Chapter 43

11.2K 628 132
                                    

Harrice

"Elle, anong chocolates 'to?"

Sandaling sumulyap sakin si Elle na abala sa pakikipagkwentuhan kina Ate Cray. "Saan mo kinuha?"

"Sa bag mo." Ipinakita ko sa kanya yung pakete ng tsokolate na nakuha ko sa bag nya. Inutusan nya kasi ako na kuhain yung phone nya dahil tatawagan daw nya si Elise at may itatanong doon.

At dahil nakita ko nga na may mga tsokolate na naman na gaya ng kinain ko kahapon sa office nya, kinuha ko na iyon lahat. Hindi naman siguro sya magagalit kung kakainin ko iyon.

Saka kasal naman na kami. What's hers is also mine.

Kung kay Tris man galing ito, bahala sya. Uubusin ko lahat bago nya pa magayuma si Elle.

"Oh, those bittersweet tasting chocolates pala." komento ni Cray. Este Ate Cray na pala. Kabilin-bilinan ni Elle na ate na yung itatawag ko kay Cray dahil pag narinig daw ako ng parents nila, baka masita na naman ako.

Their parents are very keen in telling Elle that Cray should be called Ate. Lalo pa at adopted nga lang ito. Ayaw daw nang mga ito na maramdaman ni ate Cray na hindi ito itinuturing na ate ni Elle kahit sa paraan ng pagtawag lang dito.

That's why if I want to be accepted, I should learn how to address their family first.

Pero feeling ko talaga naiinggit lang si Elle kasi kras ko yung ate nya.

"Nasaan na yung iba?" Naniningkit yung mata na inagaw ni Elle yung pakete ng tsokolateng hawak ko.

"Kinain ko na."

"Lahat!?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumayo pa nga ito at lumapit samin ni Eris. Hindi tuloy ako magkandatuto kung paano itatago dito yung natitira pang tatlong piraso. Yung dalawa kasi ay binigay ko kay Eris para matikman din nito iyon. Kasalukuyan pa nga nitong kinakain iyong natitira nitong isa.

"Wala na, Elle. Tatlo na lang 'to. Ubos na namin ni Eris."

"Gosh, Harrice!" She exclaims. "Ikaw yung umubos ng stocks ko ng ganito sa office kahapon no?"

"E ang tagal mo kasing bumalik. Nagugutom na ako. Saka malay ko ba kung kay Tris galing ang mga ito. Kaya inubos ko lahat ng stocks sa table mo. Mamaya may gayuma pa 'tong mga tsokolate. Mahir-"

Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang biglang tumayo si Eris at itinapon sa trash bin yung natitirang tsokolate na hawak nito. Nagtatakang napatingin tuloy kami dito nang dumiretso ito pagkatapos sa sink at pilitin yung sarili na sumuka.

What the crunchy cookie is she doing? Dapat ninanamnam nya yung lasa ng tsokolate. Sayang yung after taste!

"No, Harrice. Akin na yung hawak mo." inagaw sakin ni Elle yung natitira pang tsokolate. Nawala tuloy yung atensyon ko kay Eris.

"Ang damot mo!"

"Gawa ni Momma 'tong mga tsokolate na 'to. I am not eating chocolates except this one. Tapos inubos mo na lahat." reklamo ni Elle na tinanggal yung wrapper ng isa at saka kumagat doon. "Did you know that this chocolates are ultra rare? Minsan lang gumawa ng ganito si Momma. Pag sinusuyo nya lang si Mommy. Tapos uubusin mo lang?"

"So para kay Mommy yan? Hindi para sayo?"

Natigilan si Elle. Namumula yung mukha na napatingin sakin. "Yeah. For my mother."

"E kasal naman na tayo. Pwede ko na siguro i-address ng ganon si Tita Alliston. Saka, she likes me too much. Okay lang naman siguro sa kanya iyon. Sasabihan ko nga sya na magpagawa pa ng madaming ganyan kay Momma. O kaya, ikaw na lang. Gawan mo din ako nyan. Para di ka nagdadamot."

ForelsketWhere stories live. Discover now