Atleast We Met

10 3 0
                                    

Aaliyah and Jason are both soldiers. Doon din nagsimula ang kanilang pag iibigan.

Kakabalik lang nila parehas sa kampo upang magpaalam na hindi na muna makakapasok si Aaliyah, dahil nagdadalang-tao ito para sa magiging panganay nila.

Hindi naman maitago ang kasiyahan sa magkasintahan sa kadahilanang eto ang kanilang pinapangarap, ang bumuo ng isang masayang pamilya.

"We'll be alright.." he kissed the forehead of his girlfriend before helping her out of the car.

Ngunit nagkakagulong mga tao ang nadatnan nila sa kampo. Maraming tumatakbo, ang iba ay may mga tinatawagan, ang iba ay naghahanda ng mga gamit. Hindi nila pinalampas ang kuryosidad at agad nilapitan ang mga kasamahan.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Aaliyah sa kanyang matalik na kaibigang si Zetty.

"May pamilya daw kasi na hinostage sa isang abandonadong bahay malapit sa pinagtataguan ng mga terorista." Nababalisang wika nito.

"Makinig kayo! Isang misyon ang kailangan pa nating tapusin, tandaan niyo ito... Iligtas ang mga ililigtas, at walang mamamatay." Tinig ng pinuno nila.

Agad lumapit si Jason kay Aaliyah para magpaalam dahil sasama ito sa misyon. Isang di maintindihang kaba ang naramdaman ni Aaliyah kaya naman kahit pinagbawalan siya ay nakiusap siya sa kaibigan na palihim nilang sundan ang kanilang grupo.

Ayaw man pumayag ni Zetty ay nakonsensiya naman siya ng mag makaawa ang kaibigan sa kanya.

Nang makaalis ang mga kagrupo ay naghanda na rin sila, suot ang mga safety gears ay palihim nilang sinundan ito.

"Magiging ayos din ang lahat.." bulong ni Aaliyah habang hinahaplos ang kanyang tiyan.

     •••••••••••

Nang makarating sila doon ay nakita nilang nakapwesto na ang ibang mga kagrupo ngunit napakatahimik ng kapaligiran.

Kitang kita niya ng magsipasukan na ang mga kasama sa bahay, at kitang kita rin niya ng sumunod ang kasintahan ngunit ilang hakbang palang nito ay napatigil ito.

Maya maya pa ay bumalik na ang mga kasamahan niya mula sa loob ng bahay, at walang nadatnan na kahit isa sa kanila. Pabalik na sana sila ng makita si Jason na nakatayo lamang doon, namumutla at pinagpapawisan, pilit na hindi gumagalaw.

Lalapitan na sana nila ito ng sumigaw ito. "Wag! Please, wag kayong lumapit.."

Nagtataka man ay dahan dahang lumapit ang pinuno upang kumpirmahin ang hinala.

Nang makalapit ito ay mapait na ngumiti si Jason. "Boss, I think I stepped on a land mine.."

Rinig na rinig ni Aaliyah ang lahat at halos bumagsak siya dahil dito. Puno ng panginginig ang katawan at tuloy tuloy na pinagpapawisan. Alam niya ang nangyayari...

"Wag kang gagalaw! Hahanap tayo ng paraan!" Punong puno ng pag-asang sabi ng pinuno ngunit ngumiti lamang ng mapait si Jason.

"Sir! Isa lang po ang hiling ko, huwag niyo pong pababayaan si Aaliyah at ang magiging anak namin. Pakisabi po sa kanya na ginusto ko ito, at pasensiya na kung hindi ko na matutupad lahat ng pangako ko." Naluluhang sabi ni Jason sa nakatulalang pinuno nila. "Mahal na mahal ko po siya."

Pilit pang humahanap ng paraan ang mga kasama ni Jason, pero pinili niyang itulak ito paalis dahil alam niya ang kahahantungan niya.

Samantala, nandoon si Aaliyah, patuloy na lumuluha hanggang sa isang malaking pagsabog ang narinig nila mula sa pwesto ni Jason.

Zette's One-Shot Stories CompilationWhere stories live. Discover now