Ang bilis ng panahon, magpapasko nanaman. Parang kailan lang ay iniisip ko pa kung anong mangyayari sa hinaharap--na kasalukuyan ngayon. Nakakamangha 'di ba?
Patuloy na tumatakbo ang oras. Hindi ito natigil. Maski ang pag-ikot ng mundo. Pwera nalang kung may mangyaring phenomena na--tama na baka lumayo pa tayo.
Sa pagkakatong ito, ay ninanais ko talagang bumilis ang oras kasi ang tagal-tagal dumating ng kaibigan ko. Kanina pa ko sa harap ng simbahan at naghihintay sa kaniya na siyang nagsabi na on the way na daw.
On the way my ass.
Napakaechusera frog ng friend ko. Ang usapan ay 6:30 pm ang meet-up dahil ang sunod na misa ay 8:00 pm.
Ina-adjust ko na nga yung time kasi sabi niya matutulog daw siya ng hapon kasi late na siyang nakatulog which is 7 am pa.
Sinong matinong tao ang tutulog ng ganoong oras?
Malamang hindi siya, di naman matino yon.
Tinignan ko ang oras 7:30 pm na at malapit nang matapos ang unang misa para sa simbang gabi at ang babaeng yon, wala pa! Napasapo nalang ako sa aking noo.
"Hay.." buntong hininga ko.
Kinakalma ang sarili at hinahabaan pasensya para sa kaibigan kong late na ng 1 oras sa napagusapang oras ng pagkikita.
Napakalamig pa naman dito sa labas ng simbahan kung saan ako nagiintay. Lalo na't sa hilaga pa nakaharap ang simbahan, kaya salubong na salubong ko ang hanging amihan.
Buti na lamang at nakajacket ako kundi malamang ay nanginginig na ko sa lamig dito.
Kung iniisip niyo kung bakit di ako sa loob ng simbahan nagantay? Ay naku dzai, napakaraming tao sa loob at ngayon lang ulit nagkaroon ng simbang gabi sa lugar namin. Alam niyo naman, dahil ng COVID-19 ay talagang halos ilang taon bago nawala ang mga restrictions kaya ngayon lang may misa ulit sa amin.
Nakakamiss nga eh. High-school pa ako noong huling umattend simbang gabi. Ngayon magco-college na ako. Ang bilis talaga ng panahon.
Di tulad ng kaibigan ko diyan, ubod ng bagal.
So ayun na nga, ang tagal tagal ng kaibigan ko. Tinignan ko kung may text ba or tawag sa phone ko ngunit wala naman.
Meron lang akong napansin.
May mga tawanan akong naririnig. Sinilip ko ang loob ng simbahan, inaakalang natawa sila sa mahabang homiliya ng pari na pinakikinggan ko kanina habang nagiintay, ngunit hindi naman.
Tsaka impossible naman na puro bata yung laman ng simbahan kasi yung mga nagtatawanan ay mga bata kaya tinignan ko paligid ko.
"HAHAHAHAHA"
"hahahaHAHAHA"
"HAHAHAHAHAK-"
"AAAAAHHH HAHAHHAHAHA"
Narinig ko lalo ang mga tawanan ng mga bata. May narinig pa yata akong nasamid eh. Pagtingin ko sa likuran ay tignan mo nga naman. Kumpulan ng mga bata.
Di naman sila marurungis. Sobrang marurungis lang. Mukhang pinalabas ng simabahan dahil sa masasama ang ugali nila este dahil baka makaistorbo sila sa misa.
Hay, ayoko talaga sa bata.
Dadagdag pa yata sa stress na inabot ko sa kaibigan kong dinaig pa ang pagong.
"Hoy! Anong tinatawa tawa niyo diyan?!" maangas kong tanong sa mga bata para matakot at lumayo sa akin. Ayoko ng iniistorbo ako sa pagmumuni muni ko at pagiintay sa--hays.
YOU ARE READING
Kampana
RomancePag-ibig sa tamang lugar, sa tamang oras, sa tamang pagkatataon at sa tamang tao...Posible kaya ito? Started: December 2, 2021
