itakbo ang mga anak ko. Hanggang ngayon kahit na lagi ko nang nakikita si Tyson wala pa rin akong tiwala sa kanya. Masyado kasing bipolar kumbaga ang takbo ng utak niya kaya hanggang ngayon ang hirap pa rin pagtiwalaan ang mga pinagsasabi niya. Ang hirap paniwalaan ng mga salitang lumalabas sa bibig niya. At mamamatay ako ng maaga kapag nangyari iyon.

"Nagpapaalala lang ako." natigas kong saad sa kanya.

Napabuntonghininga si Tyson."Don't worry, Cass. Dahil ayaw ko na kamuhian pa ako ng mga anak ko ng husto. Kaya makakaasa ka na hindi ko sila ilalayo sayo." si Tyson na parang ngayon ko lang ata siya narinig na nagsalita ng tagalog at mabaha pa.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo dito, Tyson."

"Aalis na kami."

"Mag..." napatigil ako at umubo. "Ingatan mo ang mga anak ko."

"I will, and they're my children, too, Cass. What do you take me for?"

Nang makaalis sila ako naman ay bumalik sa loob at naghanda dahil pinapaaga kasi kami ngayon dahil may isang wedding event sa hotel na pinagtatrabahuan ko. Pagkatapos ng paghahanda ko ay binitbit ko na ang tote bag ko at aalis na sana nang lumabas si Owell galing sa kusina na may dalang tasa at tinapay.

"Aalis na ak-"

"Nagkakamabutihan kayo ni Maranzano?" putol niyang tanong sa akin na kinakunot ng noo ko.

"Anong pinagsasabi mo dyan, Owell? Akala ko tulog ka pa?"

Inirapan niya ako. "Nakita kong nag-uusap na kayo ng masinsinan sa labas, huh. Wag mong sabihin sa akin sa susunod n'yan Cass na nahulog ka na naman doon sa lalaking iyon? At napapatawad mo na siya sa mga nagawa niya sayo noon?"

Napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. "Owell, saksi ka sa mga paghihirap ko dito. Saksi ka kung paano ako, naghirap, kung gaano ako nasaktan, saksi ka sa mga luhang lumabas sa mata ko sa panahon na sinabi ko sayo ang nakaraan ko. Hindi ako ganun kadaling madadala ni Tyson ngayon Owell. Saka, ang mga anak ko lang ang kailangan niya. Malinaw iyon at kita mo naman ang kaplastikan noon sa akin, diba?"

Bumuga siya ng isang hinga. "Alam ko Cass. Alam na alam ko ang pinagdaanan mo. Pero sigurado ka ba dyan? What if one day kapag nagkasundo na ang mga inaanak ko kay Maranzano at ikaw naman ang suyuin niya?"

 The Mafia Lord's Pet|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon